FLEX"S-Si a-ano—." pagbaling ko ng tingin kay Monyo ay wala na siya.
"Sino?" pagtataka ni Ewan. Basa pa ang mukha niya galing sa paghihilamos.
"A-Ah kasi may nakita akong mga bata dito," turo ko sa gubat. "sila ata yung nambato sa iyo ng putik." pilit na ngiti ko.
Lumapit siya sa puwesto ng gubat na itinuro ko. Nagpalakad-lakad siya na tila may hinahanap.
"Wala naman ah?" sabi niya.
"Baka tumakbo na." ani ko.
"Okay, uwi na tayo." anyaya niya. Hindi ko alam kung saan siya naiinis — sa nambato o sa pagpunta ko dito sa gubat.
Hindi na niya ako hinintay at diretsong lumakad papunta sa kotse. Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kaniya.
"Galit ka ba?" tanong ko ng nasa loob na kami ng kotse.
"Sa susunod huwag ka basta bastang papasok sa gubat," walang emosyon niyang sabi. "alam mo namang mapanganib." ganoon pa rin ang emosyon niya.
"Sorry na," ngiti ko. Nang hindi niya ako nginitian ay kinurot ko ng dalawang kamay ang pisngi niya. "ngiti na! Gumagwapo ka pa lalo kapag ngumingiti." kindat ko sa kaniya.
Napilitan na lang tuloy siyang ngumiti sa akin. Habang nasa biyahe pauwi ay hindi ko mawaglit na isipin si Monyo. Bakit niya binato si Ewan ng putik? Anong trip niya?
"Hindi ako galit sa iyo," napansin ni Ewan na may iniisip ako. "nakakainis lang na may sumira sa date natin." ngumiti siya.
"Nasira ba? Parang hindi naman?" ngiti ko rin.
"Perfect na sana." nanghihinayang niyang sabi.
"Sakto na iyon." ani ko.
Nako Ewan! Ang sabihin mo nabitin ang kiss natin?
Kahit hindi naman siya binato ng putik ay hindi pa rin ako magpapahalik. Napapikit lang ako kanina dahil nakakailang.
"Andito na tayo." hinto niya sa tapat ng bahay namin.
"Thank you pala sa masayang araw na ito." sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt.
"Thank you din."
"Sa uulitin Ewan ha?"
"Talaga? Gusto mo pa ng date ulit?" masigla niyang sabi.
"Oo naman! Ano bang masama doon? Friends naman tayo!" bulas ko.
Bumagsak ang emosyon niya.
"Friends." ngiwi niya.
"Lang muna." dugtong ko.
"So may—." pinutol ko siya.
"Pero huwag aasa ha? Tsaka minor pa ako," i pointed out. "pwede ka pang kasuhan ng child abuse."
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mystery / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro