Chapter 12

360 16 0
                                    

Matapos ang ilang sandali ng pang-aamo ay kumalma na ng konti si Meg.
Nakaupo na kami ngayon sa living room, nagmemeryenda..

Panay ang pagsulyap nya sakin at mayamaya ay iiling.

"Meg,  Come on hindi ka pa rin ba makapaniwala nandito na nga ako diba ?" Natatawang biro ko sa kanya.

"What? You can't blame me two years kang nawala,  hindi ka namin nahagilap pati social media accounts mo WALA,  ang huling balita namin sayo ay coma ka at 1year ago pa yon Jane,   My gosh ipinagluksa ka naming lahat dito sa pag-aakalang namatay ka, wala naman kaming makuhanan ng balita dahil pati ang kapatid mo ay hindi mahanap ang parents mo." Tuloy tuloy na sabi nito.

Napaisip naman ako sa sinabi nya,  siguro ay ganun ang ginawa ng parents ko para maiwasan ang issue,  ayon kasi kay Claudia ay palagi daw may nag-aabang na reporter kahit nong nasa ibang bansa na kami,  kaya siguro naisip ng magulang ko,  I can't blame them ,  and I understand.

"Meg" pagsisimula ko.  "ang totoo nyan,  halos isang buwan pa lang mula ng nagising ako, kahit ako hindi makapaniwala sa nangyari sakin almost 2 years akong nakaratay sa ospital, nagising ako na parang normal lang ang lahat wala akong kamalay-malay na 2 years na ang nakakalipas." Hindi ko maiwasang maiyak habang nagkkwento ako,  Si Meg naman at hinahagod lang ang likod ko.

"Tapos ,  tapos bigla ko na lang malalaman yong tungkol kay Drake" lalo pang bumuhos na naman ang luha ko.

"My Gad,  Jane I don't know what to say" garalgal ang tinig na wika ni Meg.

"Meg, Panong nangyaring magpapakasal si Drake sa babaeng yon? Paano naman ako,  ganun ganun lang yon?"

"Jane ,  Hindi ko alam lahat at wala din ako sa posisyong sagutin ang tanong mo,  Mahal ka ni Drake,  minahal ka nya ng sobra,  He almost killed himself dahil sa pag-iisip na wala ka ng pag-asang gumising pa."

"Bigla akong nakaramdam ng kirot sa sinabi nya. yon na nga e,  sinukuan nya ako Meg,  He gave up on me habang ako lumalaban sa pesteng kamatayan na yon dahil inaasahan kong sya yong madadatnan ko,  pagmulat ng mata ko but I was wrong,  akala ko matibay na pagmamahal nya para sakin pero ano?,  wala pa palang isang taon ay nawala na sya sa eksena"
Hindi ko maiwasang mapasigaw sa sobrang frustration na nararamdaman ko ngayon,  sobrang bigat sa pakiramdam but at the same time ay masarap din dahil nailalabas ko lahat ng saloobin ko, mula kasi ng maging okay ako ay sinarili ko na ang lahat dahil ayoko ng mag-alala pa ang mga magulang ko sakin.

"I'm sorry Jane,  I'm sorry if I was not there to help you out,  I'm sorry dahil hindi ko manlang nagampananan ang tungkulin ko bilang bestfriend mo,  I know what you feel right now,  saksi ako sa halos perperkto nyong relasyon ni Drake at nakakalungkot lang na kailangan pang mangyari ang mga ganito,  ano ng Plano mo ngayon?"

"It's okay Meg,  nauunawaan ko ang sitwasyon mo. Sa ngayon siguro ay kailangan kong makipagkita kay manager Chloe, I want her to know that I am alive and that I'm going back"

"What do you mean,  you're going back?" She asked.

"Showbiz,  if that's still posible"

"Are you sure?" Meg

"Yes,  Do you have manager Chloe's number?"

"Ahh yes,  sigurado akong matutuwa syang makita ang paborito nyang alaga,  sigurado akong miss na miss ka na non." Sabi nya at binigay sakin ang number ni manager.

"By the way,  where's tita and tito?" I asked Meg.

"Nasa office na siguro Meg,  you know business and stuffs."

-----

Pagkatapos ng mahaba naming usapan ni Meg ay nagpasya na akong umuwi ,  mag aalas singko na din ng hapon.

Pagdating ko ay si manang agad ang bumungad sakin.

"Is Claudia home, manang?"

"Ay yon na nga Jin tumawag sya kanikanina lang at nagpaalam na baka mag-overnight daw sila at dumating ang iba pa nilang kaibigan"si manang

" I see,  aakyat na ho ako wag nyo na ho ako tawagin para maghapunan busog pa po ako kumain na ako kina Meg kanina."

Yon lang at umakyat na ako sa kwarto ko,  naglinis ako ng katawan at humiga na. Pinag-iisipan ko pa kung ngayon ko na ba tatawagan si manager,  Anyway I can just visit her sa office nya.

Past 8pm na ng gabi at bahagya akong nakaramdam ng gutom,  binuksan ko ang mini ref sa loob ng kwarto ko at ang bumungad sakin ay napakalinis na loob nito .

Hays I guess kailangan kong mag grocery bukas.

Siguro naman ay may gising pa sa baba dinial ko ang number sa living room hindi si manang ang sumagot,  "Ya pakidalahan naman po ako ng pagkain sa kwarto nagugutom po ako e salamat "

Ilang saglit lang din at kumatok na si yaya Delya dala ang tray ng food,  nagpasalamat lang ako at bumaba na din sya.

Kumain lang ako at pagkatapos ay nahiga na.

Naisipan kong tingnan ang mga social media accounts ko. Mabuti na lang at parepareho ang password ng mga accounts ko.

Pagbukas ko pa lang ng private facebook account ko e,  sangkatutak na notification ang bumungad sakin,  ganun din ang mga messages.
Madaming messages yon pero halos sa iilang kilalang tao ko lang,  yong iba ang galing sa mga malalapit na fans,  mga presidente ng fans club ko dati.

Matatagal na ang mga messages na yon mahigit isang taon na ang nakakalipas base sa date na nakalagay dito.

Binisita ko naman ang twitter at instagram account ko,  hindi na ako nagtaka ng makita kong halos kalahati ang ibinababa ng mga taong sumusunnod saakin doon,  bigla tuloy ay parang namiss kong magpost.

Ng mapagod at magsawa ako sa pagtingin ay nagpasya na akong matulog.

She fell asleep (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon