69. BRAVE

1.1K 108 39
                                    


FLEX

I still remember this place. Gaya pa rin ito ng dati, ang pinagkaiba lang ay nababalot na ito ngayon ng lungkot at tensyon. It was not like before Monyo was still here. He was the king of this place back then.

Madilim pa ng dumating ako sa Mansion. Mag-aalas cinco pa lang ata ng umaga, tinangay ko ang Ducati na motor ni Henry kaya mabilis akong nakarating dito. Walang masyadong ingay at walang tao na sumalubong sa akin.

Itinabi ko ang motor at bumaba dito. Tanaw ko sa harapan ko ang Mansion. Bago pumasok ay tumungo muna ako sa garden ni Monyo, kung saan nakalibing si Armie.

I smiled while staring at the beautiful daisies. The strawberries beside them caught my eyes. This is the favorite fruit of Armie. Naaalala ko na naman tuloy ang strawberry flavor na ice candy na binibenta ko dati. Matagal-tagal na rin pala akong hindi nakakagawa nito. Ang dami ng pagbabago sa sarili ko. Sometimes the universe decides how you will evolve into a different person. It just happens.

"Hi, Armie! Si Flex ito, naalala mo pa naman siguro ako? I know that you're happy wherever you are right now. Pakigabayan mo sana ako sa kung ano ang mangyayari ngayon, Aasahan ko iyan." kinakausap ko ang mga strawberry. Alam ko naman na hindi sasagot si Armie, gusto ko lang siyang kausapin. Pampatanggal kaba rin.

Dumampi sa akin ang malamig na hangin. Kasunod nito ay may narinig akong mga pagkaluskos ng mga tuyong dahon sa lupa. Alam ko na may tao na nakatayo sa likuran ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya na humahalo sa simoy ng hangin. Ito ang amoy na hindi ko gustong asahan. It is the smell of danger.

Hinintay ko siyang magsalita. Gusto ko siya ang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa pagitan naming dalawa. Hindi naman ako nabigo at binasag niya ito ng isang tawa na nakakapangilabot.

"Natatawa ka dahil kinakausap ko ang mga halaman?" tanong ko habang nakatalikod sa kaniya.

"Tumatawa ako dahil pumunta ka dito ng nag-iisa. You're such an obedient girl." pamilyar ang tono ng pagsasalita niya, parang narinig ko na dati.

"Ano bang kaila—." humarap ako sa kaniya ngunit hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ang mukha niya.

"Surprised?" ngisi sa akin ni Miss Melania. Ang favorite teacher ko sa Social Studies na subject. Siya rin ang matangkad na babaeng nakapula.

"Miss Melania?" nanlaki ang mga mata ko.

"Yes, Lady Em — the Leader of Red Roses." proud niyang pagpapakilala.

"Ikaw? Paano?" pagtataka ko.

Nakakagulat talaga ito. Mahinhin at mabait na babae ang pagkakakilala ko kay Miss Melania de Guzman. Second parent na nga ang turing naming magkakaklase dahil sa sobrang maunawain niya. Hindi na ako gaano nasaktan. Sa dami ba naman ng mga nalaman ko nitong nakalipas na mga araw ay hindi na ito bago sa sakin. Inihanda ko na ang aking sarili sa mga ganitong bagay.

"Nasa Hacienda Señeres na ako long before other slayers. Ako ang kauna-unahang slayer na pinadala dito, and hoping na ako na rin ang huling aalis dito." ngumingiti siya. Ipinagmamalaki niya talaga ito.

Si Mama ang ipinunta ko dito kaya inilipat ko na ang usapan tungkol sa kaniya. "Nasaan si Mama?" tanong ko.

"Yes, of course yun ang ipinunta mo dito. Sumunod ka sa akin kung gusto mo siyang makita." sabi niya.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon