52. ESCAPEES

1K 107 51
                                    


TAISSA

"Taissa, gumising ka na please." niyuyugyog ako ni Shaina at pilit na pinapagising.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kapag binigla ko kasi ito ay pakiramdam ko ay sasabog ang aking ulo. Ngumiti ako nang makamulat na ako. Sa pamamagitan nito, gusto kong palakasin ang loob ni Shaina kahit na ganito ang sitwasyon namin.

"Salamat sa Diyos at gising ka na." bigkas niya at tsaka ako niyakap ng mahigpit.

"Ano ka ba Sha, ako pa ba?" nanghihinang sabi ko. Nakuha ko pang magbiro sa kondisyon ko. Mabuti at ngumiti naman siya.

"Loko ka." aniya.

Iniwang nakabukas ni Mang Thomas ang ilaw kaya malinaw ang hitsura ng kwarto. Nagkalat ang mga dugo at parte ng katawan nina Joan at Emery. Napatalikod ako at napakunot ng noo dahil sa aking nakikita. Hindi sumagi sa isip ko na ganito ang magigig klase ng pagkamatay ng aking mga kaibigan. Parang nauulit lang ang lahat. Pangalawang grupo ng barkada ko na ang nawawala. Grupo namin nina Flex at ngayon ang grupo naman namin ni Shaina. Nakakaiyak.

"Nakakasuka no?" tanong ni Shaina na pilit iniiwas ang tingin dito.

"Nakakainis." seryosong sabi ko.

Makakalabas kami dito. Gagawin ko ang lahat para maging ligtas kami na Shaina. Hindi ko hahayaan na wala na naman akong magawa ngayon. Kinapa ko ang aking bulsa at kinuha ang kanina pang nakasuksok dito. Itinaas ko ito at ipinakita kay Shaina.

"Saan mo nakuha iyan?" nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa mga magkakasamang- susing hawak ko.

Kanina habang nagmamakaawa ako na huwag ipakain si Joan ay naaninag ko ang mga susi na nakasabit sa palasinturunan ni Mang Thomas. Agad akong nakaisip ng ideya. Lumapit ako kay Mang Thomas, hinawakan siya at nagmakaawa. Hindi na pala niya napansin na nakuha ko na ang ito sa kaniya.

"Kay Mang Thomas." tugon ko.

"S-So ano na ang plano natin?" natataranta niyang sabi. May biglag sumaging pag-asa sa mukha ng kaibigan ko.

"Hindi natin magagamit itong susi sa pintuan kasi nasa kisame ito," paliwanag ko. Itinuro ang kisame. "ngunit magagamit natin ang isa nito sa kaniya." ipinakita ko ang tatlong maliliit na susi na halos magkatulad lang ang laki at kasabay na itinuro si Maricel.

Hindi pa rin siya tumitigil sa pagngatngat. Gutom na gutom nga ito. Ganito pala ka grabe ang epekto kapag nakagat ka ng isang halimaw. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi naging parehas ang anyo niya sa halimaw na kumagat sa kaniya. Kung wala ang pula niyang mga mata at maiitim na mga ugat ay siya pa rin ang Maricel na kilala ko. Naalala ko bigla ang nangyari sa boyfriend niyang si Erik at kay Jessa. Ibig sabihin kapag nakagat ka ay magiging ganito ka kagaya sa kanila at hindi kagaya sa halimaw na kumagat.

"Anong binabalak mo?" tanong ni Shaina. "Huwag mong sabihin na papa—." nanlaki ang mga mata niya.

Pinutol ko ang sasabihin niya at tinuldukan ang iniisip niya. "Oo Sha, tama ka, papakawalan natin si Maricel." ani ko na nakatitig pa rin sa ginagawa ng mabangis kong kaibigan.

"S-Sigurado ka na ba diyan?" nininerbyos na tanong ni Shaina.

"Wala na tayong magagawa pa," hinawakan ko ang mga braso niya upang pigilan ang nag-uumpisa niyang panginginig. "Kapag hindi tayo kumilos ay siguradong mamatay tayo dito ngunit kung gagawin natin ito, kahit mapanganib ay may tsansa pa tayong makatakas." ngumiti ako kahit na sa loob-loob ko ay parang sasabog na ang kaba ko.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon