Ng mga sumunod na araw ay naging abala ako sa lahat, tinulungan ko din si Claudia na makapag settle sa bago nyang school.
Kapag wala akong ginagawa ay dumadalaw naman ako kay Meg para makipag kwentuhan.
Nagshopping na din ako ng mga bagong gamit, dahil tiyak na kakailanganin kong magsuot uli ng naayon sa mundo ko.
Kasalukuyan akong nasa may garden I'm having a cup of tea habang nagbabasa ng libro "fifty shades of grey" nasimulan ko na ito bago ako maaksidente pero dahil sa matagal na yon ay kinakailangan ko ulit umpisahan sa una.
Nalaman ko nga din sa kapatid ko na may movie na ito at tatlong version na ang naipalabas.
Andami ko na din talagang na missed.
Kanina lang ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Daddy from states na baka daw hindi pa agad sila makauwi dahil sa may mga aasikasuhin parin silang mahahalagang bagay doon.
"Ate magla lunch na daw sabi ni manang" si Claudia.
Hindi ko namalayan ang paglapit nya sakin.
"Sige susunod ako, tatapusin ko lang tong tea"Pagkatapos ko ngang maubos ang tea ay pumasok na ako sa loob at dumiretso sa dining Area, doon ay kumakain na si Claudia.
"What's in the menu?" I asked.
"Special kaldereta ni manang"
"Ahh I see"
Yon lang at nag-umpisa nag-umpisa na din akong kumain."So kelan ang umpisa ng klase mo?" Pag-uumpis ko ng usapan.
"Hindi ko pa alam sa ngayon bukas ko pa malalaman kapag nakuha ko na yong schedule ko."
"Dad called kanina, hindi pa daw sila agad makakasunod dahil may mga aasikasuhin pa daw sila doon."
"Ganun ba? Okay lang naman yon ate we're adults na naman e"
"Yah right pero ikaw yang isip mo pang 10 years old padin" pang-aasar ko sa kanya.
"Ate stop! Hindi naman na ako isip bata e , ikaw lang nagsasabi non" she pouted.
----
Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. Wala akong nakaplanong lakad ngayon kaya naman sa palagay ko ay maghapon lang akong tatambay sa room ko.
Ng wala na akong maisip pang gawin ay binuksan ko ang tv sa loob ng kwarto ko.
Hinayaan ko lang itong mag-ingay kahit hindi naman ako interesado sa palabas.
Nakakaboring ang ganitong buhay, hindi ko naman na din magawang iistalk si Drake dahil sabi ni manager Chlo ay mas maigi kung wag na lang daw dahil sasaktan ko lang ang sarili ko.
Nasabi na din nya sakin na pumayag na si Drake sa project na inaalok nya dito, I wonder kung papayag kaya sya kung alam nyang ako ang makakatrabaho nya. Pinakiusap ko din kasi kay ate Chloe na wag ng banggitin ang tungkol sakin at mabuti na rin naman hindi na daw ito nagtanong pa.
Napukaw lang ang atensyon ko ng marinig ko sa TV ang pangalan ni ate Chloe ayun nga sa reporter ay may bagong pelikukang ipapalabas ang direktor na si ate Chloe.
Nabanggit din doon na si Drake nga ang gaganap bilang leading man ngunit isang malaking surpresa padin daw kung sino ang magiging bidang babae.
Maraming haka-haka na baka si Thamara ang gaganap dahil nga nandoon si Drake.
Inanunsyo na din doon kung ano ang magiging title ng nasabing movie "Before I let you go" hindi ko alam pero kakaiba ang pakiramdam ko sa movie na to pakiramdam ko ay magiging makahulugan ang pagganap ko dito, hindi lang dahil sa parang ito na yong magsisilbing comeback ko sa showbiz malakas ang pakiramdam kong magiging dahilan to para bumalik sakin si Drake, sana nga, sana nga ay ganun ang mangyari.
Ngunit paano rin pala kung ito rin yong way para makalimutan ko na sya para matutunan ko ng bitawan sya.
Napailing ako sa naisip ko hindi ko kailanman gagawin yon, hindi kita susukuan DRAKE maghintay ka lang at magiging akin kang muli.
Maya-maya pa ay tumunog ang selepono ko hudyat na may tumatawag dito.
Pangalan ni ate Chloe ang nabasa ko sa malaking screen ng cellphone ko, agad kong sinagot yon.
"Hello! Ate Chloe napatawag ka?" Bagamat may hint na ako kung bakit ay tinanong ko padin.
"Jane, naku magready ka na ha dahil bukas na ang presscon at isasabay na din ang contract signing mo. Sana naman ay sapat na yong ilang araw sayo, diba at sinabi ko naman sayo na anytime ay maaari na kong tumawag sayo."
"Oo naman ate Chloe ready na po ako, san po ba tayo sa studio parin ba ng BBN? "
"Naku mabuti kung ganun nga, Oo doon padin ipapasundo na lang kita sa bahay nyo hindi ako mkakasama sa pagsundo sayo, bale magkita na lng tayo sa harap ng building, 5pm bukas ang umpisa" paliwanag nya sakin.
"Ahh sige po ate Chloe salamat, mabuti na lang pala at nakuha ko na kahapon yong damit na ipinagawa ko para sa presscon."
"Sya sige na, alam kong nagulat ka kahit ako ay nagulat dahil napakabilis naman. Nagkataon kasing kailangan ng malaking fund ng SRS ngayon kaya siguro minadali na. Sige na ha at marami pa akong aasikasuhin kaya mo na ang sarili mo ha, see you tom."
Yon lang at pinutol na nito ang tawag.
Hays parang bigla atang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba this is it, magkikita na tayo Drake sana ay makaya kitang harapin, sana ay mapigilan ko ang sarili ko dahil baka sa huli ay ipahiya ko lang ang sarili ko doon at magmakaawa sayong balikan ako.
Iwinaglit ko ang isiping iyon hindi yon mangyayari kailangan kong ipakita ky ate Chloe na hindi sya nagkamali na ako ang pinili nya para dito.
Kailangan kong magpanggap na okay sa harapan ng lahat ng taong makakaharap ko bukas, kailangan kong ipakitang okay na ako at trabaho na lang ang magiging ugnayan nating dalawa. Kailangan kong maging matatag sa harap ng camera, ngingiti ako at makikihalubilo na parang wala akong nararamdamang masakit sa loob ng puso ko. Kailangan kong magiging matatag sa harap mo at lukohin ang sarili kong wala ka na lang sakin, na tanggap ko ng hindi ka na saakin.
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomansaSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...