TAISSANakakahiyang tumingin kay Henry matapos ang nangyari sa stage. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyon. Hanggang ngayon nga ay kinikilig pa din ako. Hindi yung performance namin ang tinutukoy ko, kundi yung... alam niyo na.
"Galit pa rin ako sayo..." kunwari lang na sabi ko.
Sa palagay niyo galit pa ako matapos akong makipagtukaan sa lalakeng nasa harap ko?
"I am really sorry Tais." buong pusong paghingi niya ng tawad.
"Alam mo naman na nagagalit ako kapag pinaghihintay." medyo totoo na ito.
"I know but..." ngumiti siya na parang nanunukso. "The person who is worthy of any kind of love is the one patiently waiting."
Panis! Dinaan sa english.
"Ngunit naghintay pa rin ako." pagtataray ko.
"Masarap lasapin ang mga bagay na hinihintay." ang ganda ng pagkasabi niya.
Sarap.
Lasap.
Henry.
Natunganga na lang ako sa kaniya. Kaya pala ang sarap niya dahil hinintay ko siya. Nakana! Ano na naman ang iniisip ko.
"Oo na! Hindi na ako galit! Dumating ka at yon ang mahalaga." ani ko. Sumuko na ako sa pag-iinarte ko.
"Thank you for forgiving me." niyakap niya ako pagkatapos niyang sabihin ito.
"Bakit ka nga ba na-late?" tanong ko habang nakayakap.
Tinapos niya ang yakap at saka nagpaliwanag.
"This is not my lucky night, I think. I don't know what happened. My Ducati's tire just blew up! Argg!" naiinis na paliwanag niya na sinasabayan ng hestura ng kaniyang kamay.
Mabuti at naintindihan ko kahit papano. Basta pumutok ang gulong ng motor niya.
"Uy easy lang sa pag-ienglish please?" pagmamakaawa ko sa kaniya. Ang hirap kayang makipagsabayan sa pananalita niya.
"Sorry, mabuti nga at nakarating pa ako." aniya.
"Pasalamat ka nga," ani ko. "Anong nangyari sa motor mo?"
"Iniwan ko na lang sa gilid ng daan." wika niya.
"Anong sasakyan mo mamaya pag-uwi." tanong ko.
"I already informed our family driver and he'll pick me up tomorrow morning." pag-ienglish na naman niya.
Yayamanin talaga itong sina Henry. May family driver, eh.
Mukhang okay na kami. Nakapagpaliwanag na siya at naiintindihan ko naman ito. Mabuti pa at i-enjoy na lang namin ang natitirang mga oras ng gabing ito.
Inaya ko siya na pumunta na sa gitna ng gym. Mukhang masaya kasi ang nangyayari ngayon sa stage dahil ang lakas ng tawanan ng lahat ng tao. Nakita ko kaagad sina Shaina at Emery na kita na ang mga ngala-ngala sa katatawa. Lumapit kaming dalawa ni Henry sa kanila.
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Gizem / GerilimThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro