It's been a week Simula ng malaman ko ang lahat . nakauwi narin ako sa bahay namin. It felt strange.
hinayaan narin ako ng mga magulang Kong gumamit ng cellphone at internet.Nalaman ko na din lahat kay Claudia, nong mga unang buwan daw Hindi tumigil sa pagbisita sakin si Drake kahit na malayo, kahit may trabaho sya dumating pa nga daw sa puntong halos mag quit na ito sa showbiz.
Pero ilang buwan pa daw ang lumipas ay bigla na lang daw itong nagpaalam sa kanilang iyon na ang magiging huli nitong pagbisita.Aayusin na daw nya ang buhay nya at magfofocus sa kanyang karera.
At yon na nga ang huling beses na dumalaw Ito sa ospital.In short sumuko si Drake sinukuan nya ako , Hindi sya naniwalang kakayanin kong lumaban hindi ko akalaing ganon kababaw ang pagmamahal nya sa akin paano nya nagawang sumuko habang ako lumalaban para sa amin, para sa kanya.
Masakit! Sobrang sakit Hindi ko alam kung para saan pa at nagising ako kung ganito din pala ang aabutan ko. Muli ay naglandas ang ilang butil ng luha sa pisngi ko, Ganito ako, ganito na lang palagi sa tuwing naiisip ko si Drake.
Mabilis ko itong pinunasan ng marinig ko si mommy na tumatawag sa labas ng kwarto ko.
"Jane, Baba ka na muna nakahanda na yong dinner"
I cleared my throat before answering mom' "sige po mommy susunod na ako."
nang makababa ako ay kumpleto na sila doon at ako na lang ang hinihintay.
"Let's eat" si mommy.
Tahimik lang kami hanggang sa matapos na, at gaya ng lagi kong ginagawa magpapaalam ako para magpahinga. Tapos sila naman ay mag o-okay lang din.
Ganun sila tahimik lang Hindi nila ako tinatanong tungkol Kay Drake o sa kahit na ano mang bagay na makaka-stress sakin . and I'm thankful dahil nauunawaan nilang kailangan ko muna ng oras para muling mapag-usapan and sensitibong bagay na iyon.
Naglinis ako ng katawan, nagsuot ng maluwang na damit at pajama gaya ng nakagawian ko noon pa man, pagkatapos ay nahiga na.
Makalipas ang isang oras ay nananatiling nakabukas ang aking mga Mata, ilang balikwas pa ang ginawa ko pero di parin ako makatulog.
Hanggang sa ito na naman natukso na naman akong magbukas ng cellphone at saan pa nga ba kundi doon sa madali ko syang mahahanap at masusubaybayan " YouTube" .
Isang bagong video ang bumungad sakin 3 hours ago pa lang mula ng iupload ito. Two minutes lang ang duration ng video na yon.
Pumikit muna ako bago buksan Ito. Pictures lang pala, pictures nilang dalwa na ginawang video. They're wearing a fancy Clothing, nakahawak si Thamara sa braso ni Drake.
"USA tour" yan ang short text na nakasulat sa ibaba ng pictures nila at ang ilan ngang picture ay nasa airport na sila. Ilang comment ang binasa ko. Pero halos pare-pareho lang ang sinasabi doon . masaya sila para sa dalwa at Sana daw ay sila na talaga.
Parang ako lang . parang kami lang dati, people were crazy over "US" pero sa madaling panahon lang na nawala ako ay ang laki na ng ipinagbago. Para akong isang larawan na nabasa ng ulan tapos ay nabura na, Hindi na makilala, Hindi na maalala.
Hindi ko alam kung ano ang tamang maramdaman ko, ngayong muli kaming magkakalapit ni Drake. Para na akong mababaliw. Hindi ko namalayang umiiyak na naman pala ako. Ito na naman ang mga luha ko ilang ulit kong sinabing huli na lang, na tama na pero sa tuwing makakapanuod ako ng ganitong bagay tungkol kay Drake ay Hindi ko talaga mapigilan ang pagsabog ng emosyon ko.
Dalawang araw na nga lang ay magaganap na ang mini concert nila dito sa bansa.
There's a part of me na gustong pumunta, pero kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Kakayanin ko bang makita sila ?God knows how much I love Drake at hindi ko ata kakayaning makita sya kasama ang babaeng iyon, just the thought of seeing them together is killing me. What more kung totoong buhay na.
yan ang nasa isip ko hanggang sa tuluyan na akong dalawin ng antok.
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomantikSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...