Chapter 2: THE CAMPINGMARICEL
This is it!
Camping day na namin. Mount Usok ang venue ng camping namin. Ito ang highest elevation ng Hacienda Señeres. Sabi ng mga matatanda, pinangalanan daw itong Mount Usok dahil laging may fog o usok ang bundok na ito.
At around 10 am ay narating na rin namin ang camping site. Bali anim kaming lahat na sumama, ang mga barkada ni Eric na sina Gio at girlfriend niya na si Aireen at Lawrence kasama rin ang girlfriend niya na si Nina. Kilala ko na rin naman sila kahit tatlong buwan pa lang kaming magkasintahan ni Eric.
Pagkadating na pagkadating namin ay kumain kami kaagad ng pananghalian. Pagkatapos ay nag-set up na kami ng mga tents.
"Naiihi ako!" sigaw ni Aireen na nakakuha ng aming mga atensiyon. Ang daming problema ng babaeng 'to. Kanina pa siya reklamo ng reklamo. Sana di na lang siya sumama kung gan'yan din naman.
May pagkamaarte kasi itong si Aireen kung umasta, di naman kagandahan. Mabuti pa si Nina ay tahimik lang at mukhang mabait.
"Samahan na kita Ai?" alok ni Nina sabay tayo at pumunta kay Aireen.
"Wag kayong masyadong lalayo babe ha?" pagpapaalala ni Lawrence kay Nina.
"Okay babe." at umalis na sila.
Maalalahanin si Lawrence habang si Gio naman ay may katext na kung sino. Ni wala man lang care sa syota nya.
Hay, sana nandito ang Fierce 5. Magiging super fun sana ang camping na to kung nandito sila. Masyado kasing mga paranoid ang mga Chaka.
Nga pala, nakalimutan ko silang ichat na nandito na kami sa camping site. Binuksan ko ang data ko at nagchat sa GC namin. Mabuti at may signal dito.
Mga Chaka andito na kami.
Sabay send ng selfie picture ko.Si Taissa at Nema lang ang online. After ng isang minuto ay na-seen na nila ang chat ko.
Ingat ka jan chaka. - Nema.
Pasalubong ha? - Taissa
Pasalubungan ko kayo ng dahon, okay lang? Sabay lagay ng laughing emoji.
Pwede din, haha. - Taissa.
Magrereply pa sana ako ng biglang may narinig kaming sumigaw.
****
AIREEN
Mabuti pa tong si Nina at sinamahan akong umihi. Kaya lang naman ako sumigaw kanina para marinig ako ng bingi kong boyfriend. Masyadong busy kasi si Gio sa katext niya.
Pag nalaman ko na may babae siya ay puputulin ko talaga ang ano niya. Puputulin ko ang daliri niya para di na siya makapagtext pa. Ipagpatuloy pa niya, makakatikim talaga siya sa'kin.
"D'yan ka umihi Ai para matakpan ka." turo ni Nina sa mga matataas na talahiban.
"Baka may ahas d'yan." pagtanggi ko.
"Wala yan, sige na bilisan mo." aniya na parang natatakot. Palinga-linga siya sa paligid na parang may hinahanap.
"Okay, okay." tumungo na lang ako sa may talahiban.
Habang umiihi ako ay tila parang may nakamasid sa'kin. Parang may kung ano na gumagalaw ng mabilis. At ng ibinaling ko ang tingin ko sa pwesto kung saan kanina nakatayo si Nina ay natakot ako ng makita kong wala na siya dito.
Nakarinig ako ng mga kaluskos sa paligid kaya luminga-linga ako para malaman kung sino ang papalapit sa akin.
Napansin ko ring nagsimula nang magfog ang paligid. Nakadagdag pa ito sa nerbyos ko. Kumakabog ang dibdib ko.Hinanap ko ng tingin si Nina ngunit hindi ko talaga siya makita. Puro mga puno at dahon lang ang nakikita ko. Hindi ko na rin maaninag ang dulo dahil puno na ito ng fog.
Biglang may kumaluskos ng malakas. Ang kaluskos ay parang tumatakbo ng mabilis papalapit sa akin. At ng lumingon ako ay may babaeng nakatayo at nakatakip ang mukha niya ng kaniyang mahabang buhok.
Biglang tumakbo ang babae papalapit sakin kaya tumili ako ng napakalakas. Ng makalapit siya sa akin ay bigla niya akong sinakal.
****
MARICEL
Dali-dali naming pinuntahan ang sumigaw, kung sino man siya. Sa pagkarinig ko ay parang boses ito ni Aireen.
May fog na ang paligid kaya mahirap makita ang dulo ng gubat.
"Doon tayo." turo ni Lawrence sa may talahiban. Makikita sa mukha niya ang pag-aalala.
Ng marating namin ang parteng iyon ay may naaninag kami na gumagalaw. Laking gulat namin na makita naming nagsasabunutan si Aireen at Nina. Dehado si Nina dahil siya ang nasa ilalim.
Inawat kaagad nina Lawrence at Eric ang dalawa ngunit si Aireen ay ayaw pa atang tumigil.
"Ano ba ang problema mo Aireen?!" sigaw ni Lawrence sabay yakap kay Nina.
"Yang shota mo ang problema!!!" galit na sabi ni Aireen.
"Anong nangyari babe?" malambing na tanong ni Lawrence kay Nina habang hinahawakan ang dumudugong sugat sa mukha nito.
"Ginulat ko lang naman siya." paiyak na sabi ni Nina.
"Manggulat ka na lang ng iba! Wag lang ako." galit pa ring sabi ni Aireen, sabay talikod sa'min at mabilis na umalis.
Bumalik na kami ka agad sa tents dahil papadilim na, marahil mas napaaga ang pagdilim dito dahil sa fog.
Pagkabalik namin ay andon pa rin si Gio, nagtetext. Ni hindi niya yata namalayan na nawala kaming lahat.
"Anong nangyari guys?" nakakainis na tanong niya. Mabilis namang lumapit si Aireen sa kaniya at sinampal ito ng malakas. Matapos niya itong sampalin ay kinuha nito ang cellphone ni Gio at itinapon.
Pumasok kaagad si Aireen sa tent nila ng walang imik habang hawak naman ni Gio ang namumula niyang pisngi.
"Anong problema non?" tanong niya sakin ngunit hindi ko siya sinagot. Kung ganito kamanhid at walang pakialam ang boyfriend ko ay matagal ko na itong hiniwalayan.
****
Bago gumabi ay nanguha muna kami ng mga kahoy para gagamitin namin sa bonfire mamaya. Ginamot ko rin ang sugat ni Nina sa mukha bago pa ito ma-infection. Sigurado akong nakalmot ito ng mahabang kuko ni Aireen. That girl. Nanlulungo na lang talaga ako sa kanila ni Gio.
"Okay ka na?" tanong ko sa kaniya.
Tumango lang ito. Nilagyan ko na rin ng band-aid ang sugat nya.
"Hindi ko naman akalain na 'yon ang kalalabasan ng pangtitrip ko." sabi niya habang nakasuot ng malungkot na ngiti.
"Wag mo nang isipin yon, magiging okay din 'yon bukas." niyakap ko siya para mabawasan ang guilt nya. Maling tao naman kasi ang biniro niya.
Gusto ko ang ugali ni Nina. Oo kasalanan nga niya na biniro niya si Aireen pero nagsorry na naman ito. Hindi ko rin naman masisisi si Aireen sa naging reaksyon niya. May pagkaOA nga lang talaga siya.
Sana maging okay na ito bukas. I want this trip to be great.
Sana maging okay ang lahat.
****
This chapter contains violence. Strong parental guidance is advised.
•Follow me
•Recommend
•Comment
•Vote a ⭐️Thank you 😘
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mystery / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro