FLEXNatulala kaming lahat nang makita si Cormac na tumatawa ng malakas. Napapatawa pa talaga ang kaibigan ko kahit magpapatayan na sina Monyo, Henry at Ewan. Parang baliw siya. Kakaiba ang kilos niya ngayon kaysa sa karaniwang kinikilos niya. Hindi ko siya feel ngayon. There is something wrong with him.
Ibinaba na nina Ewan at Monyo ang kanilang mga hawak na armas. Pagkatapos noon ay inanyayahan kami ni Cormac na pumasok sa loob ng bahay. Ngayon ay nakakasigurado na ako na si Cormac ang nagtext sa akin. Siya si C. Isinantabi muna ng mga lalake ang namumuong tensiyon sa kanila. Nagkamali ako tungkol kay Ewan. Hindi nga siya si C.
Iba ang hitsura ng loob ng bahay kaysa sa labas nito. Sa labas ay kitang-kita na luma na ang bahay ngunit sa loob ay napakalinis at napakagarbo nito. May mamahaling antigong gamit at paintings na makikita sa iba't-ibang bahagi ng bahay. Nahagip rin ng mga mata ko ang collection ng wine sa estante.
"Bakit mo pala kami pinapunta dito?" hindi na nagpaligoyligoy si Ewan.
Napahinto kami sa malawak na living room. Sumenyas si Cormac na umupo kami. "Make yourself comfortable before I tell all the truth." Cormac said emphasizing the word truth.
Kinabahan ako lalo sa pagkasabi niya ng salitang truth. Hindi maganda ang kutob ko dito. Ano pa ba ang dapat naming malaman na katotohanan? At bakit ikaw pa Cormac ang kailangang magsabi nito?
Wala kaming nagawa kung hindi ang umupo sa malambot na sofa. Magkakatabi kaming apat, si Ewan sa kanan ko, si Monyo sa kaliwa ko at katabi niya si Henry. Malaki ang sofa kaya kasya naman kaming apat. Habang magkakatabi kami ay si Cormac naman ay pumuwesto sa isang upuan na kaharap namin, nasa gitna naman ang de-crystal na lamesa.
"Welcome sa aking rest house!" masigla ang pagkakasabi ni Cormac.
Seryoso kaming lahat. Si Cormac lang ang bukod tanging masaya. Tumayo siya at pumunta sa estante ng mga wine. "Magiging maganda ang usapan kapag may ganito." itinaas niya ang isang lagayan ng wine. Naka-seal pa ito. Lumapit siya sa crystal na lamesa at ipinatong ang kinuhang wine. Kasunod noon ay kumuha din siya ng limang wine glasses.
"Hindi kami pumunta dito para maglasing, Cormac. Hindi nakakatuwa ang ginawa mong pangtitrip." nagsalita si Monyo kaya naging seryoso ang mukha ni Cormac. "Gusto naming malaman kung ano ang pakay mo sa amin kaya sabihin mo na ngayon ito." pagtatapos ni Monyo sa pangungusap niya.
"Of all the people! Haha! Ikaw pa talaga ang malakas ang loob! Alam mong ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito kaya huwag mo akong utusan ng ganiyan!" galit na sabi ni Cormac. Nakakapang-insulto pa ang tawa niya. Nakakapanibago siya. Ano ang mga pinagsasabi niya?
Napatingin sa akin si Monyo. Ang tingin na nagtataka. Nagtataka rin siya sa ikinikilos ni Cormac. Cormac's mood suddenly shift. Parang hindi lang siya galit kani-kanina lang kung tumawa. Bigla na lang siyang umupo at binuksan ang wine. We hear how the wine's cap popped. Sinundan ito ng pagbulwak ng bula ng wine.
Nilagyan isa-isa ni Cormac ng wine ang lahat ng wine glasses na nakapatong sa lamesa. Pumili siya ng isang baso sa lima at ininom ito. Wala siyang pake kahit naghihintay kami sa mahalagang sasabihin niya.
"Inom kayo!" itinaas ni Cormac ang wine bottle at tinungga ito.
Hindi na siya ang Cormac na kilala ko. Parang naging ibang tao na siya.
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mystery / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro