Dalawang linggo makalipas naming matapos ang mag sshooting ay mas naging abala pa kami, ang buong cast sa mga mall show at tv guestings.
Nagkikita kami ni Drake pero mas lalo lang syang naging distant sakin, nagiging maayos lang sya saakin kapag may camera o may mga taong nakakakita. Pero kapag kami-kami na lang ay para na naman akong hangin sa paningin nya. Kung umiiwas na sya sakin noon ay mas dumoble yon ngayon.
Nakaschedule kami ngayon para sa isang live guesting sa isang sikat na national tv show hosted by one of the best host in the Philippine television, Mr. Boy Abunda.
!!RING!!
I picked up my phone, It was Meg.
"Hello"
"Are you ready?" She asked.
"Ahm yes! Sasabay ka ba sakin or you'll go alone?"
"Hay naku mahahaggard lang ako kung sasabay ako sayo, You know naman how agressive your fans diba" maarte at conyo nyang sabi. "Sasabay na lang ako kina tita" she's referring to my mom.
Lahat kasi ng tv guestings ko ay hindi pinapalagpas ng family ko then and now. Maliban na lang kung sobrang busy ng parents ko.
Nang matapos ako sa pag-aayos ay sumulong na ako papunta sa studio para sa live interview hindi ko na inantay pa sina mommy dahil kailangan pa naming mag-ayos sa studio.
Pagdating ko sa studio ay nakaset na ang lahat may ilang piling audience din na fans namin ni Drake, kumaway lang ako sa kanila.
20 minutes bago kami sumalang ay hindi ko pa namamataan si Drake. Pero ilang saglit lang naman ay dumating na ito kasama si Thamara, inaasahan ko ng sasama sya pero sa tuwing nakikita ko sya ay nagugulat parin ako.
Mabilis syang lumapit at nakipagbeso kay tito boy, pagkatapos ay naglakad sya sa direksyon ko at nagbeso din, pero bahagya akong natigilan ng may binulong sya sakin. "I'm watching you" tapos ay pumunta na sya sa audience at umupo.
Dumating ang parents ko at bumati lang sila kay tito boy, samantalang hindi manlang nila pinag-abalahang tingnan si Drake.
Sumenyas si tito boy na mag-uumpisa na daw, hawak ang kanya-kanyang mic ay standby na kami at naghihintay na tawagin.
"Good evening Philippines" paumpisang bati ni tito boy. "Kumusta po kayong lahat? Thanks for coming to the show! Ngayong gabi po ay makakasama natin ang dalawa sa most talked and most followed noon at ngayon"
Nagsigawan ang mga audience, bahagya naman akong kinabahan dahil nga live ang interview na ito at wala akong ideya kung anong mga isasagoy ko sa tanong ni tito boy.
"Let's all welcome Jane Ortega and Drake Alarcon"
Nagpalakpakan at nagsigawan ang audience.Pumasok na kami at bumati sa audience, nagbeso ulit kami kay tito boy.
"Good evening how are you tonight?”
ako ang sumagot sa tanong ni tito boy "I'm good, thank you for having us here!" nakangiting pahayag ko.
"It's been a while, simula ng mainterview ko kayong dalawa, bata pa kayo noon haha"
Sasagot na sana ako pero si Drake ang sumagot.
"Ahm yes, we were 18 or 19 I guess?
natuwa naman ako dahil naalala nya pa yon." So tell us about your upcoming movie, what was the movie all about?”
"This movie is about trust and how you handle the struggles that you are going to face in a relationship"
"Kasi tito boy this movie is about Betrayal din po. Ako po dito si Tanya na naloko while I'm away to study."
"So anong natutunan mo sa karakter mo bilang Tanya?" Tito boy.
"Natutunan ko tito boy na mahirap pala talagang mag decide between doing what is right and wrong, lalo na po kung yong maling yon e magiging masaya ka."
"I agree with you, how about you Drake sino ka dito sa movie na to?
"I'm portraying Seb's character here sa movie tito boy, na nanloko kay Tanya dahil nga nasa malayo sya pero sa huli ay marerealize ko na sya padin pala yong gusto kong makasama"
"What's the movie Title again?
"Before I let you go"
"Kung tatanungin ba kita ngayon Jane sa mga nangyari sa buhay mo from before, kaya mo na bang mag let go, o nakapag let go ka na ba?"
Nagulat ako sa biglaang tanong ni tito boy.
"Tito boy to be honest with you, hindi madali para sakin ang basta basta mag let go, especially the things and the people that I treasure the most. It'll be a long process for sure!"
"Oh thanks for being honest Jane I like your answer dahil totoong hindi madaling i-let go ang mga bagay na pinapahalagahan natin." komento ni tito boy.
"Kayong dalawa, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may nakaraan kayo, , but how was it? How was it working with each other?"
Nagkatinginan kami ni Drake, ako na ang unang sumagot..
"It wasn't easy" diretsang sagot ko. "Nandon yong konting ilangan sa isa't-isa, but we were professional so we still did our part and I think we did well" I answered.
"How about you Drake?
" Hmm, awkward at first but we were able to do good sa movie" simpleng sagot nya.
Nagtuloy-tuloy lang ang interview at naging maayos naman ang daloy ng show hanggang sa matapos ito.
Nagsabay-sabay na kaming umuwi dahil nag-ayang mag dinner si Daddy bilang celebration daw, kasama namin si Meg.
"I already made a reservation sa isang exclusive restaurant, so you don't have to worry Jane wala naman sigurong fans na iistorbo saatin don." Si mommy
Nang makarating kami sa lugar ay iilan lang ang kumakain doon kaya naman naging palagay ang loob ko at sa tingin ko naman ay mahigpit ang security ng lugar.
Nag-order na kaming lahat at habang naghihintay ay panay ang daldal ni Meg at Claudia.
Tss magkasundong-magkasundo talaga sila.
"Ate ang ganda mo kanina siguradong nakakaramdam na ng pagsisisi si kuya Drake at ipinagpalit ka nya.
"Claudia!" Saway sa kanya ni mommy.
Samantalang sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Why?" Inosenteng tanong nya. "I'm just telling the truth naman e, right ate Meg? Sister is so gorgeous kaya."
"Y-Yes Claudia, that's for sure!"
Napairap na lang ako sa dalawa na nagkampihan pa.
Maya maya ay dumating na ang foods at nag-umpisa na kaming kumain.
"Jane when will be your premiere night again?" asked mom
"Tomorrow mom"
"Good Because the dress that I especially made just for you, is now ready to wear."
"Thank you mom"
"Congratulations Jane, I'm sure people will love it."
"We're hoping mom"
"I'd like you to do a favor for me hija, can you help me run my new open botique?"
"I'll see about that mom, siguro hanggat wala pa akong ginagawang project at hindi busy."
Nagtuloy tuloy ang kwentuhan namin hanggang sa matapos kaming kumain at pagkatapos non ay umuwi na.
![](https://img.wattpad.com/cover/145541373-288-k686503.jpg)
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomanceSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...