Today's the second day of our taping.
Mas inagahan ko ngayon ang pagdating sa set dahil ayoko namang magpaka VIP kahit pa sabihing si manager Chloe lang naman yon at sanay na sakin yon ay nakakahiya parin sa ibang artista.Wala pa si Drake ng dumating ako kahit si Direk ay on the way pa lang.
Pero ang ibang supporting ay nandito na hindi nga lang ako pamilyar sa kanila karamihan kasi ay bago lang.
Nakikipagkwentuhan naman sila sakin pero ramdam ko yong hiya nila sa tuwing kinakausap ko sila.
Para tuloy gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil nagpasindak ako sa masamang tingin ni Drake kahapon ngayon tuloy ay nabobore ako dito.
Mabuti na lang at ilang minuto lang ay dumating na si Manager, nalilito talaga ako mas sanay akong manager ang tawag sa kanya hindi ako sanay sa Direk.
"Sorry Jane medyo nalate ako, kanina pa kayo?" tanong nya din sa iba napakahumble talaga ni ate Chloe.
"Ayos lang ate Chloe, napaaga lang talaga kami, diba?" Baling ko sa ibang artista na sumang-ayon naman sa sinabi ko.
Nakaramdam ako ng pagkainis ng halos 30 mins na simula ng dumating si manager ay wala parin si Drake, ngayon alam ko na ang pakiramdam nya
Maya-maya ang isang puting sasakyan ang pumarada. Lumabas sa Driver seat si Thamara tapos ay si Drake.
Mas lalo akong nakaramdam ng inis ng lumipas pa ang ilang minuto ay nakatayo lang sila doon nag-uusap at nag ngingitian. Hah hindi ba nila alam na may nadedelay dahil sa kalandian nila.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naglakad na ako patungo sa kanila.
"Excuse me!" agaw ko sa atensyon nila.
"I'm sorry to interrupt you lovely couples" diniinan ko ang pagkakasabi ng bawat salita, "would you mind kung mamaya nyo na ituloy yan, as you can see may trabaho pa TAYO!" pasaring ko kay Drake.
Mabuti naman at hindi na pumalag pa ang isa sa kanila at agad na ding umalis si Thamara. Crossed arm akong nakatingin kay Drake habang nakataas ang kilay, hindi naman sya makatingin ng diretso.
Tss guilty!
"Wala ka bang kotse?" Mataray na tanong ko sa kanya.
"W-what?" Sagot nya.
"Ang sabi ko wala ka bang kotse bakit kailangang magpahatid ka pa?"
"S-she insisted." Nauutal na sagot nya.
Natatawa ako sa reaksyon nya dahil ganyang-ganyan sya noon kapag may mga babae akong pinagseselosan."T-teka nga bakit ba ako nagpapaliwag sayo?"
"tss next time use your car ayokong nakikitang hinahatid ka nya" pagkatapos ay nauna na akong naglakad patungo sa karamihan.
Habang sya ay parang gulat na gulat na naman.
Nagstart na kami sa pagttaping.
Nasa eksena kami ngayon kung saan aalis na si Tanya at mag-aaral sa maynila habang maiiwan naman si Seb sa lugar nila.
"Roll sound, Roll camera" direk
"Camera rolling" camera man
"Okay ready, Action" direk.
Tanya while crying. "Seb mag-iingat ka palagi dito ha? Saglit lang naman ang apat na taon. Basta lagi kang tatawag sakin ha, mamimiss kita"
"Oo naman hindi mo na kailangang sabihin dahil lagi talaga kitang tatawagan, ito kaya ang unang beses na magkakahiwalay tayo" si Seb.
"Cut!!"sigaw ni ate Chloe. "Anu bayan Drake hindi ka nakikipagkwentuhan sa kung kanino lang. Nagpapaalam ka Girlfriend mo, wala na bang mas lalamig dyan?" Sarkatik na dagdag nya.
"Ulitin natin!" Direk.
Inulit namin ang eksenang yon nakaramdam ako ng inis kay Drake dahil kailangan ko na namang pumiga ng luha galing sa mga ko, ano bang nangyayari sa kanya it's not like mahirap yong eksena.
Pagkatapos naman non ay nagdire-diretso na ang pagdaloy na maayos ng taping halos malapit na kaming mangalhati sa kwento.
Alas otso na ng gabi ng mag pack up kami.
Nakaramdam ako ng matinding at sakin ng katawan. Kumuha ako ng isang mineral water sa cooler at inubos ang laman non.
Nag-aya si ate Chloe na kumain sa labas kasama ang buong team dahil daw naging maayos naman ang trabaho ng lahat.
Sa isang restaurant lang hindi kalayuan dito ang napagkasunduan ng grupo. Nag-ayos na ang lahat dahil doon na lang sa mismong restaurant magkikita-kita.
Napalingon naman ako ng biglang magsalita si kuya Henry isa sa mga kasamahan naming artista tatay ni Seb sa pelikula.
"Oh Drake, uuwi kana? Hindi ka sasama samin?" Nabaling ang atensyon ng lahat kay Drake na kung hindi napansin ni kuya Henry ay nakasibat na sana.
"Hindi na siguro kuya Henry, Mara will fetch me, galing din yon ng photoshoot so kailangan na siguro namin magpahinga pareho"
"Sinong pagod?" Nabaling naman ang atensyon ng lahat sa bagong dating na si Thamara, bakit na lagi na lang syang sumusulpot.
"Hon, I'm okay. Okay lang naman na sumama ka sa kanila but I have to come with you, mahirap na.” pasaring nya sakin.
" Oh yon naman pala e, sige kita kits na lang don" si kuya Henry.
Pagtapos non ay nagkanya-kanya na nga kami ng alis.
----
Halos magkakasunod lang kaming dumating doon. Maliban kay ate Chloe na kanina pa nauna para mag-order ng pagkain.Nasa isang mahabang lamesa kami, sinikap kong hindi umupo malapit kina Drake, ngunit sadya yatang nanadya ang bruhang si Mara dahil sa harapan ko pa piniling hilahin si Drake.
Pinilit ko silang wag pansinin at kumain na lang paminsan-minsan ay nakikitawa ako sa biruan nina kuya Henry pero hindi ako nagsasalita.
Ang dalawa naman sa harap ko ay parang may sariling mundo wagas kung maglandian, Psh hindi na nahiya.
"Mabuti na lang hindi nakakamamatay ang tingin, kung nagkataon ay anu mang oras baka tumimbuwang ang isa sa kanila, murderer ka na non pagnagkataon"
para naman akong natauhan sa sinabing yon ni ate Chloe napansin nya pala ang mga masasamang tingin na ibinibigay ko sa dalawa.Inalis ko ang tingin ko sa kanila at ibinalik na lang ulit ang atensyon ko sa pagkain.
---------
Pagkatapos naming mag dinner ay nagpaalam na ang lahat.
"Job well done, everybody, pano mag-ingat kayo sa pag-uwi!" Si manager.
Nagpaalam na ako sa kanila at sumakay na sa sasakyan hindi na ako nag-abalang tingnan pa yong dalawa dahil baka kung ano lang ang makita ko.
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomanceSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...