50. MARICEL

979 97 32
                                    

TAISSA

"Maricel?" pag-uulit ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Kaya pala hindi mahanap-hanap ang katawan niya, ito ang dahilan. Matagal na siyang naririto at tinatago ng kaniyang mga magulang.

"Hindi mo na siya makakausap ng maayos." sabi ni Mang Thomas kaya tumigil ako.

Tumutulo pa rin ang luha ko. Humarap akong muli kay Mang Thomas at tumitig sa mga mata niya. Magkahalong galit at lungkot ang nadarama ko. Galit para kay Mang Thomas at lungkot para kay Maricel.

"Paanong nangyari ito?" tanong ko. "Bakit mo ginagawa ito?" tangis ko.

May lungkot at pagkainis sa mukha niya. Tila nakokonsensya din siya kahit papaano sa kaniyang mga ginagawa.

"Hayaan mong ikuwento ko sayo Hija." aniya pagkatapos ay nagsimula na siyang magsalaysay sa lahat ng nangyari.

Nagsimula ang salaysay ni Mang Thomas sa araw na nagpaalam si Maricel na magka-camping sila ng kaniyang mga barkada. Pinayagan naman nina Mang Thomas at Aling Vicky si Maricel na sumama ang kanilang anak dahil lubos itong nagmamakaawa. Unang beses ito ni Maricel na sumama sa ganitong lakad. Wala namang pasok kaya walang sagabal. Ipinangako ng anak na mag-iingat siya at hindi gagawa ng kabulastugan kasama ang kasintahang si Eric. Masaya si Maricel na pinayagan siya ng mga magulang niya. Kung nagkataon nga ay kasama niya rin sana ako.

Noong gabing napahamak ang grupo nina Maricel ay kinukutuban na si Mang Thomas na may mangyayaring hindi mabuti sa anak niya. Hindi siya makatulog nong gabing yon. Nakumpirma lang ito noong sumunod na araw. Yaong araw na napabalita na may nangyari ngang masama sa kaisa-isa niyang anak. Na may kung anong nilalang ang umatake sa anak niya. Araw yun ng labis na pag-aalala para sa mga magulang.

Agaran na nagpadala ng searching team sa Usok Falls — yaong lugar kung saan nawala sina Maricel. Maswerteng nahanap kaagad ang malala at walang-malay na si Eric ngunit walang Maricel na nakita. Dinala si Eric sa Ospital at patuloy na inoobserbahan ng mga doctor dahil sa mga kalmot at kagat na natamo nito.

Araw-araw na bumibisita ang mag-asawa sa ospital. Sa pag-asang magigising si Eric at masasabi kung nasaan ang kanilang anak. Matagal silang nag-antay na bumuti ang kondisyon ni Eric. Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga police sa iba pang nawawala at patuloy din ang pag-aabang ng mga kaibigan at kapamilya. Umaasa na isang araw ay makikita na ang mga nawawala nilang mga minamahal.

Natural sa isang magulang na mag-aalala kaya hindi na nakatiis si Mang Thomas. Hinanda niya ang kaniyang gamit sa pangangaso at tumungo sa Usok Falls. Sanay na siya sa mababangis na hayop na maaaring makasagupa sa loob ng gubat, bunga ito ng mahabang panahon ng pangangaso. May kaya naman ang pamilya nila ngunit naging hobby na niya talaga ang pangangaso.

Ilang araw din si Mang Thomas na nagpasuray-suray sa gubat. Isang gabi, habang nasa gubat ay tumawag ang kaniyang asawa na si Aling Vicky. Wika niya na patay na si Eric. Sabi niya ay naging mabangis daw si Eric kaya siya napatay. Matindi ang pagkalabog ng dibdib ng Ama ni Maricel. Iniisip niya na paano kung ganoon din ang mangyayari sa anak.

Kahit sumuko na ang lahat sa paghahanap ay walang makakapagpatigil sa pananabik ng isang Ama na makita ang kaniyang anak. Umulan man o umaraw ay patuloy sa pagsuyod sa gubat si Mang Thomas.

Isang araw, nabuhayan ng pag-asa si Mang Thomas ng masilayan ang kaniyang nawawalang anak. Nakita niya itong nginangatngat ang isang kambing. Hindi na ito ang anak na inaasahang makikita niya. Nag-iba na ang gawi at asal nito. Naging mabangis na ito. Ang mga tingin nito ay nanlilisik at namumula. Tinangka ng ama na lapitan ang anak ngunit parang lalapain pa siya nito. Umisip siya ng paraan para mahuli ang anak ng hindi nasasaktan o napapatay. Mahal pa rin niya ang kaniyang Unica Hija.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon