Today's is our Premiere night. Kinakabahan ako habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin habang inaayos ng make up artist ang buhok ko.
Hindi ko alam pero nalulungkot ako, at hindi ko alam kung para saan ang lungkot na nararamdaman ko ngayon. Sa twing maiisip ko na ito na talaga ang magiging huling beses na magkikita kami ni Drake.
Dahil sabi nya nga ay kasabay matapos ng movie ay matatapos na ang lahat ng koneksyon namin sa isa't-isa.Ng makarating ako sa venue ay sinalubong agad kami ng red Carpet si Ate Chloe ang kasabay kong maglakad pareho kaming nakagown. Isang cream nalong gown ang kusot ko si mommy ang pumili ng susuotin ko ngayon,sariling design nya ito.
Nasilaw ako sa bawat flash ng camera maraming mga sikat na artista ang nandon, nandon din sina meg at ang ang family ko.
Nakipagkwentuhan ako sa mga artistang nakikita ko doon dahil karamihan naman ay kakilala ko na at mga nakatrabaho ko na.
Nagpasalamat din ako sa pagsuporta at pag-aabala nilang pumunta.
Maya maya pa ay dumating na din sina Drake at syempre pa kasama nya si Thamara.
Namasa na agad ang luha ko lalo na at nakikita kong masaya sya, masaya na sila. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil nagddrama na naman ako. Dahil paulit-ulit na lang, dahil ni minsan ay hindi nabawasan yong sakit na nararamdaman ko."Hi" nagulat ako at napalingon sa tumawag sakin.
Nanlaki pa ang mata ko ng mapagsino ko kung sino sya.
"Zander?" Gulat pero nagagalak kong pahayag.
"How are you? I'm sorry ngayon lang ako nagpakita sayo" sabi nya.
"You came, hindi kita napansin kanina" sabi ko.
"Jane, I missed you!" Nagulat ako sa sinabi nya.
At mas nagulat ako ng yakapin nya ako, hindi yon mahigpit pero sapat na para maglapat ang katawan namin, namasa ang mata ko dahil don.Naging malapit kong kaibigan si Zander at masasabi kong isa sya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko maliban kay Drake sa pamilya ko kay manager at kay Meg sa kanya ko lang kayang magpakatotoo na hindi iisipin kung huhusgahan nya ako o hindi.
"Namiss din kita, akala ko ay nakalimutan mo na ako dahil hindi mo manlang ako nagawang dalawin kahit na alam mo naman kung saan ako pupuntahan." Nakasimangot kong pahayag ng maghiwalay kami sa pagkakayakap.
"I'm sorry, kung alam mo lang nong mapanuod kita ay parang gusto ko ng lumipad from Cebu kung pwede lang at hindi ako mapapagalitan ni Manager Brizz, kilala mo naman sya."
ngayon ko lang nalaman na nasa cebu pala sya kaya pala. Walang nangungulit sakin.
"I'm glad you're still under Manager Brizz dahil sigurado akong hindi ka makakagawa ng kalokohan basta-basta" natatawang biro ko pa.
Si manager Brizz kasi ay hindi kagaya ni ate Chloe, dahil mahigpit ito, hindi ka basta bastang makakapunta kung saan saan kahit na nga sa pagpili ng kakainin ni Zander ay pinaghihigpitan din nya.
Kaya naman noon ay kinakailangan ko pang ipagpaalam si Zander bago kami makapunta sa kung saan.
Kilala ko na si Zander bago pa man namin makilala ang isa't-isa sa showbiz dahil minsan ko na syang naging kaklase nong College ako."Hindi na nga ako makagawa ng kalokohan dahil wala na akong makasama yong iba kasi dyan nang-iiwan" nakangusong sabi nya.
Natawa naman ako dahil ang cute nya padin kapag ginagawa nya yon.
"Haha sorry na! Ngayong nandito na ulit ako ay may makaksama ka na ulit at may dahilan ka na para makatakas kay manager Brizz" biro ko.
"And what makes you think na ikaw ang tinutukoy ko don?" Mapang-asar na banat nya sakin.
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomanceSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...