FLEXMaluha-luha akong bumalik sa bahay. Agad akong umakyat ng kwarto ko. Dinig ko pa ang sigaw ni Mama sa akin noong dumaan ako.
"Huy Flex, di ka kakain?!" tanong niya.
"Hindi Ma, busog pa ako." sigaw ko.
"Busog? Eh, wala ka namang kinain?" pagtataka niya.
"Mamaya na Ma." mahinang sabi ko bago mapasinghot ng sipon.
Pagkahiga ko sa kama ay ibinaon ko sa mga unan ang ulo ko. Pilit kong pinipigilan ang luha ko. Binabasa ko lang ito ng luha na umaagos sa mata ko. Hindi ko matanggap na sinaktan ako ng ganito ni Ewan. Hindi ko matanggap na nagawa niya akong lokohin. Ang tanga-tanga ko na naging kaibigan ko siya. Ang tanga ko na hinangaan ko siya.
He is a Knight at iyon ang isa ko pang iniiyak. He's a slayer and he will do everything to catch Monyo or worst — kill him. Iniisip ko na papagitna ako sa dalawang nag-uumpukang bato. At wala akong magagawa kung hindi madurog na lang sa gitna nila. Madudurog ang puso ko ng dahil sa kanila.
Mula sa unang pagkikita namin ni Ewan — yong sumakay ako sa kotse niya. Those everyday ride and those moments in school and inside the clinic were just lies. Ouch! The caring manner of him was just a stunt. Napaka-loyal niya sa duties niya kaya pati ako dinamay niya. Pati ang puso at isip ko ay dinamay niya. Pati sina Mama at Stephen ay dinamay niya. Ang sakit-sakit Ewan. Ang sakit sa puso na malamang peke ka. The handsome Ewan is damn fake!
*****
Isang oras ang lumipas. Madilim na sa labas ng bahay. The streetlights are already on. Kakaunti na rin ang mga dumadaan at tahimik na ang paligid. Tinanggal ko ang mukha ko sa unan. Unang bumungad sa akin ang picture namin ni Papa na tila direktang nakatingin sa akin. Nakapatong ito sa maliit na lamesa sa bandang gilid ng kwarto ko. Tumayo ako at kinuha ang picture.
My hands savoured the texture of the frame. This picture was taken in Bohol. In one zoo there. This is the last photo of me and Papa. Si Papa kasi ay isang zoologist. Parte ng trabaho niya ang pumunta sa ibat-ibang zoos para suriin ang mga hayop doon. Malaki ang sahod ni Papa kaya marangya ang buhay namin noon. Ito rin ang dahilan na nakapagpatayo kami ng magandang bahay. Ito ang rason kaya kahit mapanganib ay sige pa rin si Papa. Ito rin ang rason kung bakit niya kami iniwan. Sa pagkakatanda ko kasi ay ten years old ako dito sa picture. Ten din ako noong namatay si Papa.Ang nasa picture, matindig nerbiyos ang makikita sa mukha ko dahil nakapulupot sa leeg ko ang isang kulay dilaw na sawa. Si Papa ang naglagay sa akin ng sawa na ito. Makikita sa likod ko na tumatawa sila ni Mama na buntis noon kay Stephen. We were very happy that time. Kaso three months after ng Bohol trip ay namatay na si Papa. Based on the report, he was attacked by a wolf in the forest of Hacienda Señeres. Nakalimutan ko kung anong pangalan ng gubat na iyon. Basta ang naaalala ko, tatlo silang pumunta ng gubat. Tatlo din sila ang inatake at namatay. Strange that Hacienda Señeres has wolves in its forests. Akala ko kasi sa America lang may wolves.
Siguro kung buhay si Papa ngayon ay hindi mangyayari sa akin ang lahat ng ito. I won't be in dangerous situations because he'll be strict to me. I know how fathers cared for their daughters. Nakikita ko yun sa mga tatay ng mga kaklase ko. I will be Papa's girl if he's alive. Siguradong lagot si Ewan kung buhay iyon. Makakatikim siya ng sapak dahil pinaiyak niya ako. Hindi gusto ni Papa na umiiyak ako, ang prinsesa niya.
Narinig kong bumukas ang pinto. Kasunod noon ang mahinang mga yabag. Naramdaman ko na lang ang malamig na kamay na humawak sa braso ko. Kakatapos niya lang ata maghugas ng pinagkainan. Mukhang tapos na din silang maghapunan ni Stephen. Agad niyang hinimas-himas ang aking likod. She pulled me into a hug. Nothing can match a mother's love.
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Tajemnica / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro