Chapter 20

328 12 0
                                        

Lulan na ako ng sasakyan.
Hindi parin humihinto sa pagpatak ang mga luha ko.
Akala ko ay okay lang,  akala ko ay alam ko na, hindi. Dapat alam ko na pero iba padin pala kapag sa kanya manggagaling hindi ko parin pala kayang marinig galing sa kanya.

Nang huminto na ang sasakyan ay nagpasalamat lang ako kay manong at mabilis na akong bumaba sa sasakyan.

Pagpasok ko sa bahay ay naabutan ko silang lahat doon. Maaga pa kaya lahat sila ay gising pa.

Tiningnan ko lang sila at naglakad na paakyat ng kwarto ko. Wala namang nagtangkang nagtanong o pumigil sakin.

Pagkapasok ko sa kwarto nilock ko ito at pabagsak akong dumapa sa kama.
Pinagpatuloy ko ang pag-iyak ko.

Bakit sobrang sakit,  yong sakit na parang hindi ko na maramdaman,  ngayon ay napapaisip tuloy ako kung kakayanin ko nga bang kontrolin ang sarili ko kung araw-araw ko syang makikita at makakasama.

------------------------------------------------------
KINABUKASAN

Matinding sikat ng araw ang gumising sakin. Nahirapan pa akong idilat ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay napakabigat nito dahil siguro sa matinding pag-iyak ko kagabi.

Ngayon ko lang din napansin na hindi na pala ako nakapagpalit ng damit kagabi kahit ang sapatos ay suot ko padin.

Sa bathroom agad ako dumiretso ngunit napahawak ako sa pader ng makaramdam ako ng pagkahilo. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit,  nasobrahan nga siguro ako sa kaiiyak kagabi,  ni hindi ko na nga namalayan kung kelan ako nakatulog basta iyak lang ako ng iyak kagabi.

Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili ko ay tumawag na lang ako sa baba para magpadala ng pagkain. Ayoko munang lumabas ng kwarto dahil tiyak na magtatanong lang sila lalo na si manang.

I checked my phone may dalawang mensahe doon galing kay ate Chloe at ang isa ay kay meg.

"Get home safe." Katabi nya pa yon text hindi ko lang napansin dahil hindi na din ako nag-abalang tingnan ang cellphone ko. Ang  kay Meg naman ay nangangamusta lang.

Nang wala akong magawa ay binasa ko na lang ang script na ibinigay ni manager kagabi para mas maunawaan ko ang flow ng story.

Nang nasa kalaghatian na ako sa pagbabasa ay nagulat ako dahil may likidong tumutulo galing sa mata ko,  umiiyak ako. Hindi dahil kay Drake kundi dahil sa kwento.

Sa kwento nina Seb at Tanya.
Si tanya na kailangan ng palayain si Seb dahil nakabuntis ito ng ibang babae habang nasa malayo sya at nag-aaral. Mahal nila ang isa't-isa pero kailangan nilang mamili sa kung ano ang tama,  sa kung ano ang dapat.

Naiiyak ako dahil parang naikukumpara ko ang sarili ko sa role ko ang kaibahan lang ay hindi kami magkapareho dahil hindi ko kailanman palalayain si Drake,  ipaglalaban ko sya at babawiin ko sya kahit anong mangyari. Dahil sigurado naman ako na hindi ganun kadaling mawawala ang lahat ng pagmamahal nya sakin.

Kahit pa sa kokonting pag-asa ay kapapit ako,  aasa ako kung yon ang magiging umpisa ko para mahalin nya ulit ako kagaya ng pagmamahal nya sakin dati.

She fell asleep (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon