68. TOUCH

1K 93 26
                                    


FLEX

"Can I join you?" sumulpot si Henry sa likod ko habang ako ay umiinom ng kape. It is 1:00 in the morning already and we're here beside the kitchen table.

"Sure." ngiti ko. Ngumingiti lang ako pero ang laki na pala ng pinoproblema ko.

Tumabi siya sa akin at nagtimpla din ng kape. "Bakit gising ka pa?" aniya.

"Thinking." humigop ako ng kape sa tasa na hawak ko.

"What are you thinking." sabi ni Henry habang iniihipan ang mainit niyang kape.

"I'm thinking about the future." sagot ko.

I'm thinking all the things I need to do to save my mother. I'm thinking how to get away from here. I'm thinking how I can move on. I'm thinking how I can have a life. Ang dami kong iniisip.

"The future is insignificant because you live in the present, in the now. The present will design the best future so make sure you make it memorable." he said.

"Yeah, I will make it memorable." I mimicked his words.

Tumayo si Henry at sinenyasan akong tumayo din sumunod sa kaniya.

"I will show you something." aniya.

"Ano iyon?" tanong ko.

"You'll see." ngiti niya.

He guided me to a room. Hindi pa ako nakakapasok sa room na ito. He opened the door and a wide space greeted us. "Wow." ani ko nang makita ang laman ng kwarto.

The room is full of old paintings and furnitures. May mga bagay din nga na hindi ko alam ang tawag.

"Pasok ka." anyaya sakin ni Henry dahil natigilan ako sa harap ng pintuan.

"What is this room?" I asked.

"This is our stock room, dito namin nilalagay ang mga lumang gamit." tugon niya.

Stock room lang ito? Sa mga mata ko kasi ay museum na ito. I sure na mahal ang halaga ng mga bagay dito. Alam natin lahat na malaki ang halaga ng mga bagay na luma.

"Bakit mo ako dinala dito?" hinawakan ko ang isang vase na may disenyong bulaklak.

"To show this!" masiglang sabi niya nang tumapat kami sa isang malaking portrait.

Tinitigan kong mabuti ang nasa portrait. I smiled when I realized that it is a family picture of the Loreto's. Ang nasa portrait ay ang mag-asawang Lotero at ang triplets. Hindi ko ma-point out kung saan sina Henry, Armie at Rylee. Triplets kaya syempre magkakamukha lang.

"That's me," turo ni Henry sa kanan. "to the left is Armie," nakafull-smile si Armie. I miss him so much. Nakakalungkot. "and of course si Rylee ang nasa center." dugtong niya.

Pinagmasdan kong maigi ang hitsura ni Rylee. Siya ang pinakapayat sa magkakapatid. Halatang sakitin talaga siya. Isang bagay pa ang napansin ko ay ang mukha niya, siya na siguro ang masasabi kong pinakamalungkot na bata na nakita ko. Naawa tuloy ako sa kaniya.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon