Chapter 21: CLOSERFLEX
"Ang ganda mo." Sabi niya. Hinahawakan niya ang mukha ko na para bang ngayon lang niya ako nakita.
Alam kong guwapo siyang lalake ngunit hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Parang kasing may nakabalot na hiwaga sa kanyang mukha. Nakahiga kami ngayon sa isang damuhan. Hindi pamilyar ang lugar na ito. Ngayon lang ako nakapunta dito.
"Mahal mo ba ako?" Tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Paano ko na masasabi na mahal ko rin siya? Hindi ko na ring nakuha pang sumagot sa tanong niya dahil biglang umulan. Tumayo kaming dalawa at tumungo sa isang kubo malapit sa may damuhan. Nang makarating na kami sa kubo ay bigla niyang inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Doon niya na ako hinalikan.
At doon na rin ako nagising.
Panaginip lang pala.
***
Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking pagkakatulog. Naglalagos na ang liwanag na nanggagaling sa labas ng bintana. Napailing ako ng marealize na umaga na pala. Maliwanag na, it means malelate na ako. To make sure, I took my cellphone and looked at the time. It's six-thirty-one already. Seven ang klase ko so late na nga ako. I still have thirty minutes. Kumaripas kaagad ako ng kilos. Nakakahiyang paghintayin ko pa si Ewan sa labas ng bahay namin mamaya.
After the night of the dinner with him, we became closer as friends. Sa kanya na ako sumasabay tuwing papasok at uuwi. Dito na rin siya sa bahay kumakain tuwing hapunan. It became our routine everyday.
Dali dali akong pumunta ng banyo para maligo. Nagbuhos ng nagbuhos na lang ako ng tubig sa ulo at katawan ko. Di ko na nagawang kuskusin ang mga ito. Tatlong minuto lang ang itinagal ng paliligo ko. Matapos non ay bumaba na ako kaagad para mag-agahan.
Nakabukas ang TV pagbaba ko. Mataas ang volume nito kaya rinig ko kung ano ang palabas nito. Kasakuyang nagbabalita ang isang babaeng reporter sa Umagang Balita. Nakakuha ng atensyon ko ang binabalita niya.
"Kahapon ay isang babae na naman ang nawala. Huling namataan ang naturang babae na umiinom kasama ang mga kaibigan niya sa Plaza ng Hacienda Carlota. Ayon sa mga kaibigan niya, umuwing mag-isa ang babae matapos ipagpilitan niyang hindi siya lasing. Panglabing-isang kaso na ito ng mga nawawalang babae sa taong ito dito sa Hacienda Carlota." Balita ng reporter.
Agad na lumabas ang picture ng babaeng nawawala. Maganda ito at sa pagkawari ko ay kasing-edad ko lamang ito. Bakit matapos ang mga insidente nang mga nawawala dito sa lugar namin ay sumunod naman ang Hacienda Carlota? Hindi kaya...
"Tutunganga ka pa ba diyan?" Tanong ni Mama na nasa hapag-kainan.
"Malelate ka na. Tsaka mahiya ka naman kay Ewan." Pasermon niyang pagpapaalala.
Agad naman akong umupo sa tabi niya at dali-daling kumain. Tulog pa si Stephen kaya kami lang ni Mama ang nag-agahan. Buti pa siya at half day lang ang pasok, samantalang ako ay whole day.
"Umuwi ka kaagad pagkatapos ng klase mo mamayang hapon ha?" Aniya habang nakatingin sa TV.
"Okay Ma." Tugon ko.
Habang umiinom si Mama ng tubig ay itinuro niya ang pinapanuod sa TV kaya napatingin din ako dito.
"Tignan mo yan ho. Halos kaedad mo lang ang mga nawawalang babae." Sumilay ang pag-aalala sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mystery / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro