39. LIGHTS

1.3K 142 30
                                    


FLEX

I felt it when he came. I look at my phone and it says 12:33AM. Bumangon kaagad ako ng dahan-dahan para hindi magising si Stephen. Marahan rin akong lumapit sa bintana at binuksan ito. Napangiti na lang kaagad ako nang makita si Monyo na nasa harapan ko. Lumulutang sa ere.

"MAGANDANG GABI!" bati niya. Agad kong nilagay ang daliri ko sa labi ko para senyasan siya na tumahimik. Nilingon ko si Steph at mukhang mahimbing pa rin ang tulog nito.

"Wait lang, may kukunin lang ako sa baba." bulong ko sa kaniya.

Marahan akong bumaba at tumungo sa kusina. Baka hindi pa kumakain si Monyo kaya dadalhan ko siya ng makakain. Tinignan ko na ang lahat ng lagayan ngunit wala akong makita na puwedeng kainin. Hindi yata nakapag-grocery si Mama. Wala na ring kanin at ulam sa may kaldero.

Sa Refrigerator!

Sakto! Baka may hilaw na karne na puwedeng lutuin. Pagkabukas ko ng ref ay may mga karne nga dito kaso ang problema ay masyado itong na-freeze. Matatagalan akong lutuin ito. Chineck ko ang lagayan ng ice-candies, mabuti na lang at maraming nagawa si Mama kanina. Mango at Buko ang flavors nito. Kumuha ako ng plastic at inilagay ang sampung pirasong ice-candies. Kasya na siguro ito sa amin ni Monyo.

Dahan-dahan akong umakyat pabalik sa kwarto. Hindi umalis si Monyo at nasa labas ng bintana pa din. Umakyat ako sa bintana at iniabot sa kaniya ang mga kamay ko. Mahigpit ang hawak ko sa ice-candies baka mahulog ito. Next thing I know ay lumilipad na kami pataas.

Habang umuupo sa bubong.

"Kumakain ka nito?" ipinakita ko sa kaniya ang ice-candies. Tumango siya kaya iniabot ko ang isang ice-candy. "Oh ito! Masarap iyan!" ngiti ko.

Tinanggap niya ang ice-candy at tahimik na kinain ito. Mabuti na lang at wala masyadong hangin ang gabing ito. Hindi kami giginawin habang kumakain nito.

"Masarap ba?" tanong ko sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin. Patuloy lang siya sa pagkain. "Alam mo gawa iyan ni Mama, minsan kung may time nga ako ay ako rin ang gumagawa. Mas gusto kong gumawa ng strawberry flavor." natigilan siya sa pagkain at tumitig sa akin. "Paborito mo rin ba ang strawberries?"

"LAHAT NAMAN KINAKAIN KO, GUSTO MO PATI IKAW KAININ KO?" creepy and teasing ang pagkasabi niya.

Naloloka na yata ako. Ano itong ginagawa ko? Bakit natutuwa ako kay Monyo sa lahat ng sasabihin niya?

Hoy Flex! Gising!

Huwag mong kalimutan na si Monyo ang pumatay sa mga kaibigan mo!

"The way you ate my friends?" tugon ko sa kaniya.

Hindi sinagot ni Monyo ang tanong ko. Naguguluhan pa rin ako kung bakit kakaiba siyang kumilos sa halimaw na pumatay sa friends ko. Eh sabi niya na siya daw iyon. Tumalikod si Monyo sa akin. Tumingala siya sa mga bituin sa bandang kanan namin. Lumilipad na naman sa ibang lugar ang utak niya.

"Bakit mo ginawa iyon Monyo?" mahinang sabi ko.

"ANG ALIN?"

"Bakit ka pumapatay?" buong lakas-loob kong sabi.

"MAY MGA BAGAY NA HINDI  KO PA MAIPAPALIWANAG." pinalabas niya ang makintab niyang pakpak at naghandang lumipad. Bago pa niya ako iwan ay may sinabi muna ako sa kaniya.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon