5 days had passed. Kasalukuyan akong naghahanda dahil ngayon na uumpisahan ang taping ng gagawin naming palabas kinakabahan ako pero okay lang I can do this.
Sa metro manila lang din ang unang lugar kung san kami magsshoot kaya naman hindi ganun kahassle.
Kasama ko ngayon si Ate Sha sya ang personal assistant na ini-hire ni manager para tulungan ako.
Ng matapos na namin ilagay sa sasakyan ang kakailanganin ko ay sumakay na kaming pareho.
7am pa lang at 9am mag-uumpisa ang taping malapit lang naman yon dito kaya hindi naman siguro ako malelate.
Pero maya-maya lang ay parang gustong bawiin ang sinabi ko dahil kanina pa nakahinto ang sasakyan namin hindi parin umuusad ang traffic.
Quarter to nine na at naipalagay ko na lang ang sarili ko na malelate ako sa unang araw pa lang ng taping. Ang malas naman kasi ng traffic ang aga ko na ngang umalis ng bahay ay ganito pa. Tinawagan ko na lang si Ate Chloe at sinabing malelate ako mabuti na lang at hindi sya nagalit.
9:30 na ng makarating kami sa set kung san kami mag ttaping.
Nandon na ang lahat maliban sakin agad akong lumapit kay manager upang humingi ng paumanhin dito.
Hindi naman sya nagalit, nagretouch lang kami at sasalang na.
Sa isang upuan sa set ay nakaupo si Drake nakakunot ang noo habang diretsong nakatingin sakin na para bang sinasabi nya sa pamamagitan ng pagtingin nya na naiirita sya dahil nalate ako.
Matapos ngang makapagretouch ay sumalang na kami sa unang mga eksena, hindi naman nagkaroon ng problema dahil magaan pa naman ang bawat eksena sa paumpisa ng kwento. Karamihan ay isang take lang ay okay na.
"Break muna" anunsyo ni Direk.
Nakahanda na ang mga pagkain sa tent para sa lunch naming lahat kasama ang ibang mga cast at mga staff. Kumuha ako ng pagkain at nag-umpisang kumain. Nagpalinga-linga ako ngunit hindi ko makita ang taong hinahanap ng paningin ko. Kumuha ako ng isa pang pagkain at binitbit iyon patungo sa tent kung saan sya nagsstay. Malayo pa ako ay naririnig ko na ang tawa ni Drake ng tuluyan akong makalapit ay saka ko pa lang napagtanto na may bisita pala sya.
Parang gusto kong matunaw sa sa kinatatayuan ko sa naabutan kong eksena. Wala naman silang kakaibang ginagawa ngunit kakaibang kirot ang naramdaman ko ng makita ko kung paano sila magtawanan.
Gaano ba kasaya ang pinag-uusapan nila para tumawa sila ng ganyan?
Thamara? Kelan pa sya dumating bakit hindi ko manlang napansin?Tatalikod na sana ako ng magtama ang mata namin ni Thamara.
"shit" napamura ako sa isip ko bakit naman kailangan nya pa akong makita tss.
"Wait, Jane? Oh my gosh it's really you, I can't believe this" shocked na sabi nya at nagulat pa ako ng biglang saglitan nya akong yakapin.
Then believe it now, Thamara beacause i'm here to take what's mine!
Bumaba ang tingin nya sa bagay na hawak ko. "Ano yang dala mo? Is that for Drake?" Natigilan naman ako sa tanong nya at napapahiyang tumango.
"I-I was thinking kasi na baka hindi pa sya kumakain, hindi ko kasi sya napansin doon kanina"
Nakita ko ang pagtaas ng kilay nya saglit syang tumingin kay Drake bago nagsalita. "Oh how sweet of you, alam mo kasi Jane" she paused.Stupid ofcourse I don't know tss.
"Tuwing nasa taping si HON" she emphasized the word hon. "Ako talaga yong nagluluto para sa kanya maliban na lang kung sobrang busy ako at may taping din. Hindi mo kasi naitatanong ay favorite ni Hon ang lahat ng niluluto ko para sa kanya." Wika nito sa nagmamalaking tono.
"I-I see kung ganun ay ibabalik ko na lang ito doon" tatalikod na sana ako ng magsalita itong muli.
"Jane, Don't get me wrong but I don't think it's still your business kung hindi man kumain si HON! I might misinterpret your sweet gestures, Just kidding haha" saka tumawa ng pilit.
Aaminin kung nakaramdam talaga ako ng pagkapahiya sa sinabi nyang yon, parang gusto nya talaga isampal sa pagmumukha ko na wala na akong karapatan kay Drake. Sumulyap ako kay Drake ngunit nag-iwas lang ito ng tingin. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Thamara.
"why Thamara are you afraid that I might take Drake away from you?" Nakangising tanong ko. "and you know what? He still can be my business kung gugustuhin nya lang, bantayan mo yan magaling akong mang-agaw" mapang-asar na ganti ko sa sinabi nya.
Nakita ko kung paano nagdilim ang mukha nya sa sinabi ko she's mad I can tell, I mean who wouldn't be.
"Ops haha" tumawa ako. "Of course I'm Joking, Oh wait, did you just take my joke seriously? You should have seen your face earlier, it was priceless. Anyways mauna na ako sa inyo at baka hinahanap na ako ni manager." Pagkatapos kong sabihin yon ay tinalikuran ko na sila don habang nakaawang pa ang bibig dahil sa mga sinabi ko.
I walked confidently na para bang nanalo ako sa isang debate. Pero as soon as makalayo ako ay mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. Naiinis ako, naiinis ako sa mga reaksyon ni Drake it's like he doesn't really care about me, ni tanggapin ang pagkaing dala ko ay hindi man lang nagawa. e ano naman kung hindi ako ang nagluto nito. e ano ngayon kung hindi ako marunong magluto.
Lalo akong naiinis sa mga sinabing iyon ni Thamara alam nya kasing hindi ako marunong magluto, it's not really like I don't know how to cook, I just don't like the idea of cooking. I mean kitchen isn't really for me.
Naaalala ko noon kung paano ako pagsabihan ni Thamara na dapat daw paminsan-minsan ay ipagluto ko man lang ang boyfriend ko dahil ayon daw sa kanya ay "A man's heart is through his stomach" stomach is the way to their heart daw.
Hindi ko naman pinapansin yon dahil hindi na kailangan at nasa akin na naman ang puso nya.Noon kasi ay madalas akong mag-order lang ng mga pagkain o kaya ay magpadeliver lang sa tuwing nasa set kami o kung may bukod na project man si Drake noon yon lang kadalasan ang dinadala ko sa kanya.
Minsan nga ay dinadamihan talaga ni Thamara ang ulam na dala nya para ialok samin ni Drake sa twing nagkkatrabaho kaming tatlo, tuwang tuwa naman si Drake dahil aaminin ko masarap talagang magluto si Mara.Alam nyang lahat yon dahil madalas ko din naman syang makasama sa mga naging palabas ko noon at yon ang dahilan kung bakit kahit papano ay napalapit ako sa kanya.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin na pinapamukha nya sakin na ginagawa nya kay Drake ang mga bagay na hindi ko dito nagawa noon.
Sa totoo lang kasi ay hindi mahilig si Drake sa mga restaurant food mas gusto nya yong mga lutong bahay talaga. Ilang beses din syang naglambing sa akin dati na ipagluto ko sya ng paborito nyang kaldereta.
Pinagbigyan ko naman sya pero matapos nyang matikman ang luto ko ay hindi na ulit nag demand na magluto ako. Kaya naman kahit masama sa kalooban ay nag settle nalang sya sa mga pagkaing gusto ko
Naisip ko tuloy na baka ganun na lang ang pagkadala nya sa niluto ko hindi ko maiwasang mapasimangot sa naisip kong yon.Sa probinsya kasi lumaki si Drake sa Batangas, hanggang ngayon ay don parin naninirahan ang mga magulang nya. Dalawang beses pa lang akong nakakapunta doon noong una ay ng ipakilala nya ako sa pamilya nya at pangalawa naman ay nong 25th anniversary ng magulang nya. at naintindihan ko naman kung bakit ganun sya ng matikman ko ang luto ni tita Jocy (nanay nya) dahil totoong nakapasarap nito magluto.
Tahimik lang ulit akong naupo at kinain ang dala kong pagkain sana para kay Drake. Parang nawala ako sa mood pagkatapos ko silang makita mabuti na lang at ilang eksena na lang ang tinapos namin at nagpack-up na kami kung hindi ay naka maapektuhan pa ang pag-arte ko, hindi ko na rin muling nakita pa si Thamara na ipininagpapasalamat ko naman.
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomanceSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...