Mag-iisang linggo na kaming na kaming nag sshooting para sa pelikulang "before I let you go" ilang eksena na lang at matatapos na ang movie.
Magkakaron lang ng change of environment dahil mas mabuti daw kung sa probinsya talaga namin tatapusin yong movie. Kaya naman nasa byahe na ako ngayon kasama ang PA ko na si ate Shy at ang personal driver ko.
Ilang oras din ang itinagal ng byahe bago kami makarating sa lugar kung saan gaganapin ang mga huling eksena ng movie.
Isang maaliwalas na paligid ang sumalubong sa amin isang private na resort iyon, ngunit hindi kagaya ng mga kadahalasang malalalaking resort. simple lang iyon at maliliit lang talaga ang cottage.
Dumiretso kami sa isang Inn na hindi kalakihan sinalubong naman kami ng isang lalaking may katandaan na.
"Mam tuloy po kayo, maligayang pagdating po sa bayan namin tulungan ko na po kayo" at tinulungan nya akong bitbitin ang mga dala-dala ko.
Ang ganda sana ng lugar sayang nga lang at hindi kami nandito para magbakasyon kundi para magtrabaho. Iginiya ako ni kuya paakyat sa room na assigned sa akin. Nagtext na din si manager kaya naman kinuha ko lang ang mga pangunahin kung kakailanganin sa taping.
Pagdating ko sa baba ay all set na ang lahat.
------
Ang eksena na namin ngayon ay yong nalaman na ni Tanya ang tungkol sa panluluko ni Seb.
"Sound roll, Camera roll?" Direk
"Camera rolling" cam. man
"Okay ready, action"
"Pano mo nagawa sakin to Seb? Pano mo'ko nagawang lokohin! Akala ko ba mahal mo ako? Sabi mo mahal mo ako!" Sigaw ko kay Seb habang umiiyak.
"Hindi ko sinasadya, patawarin mo'ko Tanya ikaw ang mahal ko at alam mo yan, siguro ay dahil sa labis na pangungulila ko sayo kaya ko nagawa yon" umiiyak din si seb.
"PAKK" I slapped him.
"Hindi mo sinasadya? Kalokohan! Wag mo akong gawing tanga Seb, ginusto mo yon, at wag na wag mong idadahilan sakin yang pangungulila mo dahil malayo man ako sayo, hindi ako nagkulang Seb, kailanman ay Hindi ako nagkulang. Ni minsan din ay hindi pumasok sa isip ko ang lokohin ka" I shouted.
"Tanya mahal kita, mahal na mahal kita at ikaw ang pinipili ko, papanagutan ko si Abby (babaeng nabuntis) pero hindi ko sya kailangang pakasalan. Wala akong ibang gustong pakasalan kundi ikaw lang"
Tss Liar!! Magpapakasal ka na nga sa iba
"Pinipili mo ako? At anong karapatan mong mamili?"
"Pero ikaw ang mahal ko"
"Pero binuntis mo sya Seb, buntis sya naiintindihan mo ba? At kailangan mo syang panagutan"
"Pero hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala ka sakin" seb
"Hindi Seb, kailangan nating kayanin dahil ito ang tama, hindi ko kayang patuloy na makasama ka habang may nasasaktang isang ina dahil lalaki na walang tatay ang anak nya. Hindi ko kaya Seb hindi ko kaya."
" Cut! That was awesome ang galing ng bawat bitaw ng linya, sige break muna kayo" si Direk.
Dire-diretso padin ang patak ng luha ko kahit nagcut na si Direk. para tuloy gusto kong mainggit kay Tanya dahil magkaibang-magkaiba kami ng katayuan.
Sya handa syang ipaglaban ni Seb at handang talikuran ang lahat makasama lang sya. Samantalang ako ay kahit ano pa yatang gawin ko ay wala ng mangyayari.
Napatingin ako kay Drake na ngayon ay umiinom ng tubig. Sana nga Drake ay katulad ka na lang din ni Seb sana ay hindi ka ganyan sakin. Sana ay sabihin mo din sakin na ako parin ang mahal mo.
Nagpaalam akong pupunta ng rest room.
Naghugas ako ng kamay at pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin bago ay lumabas na ako.
Napaatras pa ako ng makita kong nakasandal sa may pader si Drake.
Hinihintay nya ba ako?
"D-drake what are you doing here?"
"Pwede ba tayong mag-usap?" Malungkot ang tinig nya.
"S-sure" naglakad sya at sumunod lang ako sa kanya. Pumasok sya sa isa sa mga cottage don.
Umupo ako sa tabi nya, hindi ako nagsalita hinintay kong sya ang mauna.
"May hihingin sana akong pabor sayo" pag-uumpisa nya.
"A-ano yon?" I asked nervously
"Sana pagkatapos ng movie na to, sana kasabay matatapos ng trabaho natin dito ang lahat ng natitirang koneksyon natin sa isa't-isa. Look Jane ayokong magkaproblema kami ni Mara, hindi ko rin nagustuhan yong sinabi mo sa kanya nong nakaraan" kalmadong sabi nya.
Hindi ko alam pero don pa lang ay namasa na kaagad ang mata ko nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko.
"Ganun ka ba katakot na magkaron kayo ng hindi pagkakaunawaan ni Mara? Mahal mo ngang talaga sya."
"Hindi lang to dahil kay Mara, para din to sayo. Ayoko ng makitang nasasaktan ka sa tuwing nasa paligid kami, kung palagi tayong magkikita mas masasaktan ka lang"
"Ayaw mo akong makitang nasasaktan?" Hinawakan ko ang kamay nya hindi naman nya inalis yon. "Isa lang paraan para hindi na ako masaktan pa Drake, at alam kung alam mo kung anu yon. Come back to me Drake that's the only way to stop me from hurting"
"Jane iba na ngayon hindi na ako tulad ng dati hindi na tayo tulad ng dati, sana maisip mo na nahihirapan din ako sa tuwing nahihirapan ka." Sinserong pahayag nya.
"Drake alam kong may puwang pa ako dyan sa puso mo, mahal mo pa ako diba? You still love me right? Nandito parin ako diba ?" Hinawakan ko ang dibddib nya.
"Jane Please" pakiusap nya.
Sabihin mo saking hindi mo na ako mahal pagkatapos nito
And I kissed him. I kissed him until he kissed back, pero ilang sandali lang itinulak nya ako. Hindi iyon malakas pero sapat na upang mapabitaw ako sa kanya.
"Now tell me Drake, hindi mo na nga ba talaga ako mahal?" Mapanghamong tanong ko.
"Jane ano ba!!!" Nagulat ako ng sumigaw sya. "Stop it! Kahit anong pilit pa natin wala ng mangyayari pa, kahit sabihin mong mahal pa natin ang isa't-isa kailangan nating tanggapin na hindi na tayo pwede at sana maintindihan mo yon!"
"Pwes kailangan mo ding intindihin na hindi ganun kadali saking bitawan ka Drake I'm not like you, hindi ako basta-basta sumusuko. At hindi ikaw o kahit sino man ang may karapatang magpatigil sakin. Dahil ako to Drake, ako to at kung nasasaktan man ako labas ka na don. Wala kang kailangang gawin. Dahil ako mismo ang magsasabi sa sarili ko kung kelan ako titigil."
Pagakatapos non ay iniwan ko na sya don.
You kissed back Drake! Sana ay hindi na lang dahil may lalo mo lang akong binigyan ng pag-asa na mahal mo pa nga ako.
----------------------
Pagkatapos naming maglunch ay nag-umpisa na ulit kami. Alas diyes na ng matapos kami sa lahat lahat. Naging maayos naman ang bawat take mabuti na lang at hindi nakaapekto sakin yong naging pag-uusap namin kanina. Hindi ko pa alam kung kelan ang schedule ng screening ng movie pero ang mahalaga at natapos na namin.
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomanceSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...