Nang matapos nga ang contract signing ay hinayaan na ng mga nagbabantay na makalapit saamin ang mga reporter.
Nanatiling tahimik sa katabi ko si Drake hindi ko tuloy malaman kung ano ang iniisip nya sa mga oras na to.
Unang nagsalita si ate Chloe.
Good Evening sainyong lahat gusto ko lang pormal na ipakilala sa inyo ang dalawang main cast ng "Before I let you go"
"Mr. Drake Alarcon bilang Seb."
Nagpalakpakan ang karamihan at ngayon ko lang din napansin ang ilang fans na may hawak ng tarpaulin na naglalaman ng litrato nya at ni Thamara. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konting inggit.Kanya-kanyang picture ang reporter na hindi magkumayaw para mas makalapit sa pwesto namin si Drake naman ay kumaway at ngumiti lang sa kanila.
"And the most awaited and most controversial na pangalan na ngayon nyo na lang ulit maririnig, Everyone please brace yourselves as I introduce to you the Phenominal and Queen of Pelikulang Pilipino, She is now back and ready to get back her Crown. Miss Jane Ortega."
Hindi ko alam ang pakiramdam naasiwa ako sa paraan ng pagpakilala sakin ni Ate Chloe Jusko kelangan may ganun pa ba? Muli ay mas lalo akong nasilaw sa bawat flash ng camera.
Sari-saring reaksyon at bulungan ang narinig ko sa paligid."Hi Good evening" bati ko sa kanila.
Lalong nagkagulo ang mga reporters kanya-kanyang bato ng tanungan na hindi ko na maintindihan sa dami nila.
"Ms. Jane, ano bang nangyari? No offense pero lahat kami dito ay naniwalang.." Huminto sya sandali.
"Patay ka na, ano ba talagang nangyari at matapos ang nangyaring aksidente ay bigla ka na lang nawala? Please enlighten us kasi naguguluhan kami." Tanong ng isa sa pinakamalapit na reporter sa pwesto ko.Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. Nilingon ko si manager sa left side ko at isang ngiti lang ang ibinigay nya sakin.
Nilingon ko din si Drake sa right side ko. Nakatitig lang sya sakin mababakas ang maraming tanong base sa ekspresyon ng kanyang mukha. Nalilito ang mga mata nya gaya ng iba ay humihingi ng kasagutan.Humarap ulit ako sa mga reporter.
"Kagaya ng alam ng marami dito na coma ako. Pagkatapos akong operahan according to my family ay hindi na ako gumising gayong naging successful naman daw ang operasyon." Nagbuntong hininga ulit ako at bahagyang huminto.
"Halos dalawang taon akong nakaratay sa hospital bed. Ospital ang naging tirahan ko sa loob ng halos dalwang taon. Siguro ay minabuti na ng magulang ko na wag ng mag-update tungkol sa kalagayan ko para na rin sa kapakanan ko. Hindi ko naman sila sinisisi tungkol don bagkus ay nagpapasalamat ako sa kanila dahil hindi nila ako iniwan o sinukuan man lang. ang totoo nyan ay magdadalawang buwan pa lang simula ng nagising ako." Mahabang kwento ko.Tatango-tango naman ang mga reporter sa tinuran ko.
Muli ay nilingon ko si Drake nakatingin parin sya sakin, mababakas ang lungkot? Panghihinayang? o guilt hindi ko maintindihan dahil napakaraming sinasabi ng emosyon ng kanyang mga mata. Hindi nya natagalan ang titig ko maya-maya ay tumungo ito.
"Bakit naisipan mong bumalik muli sa industriya? I mean kung tutuusin ay hindi pa natin masasabing lubos ka na ngang magaling at handa na ang katawan mo para sumabak sa trabaho.?" Reporter.
"Sa totoo lang ay naisip ko na din yan, pero hindi ata ako matatahimik kung isusuko ko ng basta-basta ang pag-arte, naging malaking parte na ng buhay ko ang pag-aartista. At isa pa may mga bagay at tao din akong gustong balikan" nakatingin ako kay Drake habang sinasabi ko ang huling linya na iyon, para naman syang nagulat sa sinabi ko.
"Maaari ba naming malaman kung sino ang mga taong tinutukoy mo?" Intregerang tanong ng babaeng reporter.
"Syempre yong mga kaibigang naiwan ko sa loob at sa labas man ng showbiz, lalong lalo na si ate Chloe na talaga namang simula umpisa ay nandyan para sakin. Nagpapasalamat ako sa sobra-sobrang pagtitiwalang ibinigay nya sakin sa project na to" tango lang ang naging tugon ni ate Chloe sa sinabi kong iyon.
"Another question Ms. Jane, ngayong bumalik ka na nga at makakatrabaho mo pa si Mr. Alarcon na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may naging nakaraan kayo noon, anong nararamdaman mo?"
Ibinaling ko kay Drake ang paningin ko bago sumagot
"Actually, masaya ako kasi sya agad ang makakatrabaho ko, alam nyo na SOBRANG MISS ko na na makatrabaho si D-Drake."
"At sa tingin ko naman ay magiging maayos ang pagttrabaho namin dahil gamay na namin ang isa't-isa on and off cam." Dagdag ko pa."How about you Drake anong nararamdaman mo ngayong pagkatapos ng halos dalawang taon ay muli mong makakatrabaho ang dati mong partner on and off cam?" Reporter
Kung kanina ay kinakabahan na ako sa bawat tanong na ibinabato sakin ngayon ay parang mas dumoble ang kabang nararamdaman ko ng si Drake na ang tanungin nila.
Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya gusto kong marinig lahat ng sasabihin nya. Gusto kong malaman kung ano nga ba ang nararamdaman nya.
"Hmm" he cleared his throat before he proceed. "I'm glad that she's well and I'm looking forward to be working with her".
Nag-antay pa ako ng mga sasabihin nya ngunit hindi na nya dinugtungan ito, dahilan para malaglag ang balikat ko. Parang may kumirot sa puso ko dahil hindi iyon ang inaasahan kong sasabihin nya, ni hindi nya ako nagawang tingnan ng sabihin nya yon.
Tss what do you expect? Na sasabihin nyang namiss ka nya??
Sana, yon sana ang gusto kong marinig mula sa kanya na namiss nya ako at kung kumusta na ba ako pero bigo akong marinig ni isa man don.
" last question ms. Jane don ba sa sinabi mong taong gusto mong balikan kasama ba don si Drake? Ngayong ikakasal na sya sa iba may balak ka pa bang bawiin sya?"
I was caught off guard sa tanong na yon saglit ay natigilan ako at parang hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"You don't have to answer all their queations if you're not comfortable" si ate Chloe
Alam kong pwede kong tanggihang sagutin ang tanong na iyon pero namalayan ko ang sarili kong kinuha ang mic at...
"Madali lang naman sana syang bawiin e, yon ay kung magpapabawi pa sya sakin" maikling sagot ko habang hindi ko nilulubayan ng tingin ang mga mata nya.
Kita ko ang pag-awang ng bibig nya na parang hindi nya inaasahang sasabihin ko yon.
tss stupid sabihin mo lang at babawiin talaga kita dahil una pa lang ay yon naman talaga ang plano ko ang mapasakin kang muli.
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomanceSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...