Chapter 10

374 12 0
                                    

Dalawang linggo lang ang dumaan at mabilis naming naayos ang pagbalik sa Pilipinas at ngayon nga at nandito kami ng kapatid ko sa airport.
Nagpaiwan ang mga magulang namin upang ayusin ang ilan pang bagay sa business namin doon.

Ilang sandali pa ay inanunsyo na kelangan na naming umalis, sa loob ng eroplano ay hindi ko magawang makatulog, kinakabahan ako ito ang unang pagkakataon na babalik ako ng bansa na walang nag-aabang sakin, walang mga fans at Hindi ko rin kailangan na mag disguise para walang makakilala sakin.

Mabuti pa ang kapatid ko at tulog na tulog sa tabi ko.

Ilang oras pa ang lumipas at nag-anunsyo muli na bababa na ang eroplano. Lalo pa akong Kinabahan sa pagkakataong yon,

"Claudia wake up we're almost here"

Nang tuluyan na ngang makalapag ang eroplanong sinasakyan namin ay ang nagsimula ng magsilapag ang mga pasahero, Hindi pa muna ako kumibo at hinayaan kong mauna sila.

"Ate, let's go?" Excited na anyaya ng kapatid ko at nauna ng lumabas.

Wala na akong nagawa kundi ang bumaba na din, Sinalubong ako ng kakaibang init ng araw, Pamilyar na init na matagal ng hinahanap-hanap ng balat ko, NASA Pilipinas na nga talaga ako.

Sa labas ng airport ay naghihintay saamin ang isa sa mga driver na inutusan ni Daddy na sunduin kami.
Hindi ko na maalala ang pangalan nya pero pamilyar sya sa akin.

Nakita ko ang pagpako ng tingin nya sakin na para bang hindi makapaniwala sa nakikita, isang ngiti lang ang itinugon ko sa kanya at pumasok na sa loob ng sasakyan kung  saan nakaupo na ang kapatid ko habang may nakasalpak na earphone sa tenga nito.

Ilang saglit pa ng byahe at nakikita ko na ang pamilyar na bahay sa subdivision kung saan halos lang taon narin kaming naninirahan, madami ng nagbago sa lugar napansin kong mas gumanda at lumaki ang park na madalas kong pagtambayan noong nag-aaral pa ako ng college, ganun din ang covered court na katabi nito don kami madalas manuod ng basketball kasama ang bestfriend kong si Meg.

Si Meg, napangiti ako ng pumasok sa isip ko ang matalik kong kaibigan mula pa nong bata kami, dito din naninirahan ang pamilya nina Meg magkaibang kanto at direksyon nga lang ang bahay namin Kaya madalas kapag pumupunta ako don at nagbibisekleta ako, napapangiti ako kapag naiisip ko ang dati lalo ko lang talagang napatunayan na tama ang desisyon kong bumalik dito.

Natigil ako sa pag-iisip ng tuluyan na ngang huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking gate, lang busina lang at agad nagbukas ito.

We're home, I smiled at that thought.

"This feels great" bulalas ng kapatid kong kanina pa excited. " I have to inform the girls that I'm here"

She's probably referring to her friends.

Pagpasok ko pa lang ay naamoy ko na ang masarap na Amoy ng pagkain, it smells like adobo or something, my favorite She probably know that I'm coming home today. Imbes na sa kwarto dumiretso ay sa kusina ako nagtungo.

Gusto kong kumpirmahin kung tama ang hinala ko at di nga ako nagkamali nakatayo doon ang pamilyar na babae, It was Yaya Celly. Sinenyasan ko ang Ilan pang katulong doon na wag ipaalam na nandito ako.

Niyakap ko sya mula sa likuran " Hmm mukhang masarap yan a"

"Susmaryusep, Jin anak, ikaw nga Jusko totoo ba ito?" Mangingiyak-niyak pa si Yaya Celly.

" Ya ako nga to, I'm back Namiss ko po kayo"

Imbes na sumagot ay isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanya.

"Namiss din kitang bata, ang tagal mong nawala, Teka nasan na ba si Diya, kasama mo ba sya?"

"Ya mahabang kwento po, kasama ko po si Claudia baka napagod na po sa byahe yon bukas nyo na lang po kumustahin"

Si Diya na tinutukoy nya ay ang kapatid ko yon ang tawag nya kay Claudia, sa akin naman ay Jin dahil sabi nya ay mahirap daw bigkasin ang pangalan ko, which is di ko magets dahil kung tutuusin ay ilang letra lag naman iyon.

"Maupo ka na muna anak at ng makakain ka na Alam kong napagod ka at Namiss mo na din ang Luto ko"

Wala na akong nagawa dahil sa totoo lang ay Namiss ko na nga ang Luto nya at bukod doon ay totoong nagugutom na ako.

Naparami nga ang kain ko kagaya ng inaasahan, nagpaalam na din ako kay Yaya Celly na aakyat at magappahinga na.

Pagpasok ko sa kwarto ay wala paring ipinagbago ito, ang book collection ko at maayos paring nakasalansan doon, pati ang mga dati kong poster nong nag-aartista pa ako. Sa nandon din ang CD ng paboritong banda at Ilang palabas na ginawa ko dati.

It feels good to be back here, this is where I truly belong with or without him this is my place. Sa ibabaw ng Kama ko ay ang iba't-ibang bear na bigay sakin ni Drake noon, kasama na doon si Jd na syang pinakamalaki sa kanila. I remember this na binigay nya sakin nong first anniversary namin, apat na taon na sana Kami kung hindi nangyari ang aksidenteng yon.

Hi JD have you been well?
JD stands for Jade and Drake.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nagshower ako.

Pagkatapos ay nahiga na ako, niyakap ko si JD at tuluyan ng nagpatianod sa antok.

She fell asleep (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon