Maayos na natapos ang presscon na iyon sana ay naliwanagan na ang lahat ng dahil don.
Nasa parking lot na kami ngayon ni ate Chloe nakapagpaalam nadin kami sa mga taga SRS.
"You did well kanina Jane, I'm so proud of you" nakangiting papuri ni ate Chloe
"Thanks ate Chlo nakakahiya nga po kasi parang mas nagfocus sakin yong mga reporter kesa po sa movie, I'm sorry for that" hinging paumanhin ko.
"Naku wag mo ng isipin yon dahil yon naman talaga ang plano ko kaya hindi muna kita ipinakilala dahil kung hindi ay malamang kung ano-anu na naman ang itatanong ng mga intregerang reporter na yon at baga sa huli ay maspoil ko ang mga mahahalagang eksena sa palabas"
Mahabang litanya nya na may kasama pang pag wasiwas ng kamay, natawa naman ako dahil sa malamang nga ay ganun ang nangyari kung nagkataong wala ako don.
"Oh sya pano, hindi na ulit ako makakasama sa paghahatid sayo at napagod din ang lola mo" maarte pang sabi nya.
Maya-maya pa ay may kinuha sya sa loob ng sasakyan nya at inabot saakin.
"Oh ayan ang buong script ng pelikula pag-aralan at basahin mo ha, siguro magpapahinga lang tayo ng ilang araw at mag-uumpisa na din tayo, naghire na ako ng PA mo para sa mga kakailanganin mo, pano tatawagan na lang kita ha, mauuna na ako". Paalam nya
Hinintay ko lang na makaalis ang sasakyan ni ate Chloe at naglakad na din ako kung saan nakapark ang sasakyan namin.
Nang walang anu-ano ay may biglang humila saakin papasok sa isang sasakyan.
Agad na sinalakay ng matinding kaba ang dibdib ko, shit not again.
Taka akong humarap sa kung sinong humila sakin ngunit laking gulat ko ng mapagsino ito.
"D-Drake?"
"Don't worry wala akong gagawin I just want us to talk" si Drake
Unti-unting kumalma ang pakiramdam ko at ang kabang nararamadaman ko ay napalitan ng banayad na pagtibok ng puso ko, yong pakiramdam na okay ang lahat. Yong pakiramdam na malapit ka sa taong mahal mo.
"Anong gusto mong pag-usapan natin?"
"Why didn't you tell me?"
"Tell you what?"
"Na nandito ka na pala sa Pilipinas, na buhay ka at nasa maayos na kalagayan?"
Hindi maintindihan pero parang nagagalit sya sakin.Tumawa ako ng bahagya.
"Bakit pa? Interesado ka pa bang malaman kung kumusta na ako?"
"Of course nag-aalala ako sayo for Gad sake" madiing sagot nya.
Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng galit sa paraan ng pagsasalita nya.
"Nag-aalala ka? Ganun ba ang gusto mong sabihin, kung nag-aalala ka pala edi sana naalala mo man lang na bisitahin ako don" galit na sagot ko at hindi ko na din napigilan pang kumawala ang luha sa mga mata ko.
"Ang sinasabi ko lang sana sinabi mo man lang para nakapaghanda ako, nagmukha akong tanga don kanina wala akong kaalam-alam na ikaw pala yong makakatrabaho ko don, kung alam ko lang di sana--"
"Sana ano? Sana hindi ka pumayag sa alok ni ate Chloe ganun ba? "
Pagputol ko sa sasabihin pa nya."Yan pa talaga ang iniisip mo? Ni hindi mo manlang magawang kumustahin ako, kung okay ba ako? Kung kumusta na ako?"
"Jane, iba na ngayon siguro naman ay alam mong ikakasal na ako at sa tingin ko ay hindi magandang tingnan kung palagi pa tayong magkikita"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa mga sinabi nya.
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomansaSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...