Chapter 13

363 13 0
                                    

---
Pumasok ako sa isang grocery store, nasa loob ako ng mall ngayon pagkatapos kong magjogging kanina ay dumiretso na ako dito.

Mag-isa lang ako dahil ang kapatid ko ay tumangging sumama saakin dahil ngayon daw sya sasamahan ng mga kaibigan nyang mag-asikaso ng paglipat sa university nila.

Kumuha ako ng push cart at nag-umpisa ng kunin ang mga kailangan ko, namili na din ako para sa iba pa naming supplies.

Ng makuha ko na lahat ng kailangan ko ay gusto kong magmura sa haba ng pila akala ko pa naman ay hindi pa ganun kadami ang tao dito dahil kakabukas lang, napatingin ako sa wristwatch ko at mas napamura ako dahil 4:30 na pala ng hapon, basta talaga nag ggrocery ako inaabot ako ng syam syam, kaya walang naglalakas na sumama sakin noon maliban sa isa.

Ng nabayaran ko na lahat ng pinamili ko ay dinala ko na ang mga yon sa kotse , wala akong driver ngayon ako lang magddrive, and yes I can drive now.

Bumalik ulit ako sa loob para kumain sa isang fast food, JOLLIBEE 😍
Umorder na ako at nag-umpisa ng kumain, maya-maya pa ay napansin kong nagbubulungan ang ilang kabataan di kalayuan sa table ko.

"OMG oo nga, kamukhang kamukha nya nga, kamukha ni Jane Ortega" hindi makapaniwalang sabi ng babae sa mga kaibigan nya.

'Tss stupid, this is me sa isip ko na lang hindi ko na lang pinansin ang grupo ng mga batang yon at nagpatuloy sa pagkain, pero aaminin kong masarap din sa pakiramdam na kahit pala papano ay may makaka recognize pa sakin.

Hinatid ko lang sa bahay ang pinamili ko tapos ay nagpalit ako ng damit.

Ngayon ko planong bisitahin ang manager ko sa opisina nya. Ripped Jeans at single top ang suot ko na pinatungan ko ng blazer, kinuha ko din ang shades at sumbrero ko pagkatapos ay umalis na. As much as possible ay ayoko munang may ibang makaalam sa ngayon, kung talagang matutuloy ang pagbalik ko sa showbiz ay mas makabubuting si manager muna ang kausapin ko.

Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko ng makita ko ang pangalan ng malaking building na hinintuan ko. BBN entertainment.

It's been a while, mabuti na lng at hindi ako nahirapang makipag-usap kay kuya Guard ng sabihin kong si Manager ang pupuntahan ko, He's the same guard from two years ago though I can't clearly recall his name.

Nagdire-diretso ako sa second floor doon ang office ng mga manager, mabuti na lang at wala akong gaanong nakakasalubong sa hallway.

"trina are you sure that everything's set?"

Naulinigan ko ang sosyal na boses ng makakasalubong ko.

"Yes miss Thamara, ready na po ang lahat pati ang hotel kung san kayo mag sstay for two nights."

"Okay good"

At sa pinakamalas na pagkakataon sa dinami daming tao na pwede kong makasalubong ay sya pa.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad I wont mind kung makilala nya ako.

Habang palapit ng palapit kami sa isa't-isa ay hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa kanya noon pa man ay ramdam ko ng panay ang lapit at pagpapacute nya kay Drake at ng makakuha nga ng pagkakataong pumapel ang bruha ay hindi nito pinalagpas.

Sa inis ko ay hindi ko na pala namalayang napahinto ako, nag-uusap padin sila ng babaeng kasama na sa wari ko ay assistant nya.
Ng mapansin nyang nakahinto ako at nakatingin sa kanya ay kumunot ng bahagya ang kilay nya.

Lumapit sya sakin , , hindi ko alam kung nakilala nya ba ako kasi hindi naman ganun kahalata ang mukha ko nakashades ako at nakasumbrero pa nakalugay din ang buhok ko.

Nagulat ako ng magsalita sya bigla.

"You must be a fan, perhaps mine? good mood ako ngayon kaya" pabitin nyang sabi at sumenyas sa kasama nito.

Mabilis naman nag-abot ng marker ang kasama nito, hindi ko maintindihan kaya noo ko naman ang napakunot. At napanganga ako sa sumunod nyang ginawa, kinuha nya ang palad ko at may isinulat doon, pagkatapos ay ngumiti at umalis na sa harapan ko.

Tiningnan ko ang nilagay nya sa palad ko at abot-abot ang inis ko ng makita kong pirma nya ang nakalagay dito.

What the f*ck !! Ang kapal ng mukha ng babaeng yon, Me? A fan?
NO WAY!!!

kinalma ko ang sarili ko at muling naglakad, bwiset.

Nasa tapat na ako ng pinto ng office ng manager ko dati.

Kumatok ako ng tatlong beses at hinintay na may magbukas nito.

Ilang saglit pa ay wala pading nagbubukas ng pinto.

Inulit ko pa ulit ang pagkatok ko but still I got no response, wait hindi kaya..

Alam ko dati ang password nito ngunit imposible namang di sya magpalit pero sinubukan ko padin, nag-umpisa akong magpindot ng mga numero at laking tuwa ko naman ng bumukas ito.

Pagpasok ko pa lang ay nakumpirma ko nga ang hinala ko natutulog ang bakla habang nakanganga pa, nakasandal sya sa swivel chair habang ang paa ay nakapatong sa mismong table nya dahilan para matumba ang nameplate nya.

Inayos ko ang pagkakaayos ng nameplate nya at nangiti ako haha hanggang ngayon pala ay hindi nya parin naipapabago ang nakasulat doon. "JOEY NATIVIDAD" haha ilang beses nyang sinabi sakin na papapalitn nya ito ng Chloe pero hindi naman sya pagbigyan ng ibang boss dahil ayon sa kanila ay dapat professional daw. And yes My manager is Gay pero ayaw nyang ituring ang sarili nyang bakla dahil babae daw talaga sya. Kaya dapat maingat ka din sa pagamit ng pronouns kapag kausap mo sya never use His/him just she and her lalo na kung nag-uusap kayo o pinag-uusapan nyo sya, dahil nagagalit talaga iniinsulto daw ang pagkababae nya, natawa pa nga akong ng minsang sabihin nyang 'kulang pa daw ba lahat ng gluta at pills na iniinom nya para kilalanin na syang babae.

Natatawa akong pinagmamasdan sya di parin nagbabago to. Natatandaan ko noon na kaya nya ibinigay sakin ang password ng opisina nya ay para hindi sya maabala sa mga pagkakataong ganito. Mas matanda sakin ng ilang taon si Chloe pero hindi naman ganun kalaki ang pagitan namin, I respect him dahil magaling talaga itong maghawak ng tao at malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Dahil sa sarap ng tulog nya ay hinayaan ko na muna syang matulog pa mamaya ko na lang sya gigisingin kapag nasa kondisyon na ang tenga kong makinig sa posibleng pagtili nya.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong office wala namang ipinagbago malinis pero magulo. Napadako ang tingin ko sa malaking larawan naming dalawa kung saan hawak ko ang isang tropeyo iyon ay award ng pagkilala saakin bilang best actress sa ginawa kong palabas kung tama ang naaalala ko.

Hindi lang ako ang artistang hawak ni Manager madami kami pero masasabi kong tama ang sinabi ni Meg na ako nga ang pinaka paborito nya.

She fell asleep (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon