Erin's POV.
Gusto kong makita si Shin ngayon. Alam ko kasing siya lang yung magpapasaya at magpapagaan ng kalooban ko ngayon. Kaya pagsabi ng lugar ni Anna kung nasaan si Shin ngayon agad kong pinuntahan si Shin doon.
Andito na ako sa studio kung nasaan si Shin ngayon. Agad akong pumasok sa loob at naglakad ako papunta sa may radio studio.
Pagdating ko sa may radio studio, unti-unti akong napangiti nung makita ko si Shin. Habang naglalakad ako palapit sa kanya, unti-unti naman siyang nagslowmotion sa mga mata ko. She's so beautiful.
Huminto na ako sa paglalakad at nakangiti ko lang na tinititigan si Shin pero mas lalong akong napangiti nung mapatingin si Shin sa may direksyon kung nasaan ako ngayon.
Nagkatitigan kaming dalawa. Nakita ko na unti-unting ngumiti sa akin si Shin.
Pero bigla naman akong nagulat nung may kumalabit sa akin kaya agad akong napalingon sa likod ko. Oh, si Jiya.
"Jiya!", Sabi ko.
"Hi Erin. It's nice to see you again. Mukhang kahit saan magpunta si Shin nandun ka ah.", Sabi naman ni Jiya.
"Ah. Well like I said, I'm her number one fan kaya talaga lang na makikita mo ako kung nasaan man si Shin ngayon. I'm always here for her.", Nakangiti kong sinabi kay Jiya.
"Oh really? Ok, if you say so. Kinuwento pala sa akin ni Shin na ikaw ang kasama niya nung araw na biglaan na lang siyang nawala sa piling ko. My goodness, nung araw na yun labis yung pag-aalala ko kay Shin pero buti na lang tinawagan niya ako at sinabi niya sa akin na ikaw ang kasama niya. Kaya napakalma naman ako.", Sabi ni Jiya.
"S-sorry Jiya. H-hindi ko naman sinasadyang ilayo si Shin eh. Bigla na lang niya kasi akong hinatak kaya... yun.", Sabi ko naman.
"Tsk wag ka ngang magsorry jan. Ok lang yun. Sa totoo nga, magpapasalamat ako sayo dahil sinamahan mo si Shin. Alam ko kasi kapag biglaan na lang siyang nawawala. May bagay siyang nalaman o narinig na labis niyang dinamdam. Shin is a very sensitive person.", Sabi sa akin ni Jiya.
"Sensitive person? W-what do you mean, Jiya?", Tanong ko.
"She's a very sensitive person. Napagtanto ko yan nung mga bata pa lang kami. Dati nung nasa elementary pa lang kami parati nang binubully si Shin. Walang ibang taong lumalapit sa kanya. Everyone thinks she's weird. Siguro nang dahil doon naging sensitive si Shin sa lahat ng mga bagay-bagay pero nung araw na sinamahan ko siya, nakita ko na nagiging ok ang pakiramdam niya kapag napapasaya ko siya. Kaya nung araw na bigla siyang nawala at nalaman kong kasama ka niya nawala kaagad yung pag-aalala ko. Dahil alam kong... lahat gagawin mo para mapasaya ang matalik kong kaibigan. Thank you, Erin.", Nakangiting sinabi sa akin ni Jiya.
BINABASA MO ANG
Bind | SinRin
Fanfiction[COMPLETED] !taglish story! started: 04/24/18 *new story by hwangeunbb, hope you'll like it!* CALLING OUT ALL THE PH SINRIN SHIPPERS/STANS! highest ranking: #1 in sinrin #4 in gfriend #1 in astro