Chapter 2

527 16 0
                                    

"No!  DRAKE!!!"

Naramdaman ko ang kawalan ng hangin, at hirap sa paghinga it's like something is stuck in my mouth and nose.

Pakiramdam ko'y tuyong tuyo ang lalamunan ko I badly need some water.

I tried moving my body but I can't. What the hell happened to me?
Am I paralized or what?

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, there was my sister Claudia she's sleeping comfortably on the sofa with her mouth half open, I tried calling her but I produced no sound.

Dahan-dahan kong iniaangat ang kamay ko, only then I noticed something on my hand.
I want to confirm something kaya dahan dahan kong dinala ang kamay ko sa bibig ko.

Naka oxygen ako, I'm in a hospital bed. Inalis ko ang oxygen na nakakabit sakin.

What happened?

Where's Drake? Where's mom and dad!
Drake?? Then it hit me, the accident, Drake and I had an accident.

Agad na sinalakay ng kaba ang dibdib ko nang maalala ang nangyare at ang ayos ni Drake nong huli ko syang nakita, tahimik akong nagdasal na sa sana ay okay lang sya,  sana ay nagamot ang mga sugat nya.


Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan.

Inilabas noon ang mukha ni Daddy na bakas ang gulat nang makita ako. Kasunod nya si mommy.
My mom started crying and ran towards me.

"My God  tell me this isn't a dream, my daughter my precious"

Patuloy lang sa pag-iyak ang aking ina wala akong maintindihan bakit sya umiiyak gayong okay lang naman ako.

"Roberto our daughter she's now awake, oh thank you God!"

Saka pa lang nakagalaw ang aking ama at lumapit samin ni mama, He was crying too, I can't believe my tough Father just cried because of me ganon ba sila nag-alala sa akin?

"What's happening??" My now awake sister asked.

Nang magtama ang aming mata ay napatakip sya sa kanyang bibig sa pagkagulat.

"Sissy gising ka na!"

Muli pa ay isang katawan na naman ang dumagan sakin.


My mom won't let go of my hand kanina nya pa to hinahawakan ay pinipisil ng bahagya.


"Jane hindi mo lang alam kung gaano kami kasayang makita kang nagkamalay na. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala pero hindi ako nawalan ng pag-asa dahil alam kong malakas ka at alam kong may ang Diyos" emosyonal paring pahayag ni mommy.

Hindi ako mapakali kasi may isang tao akong hinahanap gusto kong masiguro na ayos lang sya na ligtas sya.

"Mom" I simply called.

My mom looked at me.
Napansin ko ang bahagyang pagpikit ng aking ina at paghugot ng malalim na buntong hininga, na para bang kinatatakutan nya ang mga susunod kong sasabihin.


"Y-yes baby?"

"Si Drake,  where is he? Okay lang ba sya nandito din ba sya sa ospital?"

Hindi agad nakasagot si mommy sa tanong ko.

"Is he okay? Mom, may sugat din si Drake he has to be treated too anong room number nya kailangan ko syang makita"

Sinubukan kong bumangon dahil nag-umpisa na akong mataranta bakit ayaw nila akong sagutin.

"I need to see him!!"


"Jane, wag mo na syang alalahin pa, sarili mo ang isipin mo kailangan mong magpahinga to regain your strength."


"Pero ma, may sugat din sya. Okay lang ba sya? Nasan sya?"


"Anak okay lang si Drake, may inaasikaso lang sya sa pilipinas. Pero siguradong matutuwa yon kapag nalaman nyang gising ka na." Maluha-luhang paliwanag ni mama sakin.




"Philippines? Aren't we all here?" naguguluhang tanong ko.


The three of  them heaved a sigh. Saglit silang nagkatinginan pa at maya-maya pa ay tumango ng bahagya si Daddy kay mommy.


Muling humarap sakin ang aking ina.

"Jane you have to listen to me,  tanggapin mo ang lahat ng maririnig mo okay? Lagi mong tandaan na ano man ang mga nangyari, nandito lang kami para sayo,  I'm so sorry that this happened but we will face this as a family ang mahalaga ay ayos ka sapat na yon"

Bigla sinalakay ng kaba ang aking dibdib sa sinabi ni mama. It's like I've been missing something. Naguguluhan man ay tumango na lang ako.

She fell asleep (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon