Bind: Be With You

334 11 0
                                    

Christian's POV.

Pagkatapos kong magcr, binalikan ko na kaagad si Erin pero bigla akong nagtaka nung pagbalik ko wala si Erin. Asaan siya? Nagcr rin ba siya? Agad kong kinuha yung cellphone ko na nasa bulsa ko para tawagan si Erin.

Sumagot naman kaagad si Erin.

"Erin. Where are you?".

"Chan. Chan, I'm sorry. Nauna na kasi ako. M-may biglaang emergency kasi eh. Pasensya na talaga. Promise, babawi na lang ako sa susunod. I'm very very sorry talaga!". - Erin.

"N-nauna ka na? Ah, g-ganun ba? Sige.. aasahan ko yung sinabi mo. Erin.".

"Bye na. Sorry ulit Chan ha. Bye!". - Erin.

Magsasalita pa sana ako pero binaba na kaagad ni Erin yung cellphone niya pagkatapos niyang magpaalam sa akin.

Ben's POV.

Ilang oras na ang nakakalipas ah. Asaan na kaya si Shin? Nasa loob pa rin ba siya ng cr ngayon? Bigla akong napalingon kay Jiya nung marinig kong nagsalita siya.

"Asaan na yun si Shin? Kanina pa yun nandun sa loob ng cr ah. Wala ba siyang balak lumabas? Lalamig na tong mga inorder kong pagkain.", Sabi ni Jiya.

"Wait here. Magtatanong ako doon.", Sabi ko naman.

Tatayo na sana ako pero bigla ulit akong napalingon kay Jiya nung nagsalita ulit siya.

"Speaking of Shin, she's calling right now. Wag ka nang pumunta doon Ben. Eto na, tinatawagan na ako ni Shin.", Sabi ni Jiya.

Nakita ko na sinagot na ni Jiya yung tawag ni Shin. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya.

"Hello. Where are you?! WHAT?! So iniwan mo ako nang mag-isa dito? Oh you're going to explain this to me tomorrow SHIN HWANG! Hay naku~ hindi ko akalaing ginawa mo nanaman 'to sa akin. Are you ok? May kasama ka ba jan? Ok, ok... mag-iingat ka ha!", Narinig kong sinabi ni Jiya.

Pagkatapos nun, binaba na niya yung cellphone niya. W-what happened?!

"Jiya! W-where's Shin?", Tanong ko.

"Nauna na siya at sabi niya sabayan mo na lang akong kumain dito para hindi naman ako loner.", Sagot ni Jiya.

"What?! O-ok lang naman ba siya?", Tanong ko ulit.

"Geez. Kalma lang, Ben. Don't worry sabi naman ni Shin nasa mabuti siyang lagay ngayon kaya wag na daw tayong mag-alala sa kanya at kumain na lang daw tayo dito. So, stop asking more questions and let's just eat here.", Seryoso namang sagot ni Jiya.

Hindi na ako nagsalita pa dahil natakot ako kay Jiya pero... m-may kasama ba si Shin ngayon?

Erin's POV.

Andito ako ngayon sa loob ng isang clothing store. Hinahantay ko lang si Shin. Sabi niya kasi kailangan niyang magpalit ng damit at bumili ng mask and cap. Ano kaya yung nangyari sa kanya?

"Erin.", Bigla akong napalingon sa likod ko nung marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

Paglingon ko sa likod ko nakita ko si Shin na tagong-tago yung mukha. Halos hindi mo siya makikilala nang dahil sa suot niyang mask at cap tas sinamahan pa ng hoodie.

"O-ok ka na ba?", Tanong ko.

"Hmm. Erin. C-can you stay here... with me?", Tanong naman sa akin ni Shin.

Bind | SinRinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon