Chapter 3

455 17 0
                                    

"nong nangyari ang aksidenteng halos ikabaliw ko. Nong malagay sa peligro ang buhay mo anak. Hindi namin alam ang gagawin namin. Thanks God mas naging maaga ang pagdala sayo sa Ospital. You were treated. Naging okay ang kalagayan mo at kahit papano nabawasan ang pag-aalala namin para sayo. "

"Hindi ka pa non nagkakamalay but according to your doctors, you're doing fine, kaya nagulat kami ng bigla na lang may nangyari noon. siguro mga isang linggo ka na noon sa ospital. "

My mother paused for a while and Cried, pinisil ko nang bahagya ang kamay nya encouraging her to continue.


"I got a call from the Hospital where you were admitted, nasa office ako non kapatid mo lang ang nagbabantay sayo non. Your Dad was out too. "


"I was told to rush in the hospital because something happened to you, walang pwedeng sumukat sa takot ko ng mga oras na yon, takot sa posibleng dadatnan ko, Halos magkasabay lang kaming dumating ng Daddy mo sa ospital non."

My mother is now crying so hard in front of me, and that made me cry too.

"Kinausap kaagad kami ng doktor tungkol sa kalagayan mo.
That your situation got worse na lumiit na lang daw yong chance na makasurvive ka. They missed something daw sa mga tests."


"I was so furious dahil sabi nya okay ka na but it turned out to be the other way around, Marami daw nabuong dugo sa ulo mo at hanggang di yon naaalis you will never be safe. Kailangan mong mag undergo ng operation para don, and I will never trust those doctors na muntik ng magpahamak sayo so we decided na dalhin ka dito sa states para dito gawin yong operation."


"Naging successful yong operasyon anak, pero hindi ka padin nagigising.
Naghintay kami ng ilang buwan, pero wala padin."

"We talked to your doctor, pero ang sabi naman nya you're fine. That you were just sleeping, may mga rare case daw talaga na ganun ang nagiging epekto ng operasyon."


"But I didn't know you loved sleep that much baby at ngayon ka lang nagising pero hindi na importante yon, ang mahalaga gising ka na."


Sa paraan ng pagsasalita ni mommy ay lalo akong nakaramdam ng kaba ilang buwan ba akong unconscious bakit pakiramdam ko ay hindi ko nagugustuhan ang susunod na maririnig ko.


"How long did I sleep?" kinakabahang tanong ko.

Tumingin sakin ang aking ina na parang nag-aalangan kung sasabihin ba ito o hindi.


"It's been two years Jane, you have been sleeping for two years."


That made me shut up, parang nawalan ako ng boses dalawang taon? Hindi isang buwan , hindi dalawang buwan kundi dalawang taon? Paano nangyari yon.

What about my career? What about Drake? My friends.

I cried so hard because of that shocking revelation, Akala ko I'm on the same day nong mangyari yong accident but it turned out na two years na yong nawala sakin.

Kitang kita ko ang awa sa mga mata ng magulang ko, kahit ako naman naaawa ako sa sarili ko, hindi ko alam kung may babalikan pa ba ako Pilipinas o kung magiging masaya ba ako dahil okay na ako pero dahil sa isang taong pumasok sa isip ko nabuhayan ako ng pag-asa I don't care about anything basta nandyan sya.


Mabilis na lumipas ang mga araw at nararamdaman kong okay na talaga ako. Medyo nakakatulog na din ako ng maayos not worrying that I might not wake up again.


Nagkaron ng Schedule ang magulang ko sa pagbabantay sakin minsan si Daddy o kaya si mommy pero madalas I'm stuck with my sister just like today kanina pa sya nagpaalam na may bibilhin pero isang oras na ata ay wala padin, she left her bag kaya alam kong malapit lang ang pinuntahan nya.


Im so bored to death, for the past few days wala akong ginawa kundi magbasa ng magazines na hindi ko naman maintindihan at hindi ko naman kilala yong mga featured na tao don.



Ayaw ako pagamitin ng cellphone or anything na pwedeng ma-access ang mga happenings sa Pilipinas, At isa pa si Drake hindi pa din nya ako dinadalaw hanggang ngayon, gusto kong magtampo pero naiintindihan ko naman sya according to mom busy daw ito at ayaw payagan ng directors at manager na lumabas ng bansa dahil may big project daw itong ginagawa.


Though naiintindihan ko yong sitwasyon because I've been there but I still miss him, hindi ko parin sya nakakausap hanggang ngayon.


Napatingin ako sa Kalendaryong nakasabit sa pader, it's 28th day of march 2018, Feb 14 2016 nong nangyari ang aksidente. Two years had passed I'm now 23 years old.

I decided to turn the tv on, palipat lipat lang din ako ng channel dahil wala naman akong naiintindihan sa pinapanuod ko. I stopped to a certain channel dahil nagsawa na ako sa kakapindot nagfocus na lamang ako sa pagababasa ng kung ano-anu.



Napahinto ako sa pagbabasa ng may narinig akong pamilyar na pangalan sa TV. Hindi man ganun kalinaw ang pagbigkas ng news Caster sa pangalan nya dahil sa american accent nito, pero narinig ko ito ng malinaw.

Mabilis ang tibok ng puso ko habang onti-unti kong binaling ang tingin ko sa tv.


And there was my Drake sapat na ang malaking screen para makita ko ulit ang buong mukha nya. He's smiling so wide. Gosh how I missed him so much. Unti-unting naramdaman ko ang pamamasa ng gilid ng mga mata ko at nag-unahan ng tumulo ang mga luha ko. I missed my Drake but that's not the reason why I'm crying it is the caption and the girl He's with in the picture.


"DRAKE ALARCON, The worldwide tour with his Loveteam/girlfriend and rumored Fiancee THAMARA LOPEZ"

She fell asleep (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon