Bind: Erin's Mistake

273 8 1
                                    

Kinabukasan.

Shin's POV.

I went to Erin's school. I want to surprise her. Maaga siyang uuwi ngayon kaya dito ko na lang siya hahantayin sa labas. Nakaupo lang ako sa bench, tahimik at seryoso lang na nakatingin sa gate ng school. Until the school bell... rings.

Tumayo na ako dahil nakakakita na ako ng mga students na lumalabas. Where's Erin? Oh! There she is!

Lalapitan ko sana siya pero may biglang umakbay sa kanyang isang babae then may tatlo pang taong lumapit sa kanya. Isang guy and two girls. She seems to be happy with them.

Hindi na ako nakalapit kay Erin. Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya habang masaya siyang nakikipag-usap sa mga friends niya. She didn't notice me. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad pasunod sa mga kaibigan niya.

"E--", I stopped.

Maybe... mas maganda kung hahayaan ko muna siyang magsaya kasama ng mga new friends niya.

I decided to go home. Habang palakad ako papunta sa bus stop bigla akong napahinto nung may tumawag sa akin.

"Shin!", Oh?

Lumingon kaagad ako sa likod ko. It's Ben. Nakangiting tumakbo palapit sa akin si Ben.

"I didn't expected na magkikita tayo ngayon. Saan ka galing? Kay Erin ba or you went somewhere else?", He said.

"I-I went to Erin's school... but, but she's not there. Siguro... may importante silang ginawa ng mga kaklase niya.", I lied.

"Ganun ba? Pauwi ka na ba?", Tanong niya.

"Hmm. Actually, I'm on my way to the bus stop na.", Sagot ko.

"Oh okay. Tara, ihahatid na lang kita papunta dun.", Nakangiting sinabi sa akin ni Ben.

Nginitian ko na lang si Ben at sabay na kaming naglakad. While we're quietly walking bigla akong napahinto nung makakita ako ng stuff toys store.

"Hey. Is there something wrong?", Tanong ni Ben.

I didn't hear him dahil seryoso lang akong nakatingin sa stuff toys store and I'm thinking about Erin. Maybe I should buy her a teddy bear.

Hindi ako umimik na dali-daling pumasok sa loob ng stuff toys store at nagtataka namang sumunod sa akin si Ben.

We're inside the stuff toys store.

"Bibilhan mo ba ng stuff toy si Erin?", Nagtanong ulit si Ben.

"Hmm. Magugustuhan naman niya diba?", Sumagot ako at nagtanong rin.

"Hmm. For sure, kahit ano pang stuff toy yung bilhin mo dito... magugustuhan kaagad ni Erin. Sa soft personality pa lang niya alam ko ng hindi siya mapili pagdating sayo.", He's smiling.

"Jibang dolls are the best.", I'm smiling too.

Umikot kami sa paligid para maghanap ng jibang dolls hanggang sa nakakita na kami.

"Ilan ba yung planong bilhin?", Tanong ni Ben.

"How about three jibang dolls?", Sagot ko.

"Three? Why three?", Nagtanong ulit si Ben.

"For... I. Love. You.", Sagot ko naman.

Bind | SinRinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon