CHAPTER 13

2.4K 234 38
                                    


Chapter 13: THE AWAKENING

FLEX

Ang kamatayan ay hindi malaking kawalan sa buhay ng tao. Ang malaking kawalan ay yong bagay na nawawala o namamatay sa loob natin habang tayo ay nabubuhay. Dahil habang natututunan nating mabuhay ay natututunan din natin kung paano mamatay.

"Mama!!! Gising na si Ate!!!" Ang pamilyar na boses ng kapatid kong si Stephen ang unang narinig ko.

Biglang bumalik sa akin ang mga nangyari sa akin. Ang pagkamatay ng mga kaibigan ko nang dahil sa akin. Nang dahil sa ideya na hanapin si Maricel. Ngayon, hindi nalang si Maricel ang nawawala. Ang mas masakit ay hindi ko na silang makikitang buhay at nakangiti. Dahil sa ala-alang ito ay nagpanic ako.

"Nasan sila Jessa! Nasan si Armie!!!" Pagsisigaw ko habang tumutulo ang aking mga luha.

"Ma?!!!" Pagsisigaw din ni Stephen na nag-aalala na rin sa akin. Agad namang dumating si Mama at niyakap ako.

"Anak? Flex? Huminahon ka Anak, nandito lang kami." Pagpapatahan ni Mama sa akin.

Huminahon ako sa yakap ni Mama. Nararamdaman ko na hindi ako nag-iisa sa labang ito. Na nandito si Mama at Stephen para damayan ako. Nang makapaghinahon na ako ay doon ko na tinanong si Mama sa mga nangyari habang tulog ako.

"Nasan na ang mga kaibigan ko Ma?" Alam ko na ang ibang maririnig kong sagot ay hindi maganda kaya hinanda ko na ang puso ko.

"Wala na si Nema, David at Ezra anak." Simpleng sagot ni Mama. Masisilayan sa mukha nya na pinapagaan nya ang loob ko.

Silang tatlo lang? Paano ang iba?

"Si Jessa?!" Excited kong tanong.

"Buhay sya per..." Naputol ang sasabihin niya.

"Buhay sya? Salamat naman! Nasan sya?" Napahinto siya dahil sa sunod-sunod kong mga tanong ngunit nagpatuloy din sya.

"Nandito sya sa Hospital." Aniya.

"Tara puntahan natin sya!" Buong galak kong sabi habang inaayos ang IV na nakatusok sa pulso ko.

"Hindi pwede Flex, magpahinga ka muna." Nakangiting sabi nya habang hinahawakan ang kamay ko.

"Bakit?" Alam kong may hindi sila sinasabi sa akin. Makikita ko sa emosyon ng mga mukha nila.

"Maraming nagbabantay sa kanya doon kaya hindi ka makakapasok." Pagpapaliwanag ni Mama.

May kakaiba sa mga pananalita ni Mama. They are hiding something from me. Kailangan kong malaman kung ano iyon. Sinuri ko ang paligid ng hospital room kung nasan ako ngayon. Kumuha ako ng bwelo at tinanggal ang dextrose sa pulsuhan ko.

Aray!!!

Ang sakit nang pagkakatanggal ko nito. Pagkatapos ay tumakbo ako ng mabilis palabas sa kwarto. Nabangga ko pa nga ang isang nurse. Narinig ko na lang na nagsisigaw si Mama sa loob ng kwarto. Siguradong nabigla sila ni Stephen sa pangyayari.

"Flex!!! Anak!!! Huwag!!!" Sigaw ni Mama.

Agad naman silang nakabuntot sa akin na tumatakbo. Binabasa ko ang mga signage na nakalagay sa bawat kwarto, umaasa na maiituro nito ang kinalalagyan ni Jessa. Habang tumatakbo ay tinitignan ko ang mga mukha ng makakasalubong ko. Baka may kilala ako dito.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon