Chapter 11

359 13 0
                                    

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko,  napangiti ako ng maisip ko kung bakit.
Hays si manang talaga alam na alam kung paano ako gigisingin akalain mong sa tagal kong wala dito ay naalala nya pa yon.

Iinat-inat akong bumangon, naglakad ako palapit sa may bintana. Mula doon ay natatanaw ko ang ilan pa naming kasambahay na nagdidilig ng halaman at naglilinis ng pool.

Naghilamos lang ako at pinasya ng bumaba na. Dalawang palapag lang ang bahay namin pero masasabi kong malawak talaga ito at hindi basta basta ang ginamit na mga materyales.

Masasabi kong maswerte kami ni Claudia dahil hindi kami nakaranas ng hirap kahit noon pa man. Lawyer ang daddy ko at sa ngayon ay may sarili na syang minamanage na law firm,  magaling sya kaya naman maging sa ibang bansa ay kilala sya kaya kahit san kami mapunta ay hindi kami nahihirapang mag settle.

Si mommy naman ay isang fashion designer hindi ko masasabing sikat sya pero maganda ang lagay ng negosyo nya which is botique na sya mismo ang namamahala. Sa Pilipinas at sa america ay may shop sya.

Habang papalapit ako sa kusina ay naamoy mo ang ginisang bawang na ginagawa ni manang marahil ay magsasangag ito.

Dumiretso ako sa kusina naabutan kong nagtatawanan sila. Nakatalikod si manang at abala sa ginawa samantalang si claudia ay nakaupo sa stool doon.

"Good morning" bati ko sa kanila,  na naging dahilan ng sabay na paglingon nila.

"Oh Jin anak gising ka na pala, naku itong kapatid mo kung ano-anu palang kalokohan ang pinagagawa sa America" natatawang sabi nito.

"Sya maupo na kayo at patapos na to ,  sina Delya na ang bahalang mag-asikaso sa inyo. "

Naupo kami kami ng kapatid ko sa dining table,  nakahain na doon ang mga niluto ni manang,  Egg, hotdog,  bacon at longganisa,  sandali lang ay kasunod na namin si Ate Delya na may dalang sinangag.

Nag-umpisa na kaming kumain ng kapatid , namiss ko ang mga ganitong pagkain,  sa states kasi ay madalas gulay at tinapay lang inihahanda ni mommy wala kaming katulong doon.

"Ate,  aalis ako ha pupunta ako kina Rein nabanggit ko kasing nandito na ako kaya iniinvite daw ako nina tita na don maglunch" paalam sakin ng kapatid ko.

Tumango lang ako sa kanya

Si Rein na tinutukoy nya ay ang bestfriend nya.

"At tutulungan nya din nga pala akong mag transfer sa university na pinapasukan nya" dagdag nya.

"Okay that's good,  uuwi ka ba?"

" Yes i think?"

----
Pagkatapos kumain ay pareho na kaming umakyat sa kanya-kanya naming kwarto.

Naligo ako at bumaba na ulit,  wala si manang kaya hinanap ko sya sa labas naabutan ko syang nagttrim ng bulaklak sa may garden agad naman nyang napansin ang presensya ko.

"Jin may lakad ka ba ?"

"Oo sana manang e,  yong bisikleta ko po ba maayos at gumagana pa?" Kaswal na tanong ko sa kanya.

"Naku oo naman maayos pa iyon ,  gagamitin mo ba? Hintay at ipapalabas ko kay Carlo". May tinawag syang lalaki at maya-maya pa nga ay dala na nito ang bisikleta ko.

Excited kong kinuha yon,  " salamat kuya,  manang alis lang ho ako saglit bye" at tinalikuran ko na sila.

Nag-umpisa akong magpedal at tinahak ang pamilyar na direksyon wala namang pinagbago ang daan pati bahay doon kaya naman hindi ako nalito sa pasikot-sikot.

Huminto ako sa tapat ng isang malaking gate pagkababa ko sa bisikleta ay excited akong nag doorbell,  tatlong beses kong pinindot ang doorbell gaya ng palagi kong ginagawa.

Ilang saglit lang ay lumabas ang isang babaeng may kabataan pa,  hindi ko sya kilala kaya sigurado akong bago lang sya.

"Mam ano pong kailangan nila?" Magalang na tanong nito.

"Ahh ate nandyan po ba si Meg?

" ahh bisita ka po ni mam Meg,  naku pasensya na po pasok ho kayo mam" binuksan nya ang gate at pinapasok ako.

" Maupo po kayo at tatawagin ko po si mam" paanyaya ni ate sakin.

Tumango lang ako at iginala ang paningin sa paligid,  wala namang ipinagbago napansin ko lang na mas madaming bagong portrait si Meg.

"Ang ganda nya parin, itinuloy nya pa ang pag momodelo,  maganda si Meg at talented din kung tutuusin ay marami na syang natanggap na offer tungkol sa pag-aartista pero madalas nyang tanggihan yon,  dahil ayon sa kanya ay masaya na sya sa pagmomodelo.

" Excuse me!" Anang pamilyar na boses upang tawagin ang atensyon ko.

Nakaramdam ako ng sobrang pagkamiss sa bestfriend ko ang malambing nyang boses na madalas nyang gamitin laban sakin. She looks sweet,  while I look tough and confident,  pero sa totoong buhay ay mas maldita sya sakin.

Dahan-dahan kong ibinaling ang paningin ko sa kanya.

"Meg"
Bahagya syang natigilan at namilog ang mga mata.

"WTF Jane?"

"Meg , ako nga to!"

"My Gad you're alive?" Umiiyak na sya non.

"What? Ofcourse I'm alive" naiiyak na din ako.

Ako na ang nagkusang lumapit sa kanya dahil wala ata syang balak pang gumalaw sa pwesto nya.

"Meg!  I'm alive, I missed you" niyakap ko sya ng mahigpit dahil sa totoo lang namiss ko talaga ang bestfriend ko,  natagalan pa bago nya ako yakapin pabalik.

"gosh I can't believe this,  I really can't believe this ,  buong akala namin ay hindi ka na nakasurvive pa sa pag kaka coma mo, bakit ngayon ka lang nagpakita sakin" umiiyak sya habang sinasabi ang mga yon.

"Namiss kita,  miss na miss kita Jane" hindi mo lang alam kung gaano ako nasaktan,  sa pag-aakalang patay ka na,  ano bang nangyari?"

"Mahabang kwento Meg,  mahabang kwento".

She fell asleep (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon