TAISSANagtaka si Mang Thomas kung bakit ayaw bumukas ng ilaw. Sa pagkakataong ito ay siguradong alam na niya kung ano ang susunod na mangyayari. Alam na niya na may plano kami ni Shaina. Nilakasan ko ang paghatak sa kadena at hinila si Maricel papunta sa kaniya. Napahinto lang ako nang may itinutok siyang mahabang bagay sa direksiyon ko. Hindi ko napansin kanina na may dala pala siyang shotgun. Kailangan kong mag-isip ng panibagong plano.
Patuloy pa rin ang malakas na pag-angil ni Maricel. Rinig ito ni Mang Thomas kaya inilipat niya ang tutok ng shotgun sa anak niya. Dahan-dahan kong ibinaba sa sahig ang kadenang hawak ko. Binitiwan ko ito at maingat na lumakad paikot kay Mang Thomas. Kailangan kong makapunta sa puwesto ni Shaina bago magwala si Maricel at isa-isa kaming lapain. May naapakan akong isang bagay. Baka buto itong nakakalat sa sahig. Dinig ko ang mag-crack nito dahil tahimik ang paligid. Agad na napatingin sa direksiyon ko si Mang Thomas. Lumapit siya habang nakatutok sa akin ang kaniyang shotgun. Hindi ako huminga ng matagal. Ramdam ko na malapit na ang dulo ng shotgun sa mukha ko. Isang kalabit lang niya nito at siguradong sabog ang ulo ko. Bigla akong may narinig na yabag. Nakita ko na lang na papaakyat na si Shaina sa hagdan ng basement. Ipunutok ni Mang Thomas ang shotgun sa direksiyon ni Shaina. Mabuti na lang at agad ko itong nahawi kaya hindi natamaan ang kaibigan ko. Naka-silenser ang shotgun kaya siguradong hindi ito maririnig sa kapitbahay, kami lang. Malakas si Mang Thomas kaya agad niya akong nahampas ng shotgun sa ulo. Napaupo ako sa sahig. Naramdaman ko na lang ang pagdaloy ng dugo sa kanang tenga ko dulot ng impact ng pagkakapalo. Tiniis ko ang sakit ng tenga at agad na tumayo.
Nakita ko si Mang Thomas na naroon na din sa hagdan — hinahabol si Shaina. Sumunod na narinig ko ang pagkalansing ng kadena at sa mabilis na sandali ay naroroon na rin si Maricel sa likod ng kaniyang ama. Nakabaon na ang bunganga niya sa likod ni Mang Thomas at inumpisahang pagkakagatin ito.
"Ahhhh!!!" hiyaw ni Mang Thomas dahil sa sakit.
Mabilis na ibinalikwas ni Mang Thomas ang sariling anak at hinampas ito ng shotgun. Ni hindi man lang natinag si Maricel sa ginawang paghampas sa kaniya at kumuha ng buwelo at inaatake ulit ang kaniyang ama. Sinamantala ko ang pagkakataon upang makaalis na sa sitwasyong ito. Tahimik akong umakyak ng hagdan. Maingat kung ginawa ito para hindi bumaling ang atensiyon ni Maricel sa akin. Natalsalikan pa nga ako ng dugo sa mukha habang gumagapang paakyat. Kahit ang paghinga ko ay kailangang pigilin.
Napalingon ako sa kanila nang makarating ako sa tuktok ng hagdan. Hirap na hirap si Mang Thomas sa pagpigil kay Maricel. Kung hindi niya siguro mahal ang anak ay kanina pa niya ito nabaril, hindi na siya sana pinagkakagat nito.
Sa may gilid ng hagdan ay may tali na nakalabas. Ito ang tali na hinahatak para mahila pataas ang hagdan ng basement at maisara ang pintuan nito. Hinawakan ko ito ng mahigpit. Kahit sugat-sugat ang mga kamay ko ay pwersahan kong hinatak ito. Habang ginagawa ko ito ay biglang natuon sa akin ang tingin ni Mang Thomas.
"H—Huwag!" sigaw niya.
Pinatay ko ang aking konsensya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Nahulog na mula sa hagdan sina Maricel at Mang Thomas sa pagkakataong ito. Ilang hatak na lang ay maisasara ko na ang kwarto kung saan kami pinahirapan. Makakatakas na kami.
Isang hila na lang sana. Dahil sa isang hila ay hindi ko kaagad nakita si Mang Thomas nong itutok niya ang shotgun sa akin at ipinutok ito. Nadama ko na lang ang hapdi sa kanang braso ko. Agad kong nabitiwan ang tali at bumagsak ako sa sahig. Mabilis din na bumaba ang hagdan. Sa dulo ng hagdan, sa ilalim ay nakatayo na si Mang Thomas. Kita sa postura niya na malala ang kalagayan niya.
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mistério / SuspenseThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro