Chapter 31

325 11 0
                                    

Naging malamig ang pagtrato sakin nina mommy pati si Daddy ay hindi rin ako masyadong kinikibo,  pero kahit na ganun ay hindi parin maikukubli ang extra care na binibigay ng lahat ng tao sa bahay.

Lalo na sa mga kinakain ko naging bantay sarado ni mommy hindi ko naman magawang umangal dahil tiyak na lalo lang sasama ang loob nya sakin.

Ngayon nga at katatapos lang namin kumain ay parang nakakaramdan na naman ako ng pagsama ng ng sikmura,  pero hindi ko naman magawang masuka.

Nasa loob ako ng kwarto ng pumasok si Meg sa loob.

"How  are you?"

"Ito walang magawa"

"T-the baby?"

"Healthy naman daw sabi ng doctor"

"Alam na ba nya?"

"Hindi!"

"May balak kang ipaalam?"

"Oo naman humahanap lang ako ng tiyempo at kakausapin ko sya. Hindi pa kasi ako makakilos ng maayos kasi hindi kami okay nina mom and dad." sabi ko."

"Sa totoo lang naiintindihan ko yong pinanggagalingan nila Jane!"

"Tss pumunta ka ba dito para sabihin yan sakin?" Mataray at diretsong sabi ko.

"Jane! Hindi ko lang magets kung anong iniisip mo at nagkakaganyan ka,  okay naiintindihan kong gusto mong magkabalikan kayo ni Drake pero iba na ang sitwasyon ngayon,  magkakaanak ka na.

" Yon lang? You know what Meg? Kahit naman siguro anong paliwanag ko sainyo hanggat involve si Drake,  iba at iba ang iisipin nyo. Now kung nasabi mo na lahat ng sasabihin mo magpapahinga pa ako."

"Fine, basta kapag napahamak ka dahil dyan sa mga hindi ko maintindihang desisyon mo sa buhay,  wag mong sasabihin hindi ka namin binalaan." Yon lang at tinalikuran na nya ako.

Pati ba naman si Meg hindi ako naiintindihan.

Nagbihis ako at nag-ayos para pumunta sa botique ni mommy dahil wala naman akong ginagawa. Hindi ko padin alam kelan ko sasabihin kay manager ang tungkol sa kalagayan ko ang totoo ay nahihiya ako sa kanya dahil sa kabila ng tiwalang ipinagkaloob nya ulit saakin ay ito ang igaganti ko.

Pagdating ko sa shop ay si ate Bella agad ang sumalubong sakin,  wala si mom dahil baka nandon sya sa bagong tinatayo  nyang botique.

Dati ay madalas na din akong pumunta dito sa tuwing wala akong ginagawa at tumutulong kay mom minsan pa nga ay tumutulong ako sa pagbibigay ng ideas at new designs.

Tatlong tauhan lang ang nakaassign sa   sales,  samantalang bukod ang tao sa counter at si ate Bella nga yon.

Hindi ganun kadami ang customers ngayon kaya naman nakaupo lang din ako at walang masyadong ginagawa.

Ilang saglit lang ay lumapit sa counter ang isa sa mga sales lady namin doon.

"M-Ma'am I'm sorry po pero may customer po doon na nagpupumilit bumili nong design na sold out na po,  ayaw po nyang pumayag at gusto daw makausap ang may-ari." Nakatungo at nanginginig na sabi nya,  sa tingin ko ay bago lang sya.

"Ako na ang bahala"

Pagdating ko ay nakatalikod ang babae at pinapagalitan ang dalawa pa naming sales lady na nakatungo lang don.

"What's the problem here?" pormal na tanong ko.
Para namang nagliwanag ang mukha ng dalawang sales lady at agad na nagpaliwanag.

"Ma'am yong gusto nya po kasing design ay naubos na,  hindi naman po namin pwedeng ibenta ang displays dito dahil yon ang mahigpit na bilin ni maam Marj." Paliwanag ng isa sa kanila.

She fell asleep (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon