Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko sina mommy doon, nandon din si Daddy dahil linggo ngayon.
Lumapit ako sa kanilang pareho at niyakap sila.
"I'm sorry po, I'm sorry ! Sorry kung sinuway ko kayo. Patawarin nyo po ako." Iyak ko habang nakayakap ako sa kanila.
"It's okay baby, we're sorry too, dahil naging harsh kami sayo gusto lang naming marealize mo ang mga mali mo." Si mom habang hawak ang kamay ko.
"Ang importante naman don ay narealize mo yong mga mali mo anak, basta lagi mong tatandaan na nandito lang kaming pamilya mo. Hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa mga taong hindi kayang makita ang halaga mo."
Natouch ako sa sinabi ni Daddy dahil aaminin kong tama sya. At naguguilty ako na kay Drake ko binuhos ang lahat simula ng magising ako ni hindi ko nagawang mas bigyan ng atensyon yong mga taong hindi sumuko saakin."I'm sorry po. Alam ko pong marami akong pagkukulang sainyo bilang anak nyo."
"Pssh hindi pa huli ang lahat anak marami pa tayong oras para bumawi, ang importante ay nalaman mo na ang mga mali mo ng mas maaga."
Pagkatapos ng usapan namin ay tinext ko si Meg at nagsorry dahil sa naging behavior ko sa kanya nong nakaraan.
Tinext ko din si Zander upang magpasalamat dahil dinala nya ako sa ospital.
Ngayon ay masakit man siguro nga kailangan ko ng tanggapin na hindi na magiging kami pa ni Drake, siguro nga ay hanggang don na lang kami. Oo mahal na mahal ko padin sya pero sya na ang kusang nagtutulak sakin palayo.
Masakit man na sa ganito kami magtatapos ang mahalaga ay may isang alaala syang iniwan sakin na habang buhay kong ipagpapasalamat.
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomantikSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...