LAST CHAPTER

339 19 9
                                    


Last Chapter: THE LETTER

MONYO

Mabigat ang aking ulo nang magising ako. Lumalagos ang kaunting liwanag na nanggagaling sa bintana. Anong nangyari sa akin?

May naaninag akong anino na nakatayo malapit sa bintana - si Henry. Nakatingin siya sa labas ng bintana na tila ba ninanamnam ang kung anong nakikita dito.

Bigla siyang ngumiti at nagsalita. May kakaiba sa ngiti niya. "Tititigan mo na lang ba ako? Hindi ka ba babangon? Di ka pa yata pagod sa pagtulog." sunod-sunod niyang sabi habang nakatingin pa rin sa labas.

Nagtaka ako sa sinabi niya. Hindi ko rin kasi maalala ang huling nangyari sa akin. Pinilit kong ibinangon ang aking sarili. Kasabay ng pagbangon ko ang biglang pagpitik ng sakit sa ulo ko.

"Anong nangyari?" tanong ko hambang unti-unting iniupo ang aking sarili sa kama. Masakit pa talaga ang ulo kaya napahawak ako dito.

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Ngumisi siya sabay salita. "Paano hindi sasakit ang ulo mo, dalawang linggo ka nang tulog diyan".

Nabigla ako sa sinabi ni Henry. Anong dalawang linggo? Anong nangyari sa akin?

"You forgot?" his voice shifted into a sad tone.

Wala akong nasagot sa tanong niya. Ang tanging gusto kong malaman sa pagkakataong ito ay kung nasaan si Flex.

"Si Flex?" may garalgal na boses na tanong ko. "Henry? Nasaan si Flex?" galit na ang tono ng pananalita ko dahil hindi pa rin ako sinasagot ng kapatid ko.

Umalis siya sa kinapupwestuhan niya at tumungo sa drawer na malapit sa pintuan. Hinunus niya ito at may kinuha dito. Lumapit siya sa akin at iniabot ang nakatuping papel.

"Ano ito?" pagtataka ko.

"It's the answer to your questions, it's from Flex." tugon niya.

Kinuha ko ang papel sa kamay niya at marahan itong binuksan. Mahaba ang nakasulat sa papel. Sigurado din akong handwriting ito ni Flex. Doon na ako nagsimulang kabahan at malungkot.

Ano to?

Hindi ako sigurado kung ipagpapatuloy ko pa ba ito. Ngunit,  sinimulan ko ring basahin ang nakasulat.

Monyo,

Ngumiti ka naman diyan! Cute ka kapag nakangiti!

Hindi ko napigilang mapangiti. The first two sentences ease my mood. Iniisip ko na okay lang siya. Wala to. Buhay si Flex.

I know na hindi na tayo magkasamang dalawa sa oras na mabasa mo ito.

Nasaan ka na ba?

Bumalik ang kaba at lungkot na nararamdaman ko.

You should never ever think that this is a sad goodbye. The two of us know that we will not intentionally leave each other. I can't.

So bakit wala ka dito ngayon sa tabi ko?

I-promise mo na mananatili akong buhay diyan sa puso mo, dapat hinding-hindi ako mawawala diyan.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon