3 days past.
Shin's POV.
Nakabalik na kami dito sa bansa. Pagbalik na pagbalik namin inasikaso agad ni Manager Jiya yung mga schedule ko.
Andito ako ngayon sa loob ng writing room ko, tinawag ko na tong writing room kasi dito ko tinatapos ang bawat chapters ng mga stories na ginagawa ko.
Tulala at seryoso lang akong nakaupo dito. Wala akong kasama. May kinausap si Manager Jiya para tulungan siya sa pag-aayos ng book signing event ko bukas sa isang mall.
Hindi ko naman pwedeng kontakin si Yuji kasi alam ko may finifilm siyang isang show ngayon.
Hay~ naboboring na ako dito.
Dahan-dahan kong kinuha yung cellphone ko at tiningnan ko yung mga pictures sa gallery.
Unti-unti akong napangiti nung makita ko yung picture naming dalawa ni Ben. Ang matalik kong kaibigan na isang professional chef and nagmamay-ari ng isang sikat na restaurant dito.
Simula nung dumating kami dito galing Japan, hindi pa ako kinokontak ni Ben ah. Ano na kaya yung nangyari sa lalaking yun?
Agad kong hiniga yung ulo ko sa table ko.
"Tsk. Hindi man lang nagparamdam.", Sabi ko.
Erin's POV.
Hindi pa ako nakakabalik sa bansa. Nandito pa rin ako sa Japan. Bukas pa ako makakauwi. May gusto pa akong puntahan dito sa Japan eh pero si Christian kinakailangan na niyang bumalik sa bansa dahil kailangan na siya sa company nila.
Nakaupo ako dito sa kama at nakapout na tinititigan si Christian habang nag-iimpake siya ng mga gamit niya.
"Erin. Are you sure na hindi ka na sasabay sa akin pabalik sa bansa?", Tanong sa akin ni Christian.
"Hmm. Sure ako.", Sagot ko naman.
"Erin kapag umalis ako wala kang makakasama dito. Are you really sure na hindi ka talaga sasabay sa akin pabalik sa bansa?", Tanong ulit ni Christian.
"Chan, don't worry about me. Kailangan ka ng company niyo tsaka uuwi na rin naman ako bukas. Sanay naman na akong mag-isang magtravel pero thank you dahil sa pagkakataon na 'to sinamahan mo ako.", Nakangiti kong sinabi kay Christian.
Napangiti naman si Christian nang dahil sa sinabi ko.
"Ok. Basta ipromise mo sa akin na kapag nakabalik ka na sa bansa bukas.. you're going to text me, ha?", Sabi sa akin ni Christian.
"Hmm. Ok, that's a promise.", Nakangiti ko namang sinabi sa kanya.
Tumayo na siya at binitbit na niya yung mga dalahin niya.
BINABASA MO ANG
Bind | SinRin
Fanfiction[COMPLETED] !taglish story! started: 04/24/18 *new story by hwangeunbb, hope you'll like it!* CALLING OUT ALL THE PH SINRIN SHIPPERS/STANS! highest ranking: #1 in sinrin #4 in gfriend #1 in astro