Chapter 28: EAT!FLEX
Nakabuo na ako ng plano. Aakitin ko si halimaw at pagkatapos ay unti-unti ko siyang pababaliwin. Kapag baliw na siya sa akin ay pasusunurin ko siya sa lahat ng aking iuutos. After that, sasabihin ko sa kaniya na patayin niya ang sarili niya. Suicide ba. Ganyan dapat siya kaadik sa akin. Patay na siya kaya makakaalis na ako dito. Malaya na ako! Perfect plan!
Siyempre JOKE lang!
Imposible yan. Hindi naman siguro ganyan katanga ang halimaw. Basta-basta lang na mahuhulog sa nakakatawang plano ko? Ess. Ang aga para isipin ang ganyang katatawanan. Gigising na muna ako.
****
Napakasarap ng tulog ko sa napakomportableng kama na ito. Parang 5-Star Hotel ang kwarto na ito sa ganda. Haay!!!
Teka lang! Bakit ang kati ng kamay ko? Bakit parang may nangangagat? Aray!Nakana!!!
Bakit ang daming langgam? Agad kong nakita ang tira-tirang manok sa gilid ng kama. Kaya pala ang daming langgam. Nilanggam yung manok. Nakatulog pala ako kagabi na hindi naliligpit ang pinagkainan ko. Bunga siguro ito ng sobrang pagod ko. Bumangon ako at iniligpit ang kalat. Binitbit ko ito at dinala sa labas.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakaamoy kaagad ako ng isang masarap na amoy. May nagluluto ata sa malapit. May narinig din akong naghahanda. May naghihiwa ng mga sahog. Sinundan ko ang ingay at amoy at dinala nito ako sa kusina.
"MAGANDANG UMAGA." Bati ng halimaw sa akin.
Siya pala ang nagluluto. Ang awkward ng paghihiwa niya ng sahog. Ang liit tignan ng kutsilyo sa malaki niyang kamay. Itinago ko ang aking kaba at lumapit sa kanya.
"Ano ang niluluto mo? Mukhang masarap kasi." Tanong ko habang kaharap na siya. Nasa kabilang parte ako ng lamesa.
Mga kahoy na panggatong ang gamit niya sa pagluluto. Hahanga pa ako sana sa kanya kung Solane ang gamit niya. Siya na talaga kapag ganon.
"ADOBONG TAO." Sagot niya.
Creepy! Yuck!
Akala ko pa naman masarap ang niluluto niya. Napakunot ako ng nuo dahil sa sinabi niya. Tinakpan ko na din ang ilong ko. Ayokong maamoy ang niluluto niya. Baka masuka lang ako. Parang maduduwal ata ako dahil tumatagos parin ang amoy ng niluluto niya. Napatingin ako kay halimaw nang makita ko siyang pinipigilan ang tawa niya. Baliw na ata to.
"Bakit ka tumatawa?" Mataray na tanong ko. Tinatakpan ko parin ilong ko.
Itinigil niya ang pagtawa niya at ipinagpatuloy ang pagluluto. Hindi ko makakayang tignan siya habang nagluluto siya ng tao kaya umalis na lang ako. Maghahanap na lang ako sa gubat ng makakain.
"SAGLIT!" Sigaw niya nang papaalis na ako.
Bumalik na sa pagiging masungit ang mukha niya nang lumingon ako. Hindi na siya ngumingiti kaya nagsimula na namang dumagundong ang puso ko.
"Bakit?" Pagtaas ko ng kilay.
"UMUPO KA DITO!" Turo niya sa upuan malapit sa lamesa.
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mystery / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro