Chapter 8: INTO THE WOODSFLEX
"Class dismissed!" Sabi ng teacher namin sa Social Studies na si Ms. Melania de Guzman.
Bata pa itong si Ms. Melania, mga nasa Early 30's pa lang yata siya. Malamodel din ang height at mukha nya, nasa 5'10 ang taas nya. Dahil naman sa ganda nya ay ganadong makinig ang mga lalake kong kaklase.
"Flex, sandali!" Pagtawag nya sa akin. Papalabas na sana kami ng classroom.
"Pwede bang magpaiwan muna kayong apat?" Tanong nya samin kaya nagtinginan kaming apat.
"Bakit po Ms.?" Tanong ni Taissa. Nakaalis na ang lahat ng mga kaklase namin kaya kami na lang ang mga naiwan.
"Gusto ko lang malaman kung ok lang kayo?" Tanong nya na may pag-aalala.
Alam namin kung bakit nya kami tinatanong. At alam din ito ng buong Hacienda.
"Marahil nahihirapan na kayo dahil sa pagkawala Ng kaibigan nyo, si Maricel." Aniya. Alam nyang barkada kami ni Maricel at nag-aalala din sya dahil estudyante nya rin ito.
"Namimiss na nga namin sya." Mahinang sabi ni Nema sabay yuko.
"Kung may maiitutulong ako, sabihin nyo lang ha?" Sabi nya with her sympathetic smile.
"Salamat Ms." Wari ni Jessa. Doon na kami niyakap isa-isa ni Ms. Melania.
Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong kayang sabihin sayo na nag-aalala sila sayo. Ang gaan na may kasama ka sa lahat ng pinagdadaanan mo. Kagaya ni Ms. Melania na grabe ang suporta at pagmamahal sa kanyang mga estudyante.
"Thank you Ms." Bulong ko sa kanya habang niyayakap ako. Tinapi-tapi nya naman ang balikat ko.
Nagpaalam na kami sa kanya na aalis na kami ngunit may inihabilin pa muna ito.
"Huwag kayong gagawa ng mga bagay na ikakapahamak nyo."
Hindi nya alam na sinisimulan na naming gawin ito.
~~~~
Pagkarating ko ng bahay ay bumungad kaagad sa akin si Mama.
"O invitation galing kay Armie Loreto." Sabi ni Mama pagkaupo ng sofa sabay abot ng invitation.
Alam ko na ito. Ito na yung pinlano namin.
"Binuksan ko na kasi sakin naman nakapangalan." Sabi nya.
"Ito yung para sa pagiging MVP nya Ma." Sabi ko sa kanya. Ang hirap sa feeling magsinungaling.
"Close pala kayo? Kailan pa?" Pagtataka nya. Oo nga naman, pano kami magiging close eh anak mayaman yon.
"Classmates kami at tsaka suki ko yon sa Ice Candy na strawberry flavor Ma." Proud ko namang sabi kay Mama. Totoo ang part na to so it just came naturally.
Pinayagan kaagad ako ni Mama. Basta mag-ingat lang daw ako at alam ko naman daw ang mga bagay na bawal gawin. Buo ang tiwala ni Mama sa akin.
Ngunit sisirain ko lang ito.
~~~~
TAISSA
Hindi ko alam kung pano ko sasabihin na hindi ako makakasama sa kanila. Wrong timing naman! Namatay kasi ang kapatid ng lola ko na nasa Mindanao. Pupunta si nanay at tatay don at ako ang naatasan na magbabysit sa dalawa kong nakababatang kapatid. Hindi ko rin naman sila pwedeng dalhin. Hayz!!!
Tumawag ako kay Nema.
Ring... Ring...
"O bakit?" Mataray na sagot ni Nema. Marahil may ginagawa ito. Baka nakaistorbo ako.
"Busy ka?" Tanong ko muna.
"Ok lang bakit?" Tanong nya ulit sakin. Di na ito mataray.
"Baka hindi ako makasama." Pinaliwanag ko sa kanya ang lahat.
~~~~
FLEX
Friday ng gabi at nandito na kami kina Armie. Kahit wala si Taissa ay we still stick to the plan.
"Ito ang mga dadalhin natin." Turo ni Armie sa mga gamit namin. May kasamang weapons din ang mga ito. Meron itong Shotguns, Stunguns at mga punyal. We will definitely hunt something.
And we are ready!
Bukas ng umaga pa kami aalis kaya nagswimming muna kami at ini-record ito para mai-post sa Facebook. Patunay na nandito talaga kami kina Armie.
Dahil hindi makakasama sa amin si Taissa at may desktop computer naman sila ay sya ang magmomonitor sa Cameras at tracking devices na ibinigay sa amin ni Armie. Ang hightech talaga nya. Hindi na ko magtataka kasi inventor naman ang Dad nya.
He explains kung pano gagana ang mga ito samin. Ang tracking device ay iki-clip lang namin sa kahit saang parte ng damit namin. Ang kulay white na Camera naman ay ilalagay namin sa bandang dibdib namin - to record everything na na nasa harapan. Si Taissa na ang bahalang mag-inform samin kung ano ang nakita nya.
Saturday, 4Am ay umalis na kami papuntang Mount Usok. Dapat early pa para hindi mainit ang byahe at pag-akyat namin sa bundok. Sumakay kami sa kotse ni Armie. Sya na ang nagdrive dahil marunong naman sya. Ang talented nga nya eh.
6:26 AM ay nakarating na kami sa paanan ng bundok. Iniwan namin doon ang kotse dahil hindi naman ito makakapasok sa loob.
We walk by pairs. Si Jessa kasabay si Ezra, si Nema kasabay si David at ako at si Armie. Kami lang dalawa ang hindi magboyfriend.
Madulas ang daan paakyat ng bundok. Bakas sa paligid na umulan kagabi dito. May time nga na muntikan akong madulas, buti na lang at nandito si Armie para saluhin at alalayan ako. Kita naman sa mga mata nina Jessa at Nema na kinikilig sila para sakin. Inaasar nila ako sa pamamagitan ng kanilang ngiti. Mga Chaka talaga.
Puro mga puno na ang nakikita ko sa paligid. Nagfa-fog na ngayon sa nilalakaran namin hudyat na malapit na kami sa tuktok ng bundok. Dama ko rin ang lamig dito.
"Ok ka lang?" Tanong ni Armie. Napansin nya yata na may nararamdaman akong sakit. Puno na kasi ng paltos ang mga paa ko. Hindi yata panghiking ang sapatos na nasuot ko. Aww.
"Ok lang, thank you." Sagot ko sa kanya. Pero hindi talaga ok eh. Ang sakit nga eh pero kailangang tiisin baka sabihin niya na ang arte ko.
Habang patuloy kaming naglalakad ay iniinda ko pa rin ang sakit ng paltos ko. Ang bagal ko na ring maglakad at paika-ika pa. Biglang huminto si Armie, pinuwesto ang bag nya sa harap nya at mabilis na binuhat ako.
"Ibaba mo ko!" Pagpupumiglas ko pero hindi ko sya nakayang pilitin na ibaba ako. Ang lakas nya kasi.
"Ok lang." Pinalabas nya ang maganda nyang ngiti kaya pumayag na lang ako.
Ang sarap sa pakiramdam na nakaangkas ka sa taong gusto mo. Ang taong kaya kang buhatin at alagaan. Hindi nya alam na sobrang laki ng bagay na ito para sa akin. Ang buhatin ng taong matagal ko nang iniidolo. Ess.
"A N G G A N D A !" Sigaw ni Jessa. Nagulat naman kaming lahat sa malaki nyang boses. Ang bunganga talaga ng babaeng ito.
Ang ganda nga!!! Napahinto kami sa paglalakad ng masilayan namin ang napagandang tanawin.
Ang Usok Falls.
~~~~
This chapter contains violence. Strong parental guidance is advised.
•Follow me
•Recommend
•Comment
•Vote a ⭐️Thank you 😘
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Gizem / GerilimThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro