"Jane! Hindi ko kayang maging selfish sa mga oras na to, hindi ko kayang makitang masasaktan yong nag-iisang taong hindi sumuko sakin."
"Hindi na ba talaga pwede?" Pagsusumamo ko. "Wala na ba talagang pag-asa? Drake Mahal na mahal kita at hindi na ata to kailanman mawawala pa. Drake hindi na ba pwedeng maging ako ulit ha?"
Hindi sya sumagot pero nakita ko kung pano tumulo ang mga luha galing sa mata nya.
Tumango ako. "naiintindihan ko"
Sinubukan kong punasan ang luhang pumapatak galing sa mga mata ko ngunit bigo ako dahil naging tuloy tuloy ang pag-agos ng mga ito.
Tinitigan ko ang mukha nya, ang mga mata nyang bakas ang labis na lungkot at sakit. Batid kong tulad ko ay nasasaktan din sya.
Yong maamo nyang mukha, ang singkit nyang mga mata. Gusto kong kabisaduhin bawat anggulo nito. Dahil baka hindi ko na sya muli pang makita. Gusto kong maalala lahat, gusto kong tumatak sa isipan ko ang buong mukha nya.
Pumikit ako upang alalahanin kung papano sya tumawa, kung paano sya ngumiti. Kung paano sya kapag nagagalit at kapag nalulungkot. Kung paano sya kiligin at kung paano sya magselos noon.
Hindi ko na napigilang humagulhol sa harapan ni Drake.
Drake bakit nagiging ganito kasakit ang lahat para sakin. Bakit kailangan nating pagdaanan lahat ng to!!
Naramdaman kong inilapit nya sakin ang katawan nya at niyakap ako, Mahigpit ang naging pagyakap nya..
Gusto kong damhin ang init ng katawan nya.Naramdaman ko ang pagalaw ng balikat nya na nangangahulugang umiiyak sya.
Hindi ako nagsalita, ang pangtangis namin ang namayani sa loob ng sasakyan na yon. Wala na akong masabi naubusan na ako ng sasabihin, at ayaw na ring mag-isip ng tama ng isip ko. Parang anumang oras ay bibigay na yong katawan ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Bahagya akong lumayo sa kanya at itinapat ang mukha ko sa mukha nya. Hinawakan ko ang pisngi nya at pinagdikit ang mga noo namin.
Bumaba ang tingin ko sa mga labi nya at walang pag-aalinlangang sinakop yon. Nalasahan ko ang luhang nanggagaling sa pareho naming luhaang mga mata.
Saglit lang yon at ako na din ang kusang lumayo. "Goodbye Drake! I'm so sorry kung nagulo pa kita, I love you so much and goodbye!"
Hindi ko na muli syang tiningnan at lumabas na ako sa sasakyan nya. Naglakad ako paalis don ngunit napaupo ako dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Sana ay makayanan kong panindigan to. Sana nga ay matanggap ko na na wala na sya.
"Lagi ka na lang bang umiiyak sa tuwing nakikita kita?" Napahinto ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Z-Zander!!" Lumuhod sya upang magpantay kami at sinubukang punasan yong luha ko.
"Z-Zander! I'm hurting!" Maya maya pa ay naramdaman kong niyakap nya ako.
"2 minutes" sabi nya at naintindihan ko naman ang ibig sabihin non dahil ganun din ang sinasabi nya sakin noon na ang ibig sabihin ay kailangan tumigil na ako sa pag-iyak pagkatapos ng 2 mins.
Ilang saglit pa ay kumawala na sya sakin at hinila ako patayo.
"tss ang tigas talaga ng ulo mo" naiinis na sabi nya ng makitang umiiyak padin ako kaya naman pinilit kong punasan at pigilan ang mga luha ko.
"Let's go, I'll take you home" nagtataka akong napatingin sa kanya ng maalala ko si ate Chloe na naghihintay sakin.
"Pinauna ko na sila kong yon ang inaalala mo, nakita ko kayong dalawa ni Drake na pumasok sa loob ng sasakyan nya."
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya at sumakay sa kotse nya.
Tulala lang ako sa buong byahe hindi ako nagsasalita. Ng huminto ang sasakyan ay napatingin ako sa paligid ngunit nagtataka akong tumingin sa kanya ng mapansing hindi nya ako sa bahay dinala. Sa sobrang lutang ko ay hindi ko na napansing ibang direksyon na pala ang tinatahak namin.
"Baba!" Utos nya.
Nagtataka man ay sumunod na lang ako.Sinalubong ako ng malamig na ihip ng hangin galing sa labas.
Pinagmasdan ko ang paligid. Nilagpasan nya ako at dire-diretsong naglakad pagkatapos ay umupo sa isang parte doon.
Sumenyas sya sakin na sumunod ako sa kanya. Kaya naman naglakad ako patungo sa kinaroroonan nya.
Bahagya pa akong natigilan at napaatras ng makita kong dagat ang ilalim ng inuupuan nya. Gabi na pero sa pamamagitan ng ilaw ng sasakyan at ang mumunting liwanag ng buwan ay nakita ko ang pagkinang ng dagat.
Tinapik nya ang tabi nya at inanyayahan akong maupo doon.
Mas lalo akong nakaramdan ng lamig ng tuluyan na akong makaupo doon bahagya pa akong nahirapan dahil sa suot ko. Hinubad ko muna ang suot kong heels.
Ngayon ko lang napagtanto na parang nasa isang lumang pier kami. Parang lang pero hindi naman talaga.
"Lagi akong pumupunta sa lugar na ito, whenever I feel sad, uneasy , confuse even when I'm happy" kwento nya.
"Nakakarelax dito feeling ko nawawala ang anumang iniisip ko." Sabi nya na pinakinggan ko lang.
Napatingin ako sa kanya ng ilagay nya ang suot nyang coat sa likod ko siguro ay napansin nyang nilalamig ako. typical him, sweet and caring.
He then held my hand. "Lahat ng problema mo, lahat ng nararamdaman mo. Cry it all here. Iiyak mo na Jane, I am now allowing you to let everything out. Everything! I'll be back don lang ako sa kotse babalikan kita dito mamaya."
Tumango lang ako sa kanya dahil nahihirapan na akong ngumiti pa.
One thing that I like about Zander is that he knows me too well at alam nya kung kelan dapat ako hinahayaan at hindi.Maya maya nga ay nag-umpisa na namang magsipatakan ang luha ko.
Naalala ko na naman ang naging pag-uuusap namin ni Drake hindi ko maiwasang hindi mainggit kay Thamara dahil kitang kita ko kung papaanong pinapahalagahan ni Drake yong nararamdaman nya. Na okay lang na ako yong masaktan wag lang sya.
Siguro nga ay hanggang dito na lang ang saamin ni Drake, siguro nga ay hindi ko na maibabalik pa ang dati nyang pagmamahal sakin.
Siguro nga ay hindi ko na mababawi pa ang lalaking mahal ko. Sana makaya ko, sana!!
Ilang saglit pa ay muling bumalik si Zander.
"You okay now?"
Nilingon ko sya at tumango
"Let's go, I'll take you home for real!" Iniabot nya sakin ang kamay nya at tinulungan akong tumayo.
Maya-maya pa ay inihinto na nya ang sasakyan sa labas ng gate namin.
Tumingin ako sa kanya.
"Thank you and sorry naabala pa kita" hinging paumanhin ko
"You're always welcome Jane, kailanman ay hindi ka naging abala sakin." Ngumiti sya at ginulo ng bahagya ang buhok ko.
Tipid na ngiti ang isinukli ko sa kanya at tuluyan ng lumabas ng sasakyan. Inantay ko lang na makaalis ang sasakyan nya at pumasok na ako sa loob at nagpahinga.
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomansaSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...