Eksaktong alas kwatro ng hapon ay nagapag-ayos na ako may pinapunta ding make up artist si ate Chloe para mag-asikaso saakin.
Isang white fitted dress na below the knee ang suot ko off shoulder ito kaya lalong na depina ang balikat at leeg ko, gawa pa ito ng isa sa mga designer sa boutique ni mommy.
Dala ang purse na naglalaman ng cellphone at pera ay bumaba na ako sa hagdan, naabutan ko doon ang isang lalaki na sa tingin ko ay syang driver na pinadala ni ate Chloe to pick me up.
"Naku Jin, napakaganda mo naman. Tiyak na matutuwa ang mommy at daddy habang pinapanuod ka nila mula sa america." Si manang
"Thank you manang, dapat panuorin nyo rin ako ha" biro ko sa kanya at sa iba pa naming kasambahay.
"Naku hindi mo na kailangang sabihin anak, alam mo namang noon pa man ay idolo na kita"
"Salamat manang"
"Ate Goodluck ha, alam kong kaya mo yan, nandito lang kami nina manang at sina mommy wala man sila dito alam kong suportado ka nila." Si claudia
"Salamat sainyo, mauuna na kami at baka magkaiyakan pa tayo dito" biro ko pa ulit .
Lumabas na kami ng bahay at matapos akong pagbuksan ng pinto ni kuyang driver ay sumakay na ako.
Kinakabahan ako sa mga mangyayari mamaya kung ano ang magiging reaksyon ng mga tao pag nakita na ulit nila ako.Quarter to five ng makarating kami sa mismong building ng BBN pinagbuksan ulit ako ng pinto ni manong at ng lumabas ako ay si ate Chloe agad ang sumalubong sakin.
"Am I late ? " kinakabahang tanong ko sa kanya
"No you're just on time, kakapasok lang din nina Drake at ng iba pang taga SRS at boss ng BBN, Let's go?"
Paanyaya nya at inalalayan ako papasok. Mabuti na lang at nasa ground floor ng building ang pinakamalaking studio dito na madalas pagdausan ng mga presscon at iba pang events.Nang tuluyan na kaming makapasok ay isang mahabang red carpet ang sumalubong samin. Maliwag na ang buong paligid. Ngunit hindi kami gaanonh napansin dahil tutok ang atensyon ng halos lahat ng tao harap ng mini stage kung saan kami uupo mamaya.
Ilang saglit pa ay may mga nakapansin na din ng aming presensya kaya naman saamin natuon ang bawat flash ng camera, nakakasilaw, nakakapanibago ang ganito pero kakaibang saya ang dulot nito sakin.
Ng sa wakas ay makarating na kami sa uupuan namin.
Nandoon sya nakaupo, habang nilalaro-laro ang cellphone na nasa kamay nito. Hindi nya siguro napansin na nandito na kami nakaupo lang sya don na para bang bore na bore at gusto na agad makaalis sa upuan na yon. Nakipagkamay si manager sa lahat ng tao doon at ipinakilala nya ako sa lahat. Lahat haloa sila ay nagulat ng sabihin ni ate Chloe ang pangalan ko.
"Everyone this is Jane Ortega, one of the main cast makakapareho ni Mr. Alarcon" mahina lang yon sapat lang para marinig ng grupo dahil wala naman syang mikropono.
Mahina lang din yon pero sapat na para maagaw ang pansin nya at mapalingon sya sa gawi namin, sa gawi ko.
Naging parang slow'mo ang lahat ang dahan-dahan nyang paglingon, ang paglaki ng mga mata at ang kusang pagbuka ng mga labi nya.
Nasaksihan ko ang sari-saring reaksyon at emosyon na pinamalas nya pero lamang doon ang pagkagulat. Para akong nananaginip habang nakatingin ako sa kanya, ang gwapo nya lalo na ngayon isang black suit ang suot nya na bagay na bagay sa kanya ang may kakapalan na nyang buhok ay bumagay din sa kanya, messy pero malinis tignan.Nangilid ang mga luha ko pero agad ko pinigilan yon, nagpakawala ako ng buntong hininga at ng makakuha ng sapat na lahat ng loob ay sinubukan kong magsalita.
"H-hi, it's b-been a w-while" sinubukan kong maging normal pero nanginig padin ang boses ko, inilahad ko ang palad ko sa kanya.
Pero nananatili syang nakanganga at makailang beses pang pumikit at umiling ng matauhan marahil ay tumayo ito. Nakatitig sya sakin pero ibinaba ko ang paningin ko sa kamay kong kanina pa nakahain sa ere.
Napatingin din sya don at dahan-dahan ulit na na itinaas ang kamay nya, nakita ko kung paano nanginig iyon. Kaya naman ako na ang nagkusang abutin ang kamay nya.
Pinisil ko iyon magkahalong init at lamig ang naramdaman ko ng mahawakan ko iyon. Parang unti-unting nanghina ang tuhog ko ng maramdaman ko ulit ang balat nya sa balat ko. Parang gusto ng bumagsak ng mga luha sa mata ko.
At maya-maya pa ay hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na ginawa ko kinabig ko sya at niyakap, oo niyakap ko sya, isang mahigpit na yakap. Yakap ng pangungulila, yakap ng pananabik, yakap ng panghihinayang.
Dama ko kung paano nagreact ang katawan nya sa ginawa kong iyon. Nanigas sya, ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso nya pumikit ako at ninamnam ito habang idinadalangin na sana, sana para sakin parin ang
bawat pagtibok nito.Ng pakawalan ko sya at tulala parin syang nakatitig sakin. Humarap ako sa mga taong nandon na karamihan ay mic at camera ang hawak. Don ko lang napansin na nasaamin na pa ang atensyon ng lahat. Ngunit Wala akong pakialam hindi ako natatakot, pasalamat pa nga sya at yakap lang ang ginawa ko.
Umupo ako sa upuan na katabi nya na parang walang nangyari.Matapos ng konting usapan tungkol sa project ay isa-isa naman nilang inilatag sa harap namin ang tungkol sa contract.
Matapos pumirma ni ate Chloe ay pumirma na din ako.
Bumaling ang tingin ko sa katabi kong kanina pa tahimik na nakatingin sakin. Agad naman syang nag-iwas ng tingin at bumaling sa mga papel na nasa harapan nya.
Saglit pa itong nag-isip at sandali pa ay nag-umpisa ng pumirma.
Hindi ako mapakali lalo na at alam kong nasa tabi ko lang ang lalaking mahal ko. Nagagawa kong ngumiti sa harap ng camera pero sa loob loob ko ay para na akong maloloka sa pag-iisip kong papano ako mag bebehave sa harap ni Drake.
Mula pa kanina ni isang beses ay hindi ko pa narinig na nagsalita ito.
Siguro kagaya ko ay nakikiramdam din sya sa paligid. Mabuti na lang din at malayo-layo ng konti ang pwesto ng press sa amin dahil hindi pa naman oras ng presscon. kailangan munang matapos ang contract signing bago yon.
Maingay ang paligid pero pakiramdam ko ay mas nabibingi ako sa katahimikan naming dalawa. Samu't-saring reaksyon ang maririnig mo sa paligid ang iba ay hindi makapaniwala, iba ay nagtataka, ang iba naman ay nagtatanong ngunit dahil nga hindi pa ito oras ng presscon at maraming nagbblock na guard sa mga reporters ay wala silang magawa.
Ng matapos na nga ay lalo pang sinalakay ng kaba ang dibdib ko dahil sa mga posibleng maging tanong ng mga reporters saakin paano kung hindi pa pala akong handang sagutin ang mga tanong nila. Paano kung itanong nila ang mga bagay na kinatatakutan kong sagutin.
Nakahanda na nga ba ako?
Nakahanda na ba akong magpakatotoo sa harap ng maraming tao at sarili ko?Meet "Drake Alarcon" sa taas
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomantizmSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...