Chapter 36

305 11 0
                                    

Drake's Point of view.

Hindi ko alam ang tamang maramdaman sa mga oras na to na nasa harap ko ang dalawang babaeng pinaka pinapahalagahan ko.
Parang tinatambol ang dibdib ko sa sobra-sobrang kaba na nararamdaman ko. Nagulat ako sa eksenang naabutan ko.

Si Thamara may dugo at ganun din si Jane.

Nag-aalala ako sa kalagayan ni Thamara dahil alam kong may buhay sa sinapupunan nya,  ang anak namin. Pero nalito ako ng marinig kong pumalahaw ng iyak si Jane habang nakatingin sa kamay nyang puno ng dugo. Hindi ko maintindihan,  hindi ko alam ang totoong nangyari.

Magulo ang buhok nya,  putok ang labi. Gustong gusto kong lumapit sa kanya at aluin sya. Gusto ko syang yakapin at sabihing magiging okay din ang lahat gaya ng palagi kong ginagawa. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita kong estado nya.

"Ahhhhh!!!"
"Ang baby ko!" Umiiyak na sigaw nya. Maya maya pa ay tumingin sya sakin gamit ang nakikiusap na mga mata.

"Parang awa mo na,  Drake tulungan mo ako. Iligtas mo ang anak ko! K-kahit wag ka ng bumalik sakin, kahit wala ka na wag lang ang anak ko! wala syang kasalanan,  please save my baby" umiiyak nyang pakiusap.

Buntis din sya?

Hindi ko alam pero hindi ko sya kayang makita sa ganung kalagayan,  hindi ko sya kayang tingnan lang. Kaya naman nagkusang humakbang ang mga paa ko patungo sa kanya pero natigilan ako ng hawakan ni Thamara ang kamay ko. Tiningnan ko sya at tulad ng nakikita ko sa mga mata ni Jane nagsusumamo ito.

Lalo akong naguluhan sa kung ano bang dapat kong gawin.

Muli kong tiningnan si Jane hindi ko alam ang gagawin ko,  litong-lito na ako sa sitwasyon ng may matanaw akong pigura ng isang tao na naglalakad patungo sa kinaroroonan namin.

Zander!

Don ako nagdesisyong buhatin si Thamara.

Alam kong hindi ka nya pababayaan,  patawarin mo ako kung nagawa ko kayong ipagkatiwala sa ibang tao. I'll come for you,  I promise! Just be safe,  be safe!

Mabilis kong dinala sa ospital si Thamara at agad naman syang tinugunan ng mga doktor.

"Please do your best to save the baby" pakiusap ko sa kanila.

Ilang saglit pa ay nakita ko na ang doctor na tumingin kay Thamara.

"How is she?"

"She's fine Mr. Alarcon"

"How about the baby?"

bumuntong hininga muna ang doktor bago sumagot.

"Yon na nga po ang gusto kong itanong sa inyo,  Did you just think that your girlfriend is pregnant?"

"Yes because she's really pregnant" sagot ko.

"Hindi po buntis si Ms. Lopez"

"What? B-but how can you explain the blood on her clothes?

" she has no wounds nor any part of her body is injured, the blood on her dress wasn't hers. I don't know what exactly happened but I think she got that blood to the person she was with before you bring her here. I have to leave now excuse me."

Naiwan akong tulala sa mga sinabi ng doktor sakin.

So all this time hindi totoong buntis sya.
Wala sa sariling naglakad ako patungo sa kwarto kung nasan si Thamara, walang emosyon ko syang tiningnan.

"D-Drake how's our baby?" Hindi ko sya pinansin.

"Why?" Kumunot ang noo nya sa tanong ko.

"O-of course I want to know"

"Why did you do that?

"W-wait do what?"

"Why did you lie about you being pregnant? Why did you fool me?"

"I don't know what you're saying I am really pregnant"

"Stop it Thamara,  alam ko na. Hindi sayong dugo ang nasa damit mo! Kay Jane yon,  what did you do to her?"

"Wait are you accusing now? I told you she attacked me!"

"What did you do to her, to make her bleed like that?" I shouted

"Why are you yelling at me,  Drake I didn't do anything to her"

sinubukan nyang hawakan ang kamay ko pero tinabig ko iyon.

"You have no idea how much I'm holding back to come to her because I don't want you to get hurt,  dahil mahalaga ka sakin"

"Mahalaga ako sayo? Oo mahalaga lang ako sayo pero kahit kelan hindi ko naramdamang minahal mo ako kagaya ng kay Jane,  kahit na anong gawin ko may iba parin sa paraan ng pagtingin mo saming dalawa. Mas mahal mo sya alam ko yon dahil ramdam na ramdam ko. Lalo na ng malaman mong nagbalik sya"

"But I did everything to make you feel secured,  I even asked you to marry me"

"Hindi Drake e, ang gusto ko mahalin mo ako kagaya ng sa kanya. Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit nagawa kong magsinungaling sayo lalo na ng malaman kong nabuntis mo sya."

"Alam mo? Alam mong buntis sya?"

"Oo kaya naman nong malaman ko nag-isip ako ng paraan para hindi mo rin ako iwan dahil sigurado ako na kapag nalaman mo yon,  walang pag dadalawang isip mo akong iiwanan."

"Patawarin mo ako Drake,  I just love you so much, ayaw kong mawala ka sakin,  please forgive me."

Umiyak sya sa harapan ko pero hindi ako makaramdam ng awa sa kanya. Hindi ko sya maintindihan. Hindi sya ang babaeng minahal ko ibang tao na ang nakikita ko sa kanya ngayon.

"Wag lang sana may masamang mangyayari sa mag-ina ko dahil hinding-hindi kita mapapatawad"

Tinalikuran ko sya.
Narinig ko ang pagtawag nya ngunit nag dire-diretso ako sa paglabas ng pinto.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may masamang nangyari sa kanya dahil sa kapabayaan ko.

Bumalik ako sa lugar kung saan ko iniwan si Jane kanina pero wala na sya. Tiningnan ko ang lugar kung saan nya mismong nakaupo kanina doon ko nakita ang bakas ng dugo.

"Baby,  my baby, patawarin mo si daddy hindi kita nagawang protektahan patawarin mo sana si Daddy kung nasasaktan nya si mommy.
I cried out of frustrations, out of guilt and out of regrets.

Bigla kong naalala ang mga salitang sinabi sakin ni Jane.

"Kahit konti ba hindi ka talaga naniniwala sa sinabi ko?"

"Kung sasabihin ko ba sayo ngayong buntis din ako paniniwalaan mo ba ako? Kung sasabihin ko bang ako naman talaga yong buntis maniniwala  ka ba?

Patawarin mo ako Jane, patawad kung naging naging gago ako,  sorry kung puro pasakit na lang ang dulot ko. Patawad kung nagbingi bingihan ako sa mga sinasabi mo.

Sana hindi pa huli ang lahat,  sana matanggap at mapatawad mo pa ako. Sana ay magawa ko pang bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sayo. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal.

Maya maya pa ay tumayo na ako. I will find her,  I have to see her.

She fell asleep (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon