29. BATHING

1.4K 145 41
                                    


FLEX

"Umalis ka dito!" I shouted from inside my room. My eyes are swelling from crying.

Kanina pa kinakalabog ng halimaw ang pintuan. Gusto niya daw ako kausapin tungkol sa pinagawa niya kanina. Kung kaya ko lang talagang saktan siya! Dapat kanina ko pa siya sinuntok ng napakalakas.

"PATAWAD NA!" Sigaw niya sa labas.

I can't accept his apology. Pinagawa niya ang pinakanakakadiring bagay sa akin. Ang kumain ng tao. Kanina pa nga ako suka ng suka dahil doon. Gusto kong ilabas ang lahat ng kinain ko.

"Ang sama mo!" Umiiyak kong sigaw.

Natahimik siya sa labas. Tumigil na din ang pangangalabog niya ngunit alam ko na nasa labas pa rin siya. Dama ko ang presensya niya.

"HINDI TAO ANG KINAIN MO." Mahina niyang sabi.

I stop crying.

Tama ba ang narinig ko?

Tumayo ako sa pagkakalapag ko sa sahig, tumungo sa pintuan at binuksan ito. I see the worried face of him while he is staring at me. Ano ang kailangan niya sa akin? Bakit niya ako ginaganito?

"Ano ang sinabi mo?" Sabi ko habang nakakunot ang noo.

Tumitig siya sa akin na parang nag-aalangan pa siyang magsalita.

"BIRO KO LANG IYON." Sabi niya.

May talent rin pala ang halimaw na ito sa pagjojoke. He got into my nerves. Ang biro ay dapat nakakatawa, hindi nakakaiyak. Tinaas ko ang kanang kamay ko. Kinuha ko ang atensyon niya kaya napatingin siya dito.

"Pwede ko bang gawin ito?" Tanong ko.

Tumango kaagad siya kaya kumuha ako ng bwelo at sinampal siya ng malakas. Ni hindi man lang siya natinag sa sampal ko. Wala itong epekto sa kanya. Pagkatapos ng sampal ay naiwan sa mukha niya ang galit. Hinawakan niya ang pisngi kung saan tumama ang sampal ko. Itinaas niya ang kamay niya upang gantihan ako ng sampal. I close my eyes.

Ilang segundo ang lumipas.

I was expecting the slap. Tumama nga ang kamay niya sa mukha ko ngunit hindi dahil sa sampal. Pinunasan ng mabalahibo niyang kamay ang luhang namuo sa gilid ng mata ko.

"HUWAG KANANG UMIYAK." His voice is calm and relaxing. I can feel the sincerity of it.

Hindi ko talaga siya maintindihan.

"Bakit mo ginagawa ito?" Tanong ko.

Naguguluhan na ako sa mga ginagawa niya. May time na nakakatakot siya at may time din na napakalambing niya. I am starting to think na hindi nga siya ang halimaw na pumatay sa mga kaibigan ko. This monster is kind. A monster who wants to live like us humans. He jokes, he gets angry and he apologizes. Very like us.

"HINDI KITA SASAKTAN." Hindi niya nasagot ang tanong ko ngunit naliwanagan na ako na isa nga siyang mabuting nilalang.

"Promise?" I asked.

"PANGAKO."

Napangiti ako. Bumubuti na siya sa akin. Nararamdaman ko na malapit na ako makauwi. Hindi na ko matatagalan dito.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon