TAISSAMay disco ball na maraming kulay ang kumukutitap na nakakadagdag ng aliw sa mga estudyanteng sumasayaw. Hindi pa nagsisimula ang party pero madami na ang sumasayaw sa gitna. Sinasabayan nila ang malakas na dagundong ng musika. Makikita sa isang tumpok ng mga estudyante na masayang nagtatawanan ang tatlo kong kaibigan. Kung hindi lang masama ang modo ko ngayon ay siguradong sumasali na ako sa tawanan nila.
Kanina pa ako naghihintay kay Henry at naiinis na talaga ako. Ang bagal kasing magbihis ng lalakeng iyon at lagi na lang late sa mga lakad. Sanay na ako sa kaniya pero sana huwag naman ngayon. Malapit na magstart ang intermission number namin kaya dapat andito na siya. Mapepektusan ko talaga siya kapag dumating siyang late.
Nakikita kong pabalik na sa kinatatayuan ko sina Shaina, Joan at Emery galing sa kumpulan ng mga kaklase namin. Nagpaiwan lang ako dito sa puwesto ko dahil hinihintay ko nga si Henry.
"Ano wala pa rin ba siya?" tanong ni Shaina na nakasuot ng kulay pink na matabang monster na makikita sa pelikulang Monster Hunt. Ang cute niyang tignan dito.
"Wala pa rin nga eh." palakad-lakad ako habang sinasabi ito. Umaasang mahahagilap ko siya sa pagitan ng mga estudyante dito sa loob ng gym.
"Tinawagan mo na ba?" tanong ni Joan na parang naging biktima ng murder case dahil sa dami ng artipisyal na sugat sa mukha at katawan niya, zombie daw kasi siya kahit parang siya yung nilapa ng zombies. Puno rin ng mga punit ang damit niya.
"Hindi niya sinasagot." ani ko na naiinis na.
"Nako! Kapag ininjan ka non, hampasin mo ng hawak mo!" turo ni Joan sa baseball bat na hawak ko.
Nakafull Harley Quinn costume na ako ngayon at hawak hawak ang signature baseball bat ni Harley. Sa tabi ko naman ay nakikinig lang si Emery na si Wuba ang costume. Ang cute! Halatang fan talaga silang dalawa ni Shaina ng Monster Hunt na Movie.
"Matindi pa sa hampas ang matitikman niya kapag hindi niya ako sinipot." banta ko habang nakataas ang isang kilay.
"Grabe ka Tais! Kawawa naman si papa Henry kung masisira ang mukha niya." sabi ni Emery na hindi na nakatiis at sumali na rin sa usapan.
"Oo nga ano?" ani Joan.
"Balimbing ka talaga Jo!" insulto ni Shaina. Tama naman siya, kasi si Joan naman ang unang nagtopic tungkol sa hampas-hampas na iyan tapos parang ayaw na niya. Loko. Sarap pagbuntungan ng inis.
Biglang nagawi ang atensyon namin sa kabilang parte ng gym nang may marinig kaming nagsisigawan. Nagsimula na rin mabaling ang atensiyon ng mga estudyante sa gawing iyon.
"Ano yon?" pagtataka ni Joan.
"Tara puntahan natin!" anyaya ni Shaina.
Lumapit kami at nasilayan si Flex at mga barkada niya na tila may pinag-uusapang seryoso.
"... saw him already! I knew I saw him somewhere! Yeah! He is the Monster...." seryoso ang pagkakasigaw ng lalakeng kaibigan ni Flex
Makikita sa mukha ni Flex na parang ninerbiyos siya sa sinasabi ng kaibigan, siguro kakilala ni Flex ang katabi niya. Sinuri ko ang costume ng katabi niya at masasabi kong pamilyar ito. Parang nakita ko na ito kung saan. Ang mukha nito at katawan, sumabay pa ang kakaiba niyang tangkad. Alam kong nakita ko na talaga ito ngunit hindi ko masabi kung saan.
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mystery / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro