Chapter 24

322 12 0
                                    

Kinabukasan ang inaasahan ko ay babalik na kami sa manila pero kanina lang habang nagbbreakfast ay inanunsyo ni Ate Chloe na hindi pa kami pwedeng umuwi ngayon.

"Alam kong ang iba sainyo ay uwing-uwi na, pero gusto ko munang hingin ang isang araw nyo para naman makapag bonding tayo,  sayang ang lugar na ito kung hindi manlang natin maeenjoy." Si ate Chloe

ah kaya naman pala akala ko ay may kaugnayan sa trabaho kung bakit kami nag-extend. Sinulyapan ko si Drake at hindi mo malaman ang reaksyon nya. Para bang naiinis sa binalita ni Direk. Ganun ba sya ka excited na umuwi at makita ang babaeng yon.

Lahat naman ay nagustuhan ang ideya ni Manager maging ako ay natuwa din sa sinabi nya dahil talagang kakaiba ang lugar na ito. Hindi basta-basta makikita sa kung saan lang.

Kanya-kanyang palitan na ang lahat para makapag swimming ako naman ay naghanap ng pwedeng maisusuot dahil hindi ko alam kung nakapaghanda ba ako para dito.

Summer shorts lang ang isinuot ko at isang see through na damit,  kaya naman kitang-kita padin ang hubog ng katawan ko. I'm sexy and proud! I love my body.

Naglakad na ako patungo sa kanila. sa pinakamalaking cottage nila napiling tumambay. Nagulat pa ako ng makitang napakaraming pagkain doon na karamihan ay seafood.

Si ate Chloe talaga

Karamihan sa kanila ay nakapang swimming na talaga. Hinanap ng mata ko si Drake,  nasa medyo malayo sya nakaswimming trunks din ito. Napansin kong may kinakausap ito sa cellphone. Nakangiti sya habang ginagawa yon.

Hindi ko maiwasang masaktan kahit sa mga maliliit na bagay nagagwa nya para kay Thamara, gusto kong paniwalain ang sarili ko na ako padin ang mahal nya pero hindi ko rin maitatangging ang mga pinapakita nya kay Thamara ay totoong pagmamahal din.

Napansin nyang nakatingin ako sa kanya. Maya maya ay nagpaalam na ito sa kausap.

Naglakad sya palapit sakin pero nilagpasan lang ko at dumiretso ng upo sa cottage.

Nagkakasiyahan na ang lahat madilim nadin,  ako naman ay hindi pa nag-aatubiling lumapat sa tubig dahil gusto ko ay mamaya na.

Nagulat ako ng dumating sina kuya Henry na may dalang iba't-ibang uri ng alak,  kaya pala hindi ko sila napapansin dahil umalis sila.

Mas pinili naming sa buhangin maupo at gumawa ng circle.
Tumabi ako kay Drake dahil don na lang ang nakita kong maluwag.

Nag-umpisa ng umikot ang baso kaya naman sa unang tikim ko ay nanibago ako dahilan para mapangiwi ako. Pero aaminin kong namiss ko din ang lasa ng alak para tuloy gusto kong magpakalasing ngayon.

Wala akong pinalagpas ni isang shot kaya makalipas ang ilang sandali medyo nakaramdam na ako ng pagkahilo.

Napapansin ko ang bawat makahulugang tingin ni Drake sa tuwing magsshot ako.

Ang mga kaharap ko din ay lasing na kaya naman lalo ng umingay ang mga ito.

Pinagpapawisan na ako at sobrang init na ng pakiramdam ko kaya naman tumayo ako at nagpaalam sa kanila. Hindi ko alam kung naintindihan nila ako pero nakita ko naman si Ate Chloe na tumango.

Nahihilo na talaga ako at feeling ko ay masusuka na ako sobrang init pa ng pakiramdam ko.

Kaya naman nagdire-diretso ako palusong sa dagat at lumangoy ng lumangoy.

Pero maya-maya lang ay nagulat ako ng paglitaw ko galing sa ilalim ay tumambad saakin ang gwapong mukha ni Drake.

"D-drake why are you here?"

"Baka lang kasi" pag-aapuhap nya sa sasabihin. "You're drunk and I'm worried na baka may mangyari sayo" nahihiyang pahayag nya hindi ko alam kung dahil ba lasing sya kaya namumula sya o dahil nagbblush talaga sya.

She fell asleep (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon