Bind: Confession

360 13 7
                                    

Erin's POV.

Kinuhaan ko ng t-shirt si Christian sa loob ng closet ko. Meron naman ata akong T-shirt dito na magkakasya sa kanya. Eto, nakahanap na ako. Kasya naman ata 'to sa kanya. Mabigay na nga 'to sa kanya.

Bago ako makalabas sa kwarto ko narinig kong may nagdoorbell. Tingin ko naman si Christian na yung tumingin kung sino yung nagdoorbell. Lumabas na ako sa kwarto ko.

"Chan! Eto na yung t-shirt!", Sigaw ko.

Paglingon ko sa may pinto, unti-unting nanlaki yung mga mata ko nung makita ko si Shin.

Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanila Christian at Shin. Paglapit ko sa kanila agad kong tinulak palayo si Christian kay Shin at agad ko sa kanyang pinasuot yung t-shirt. Pagkatapos humarap na ulit ako kay Shin.

"A-ah. Shin. B-bakit ka pala nandito?", Tanong ko.

"Uhm I'm just here to give you the food na niluto ko for you.", Sagot ni Shin.

Agad kong kinuha yung lunchbox na dala-dala ni Shin tapos hinatak ko siya papasok sa loob ng room ko.

"Sakto Shin, kakain na rin kasi ako. Eto na lang yung iuulam ko.", Nakangiti kong sinabi kay Shin.

"Wait. Paano naman yung niluto ko para sayo?", Biglang nagsalita si Christian.

Sabay kami ni Shin na napatingin kay Christian.

"Erin. M-mukhang may bisita ka. Sige aalis na lang ako. Siguro sa susunod na lang ulit ako pupunta dito.", Sabi naman ni Shin.

Pagkatapos magsalita ni Shin, tumalikod na siya pero agad kong hinawakan yung kanang braso niya at pinaharap ko ulit siya sa akin.

"No! D-don't go.", Sabi ko.

Shin's POV.

Aalis na sana ako pero ayaw naman ni Erin na umalis ako kaya wala na akong nagawa pa. Nakaupo na kaming tatlo at tahimik lang.

"Uhm, Shin. Nakalimutan ko siyang ipakilala sayo. His name is Christian. My friend. Christian meet Shin, she's also my friend.", Sabi ni Shin.

"Shin? Shin Hwang the famous author?", Patanong na sinabi ni Christian.

"A-ah. Yes.", Sabi ko naman.

Inabot ni Christian yung kaliwang kamay niya sa akin.

"Nice to meet you, Shin.", Nakangiting sinabi ni Christian.

"Nice to meet you too, Christian.", Sabi ko naman.

"Great! Nagkakilala na kayo. So... let's eat?", Tanong ni Erin.

"Yeah.", Sabi naman ni Christian.

Pagkatapos nun, sabay sabay na kaming tatlong kumain.

"Waah! Shin. Ang sarap naman nito. Sa susunod na pagdalaw mo sa akin dito dalhan mo ulit ako nito ah! Tapos kapag ako naman yung bibisita sa inyo, dadalhan kita ng paborito kong pagkain.", Sabi ni Erin.

Christian's POV.

Seryoso at tahimik lang akong kumakain dito habang sina Shin at Erin masayang nag-uusap habang kumakain.

Dahan-dahan akong tumingin kay Erin. Unti-unti akong napatulala sa kanya nung makita ko yung ngiti niya habang kausap niya si Shin.

B-bakit ganun? P-parang n-nagseselos ako na nginingitian ni Erin si Shin nang ganyan. Wait, bakit ako magseselos? They're just friends. Magkaibigan lang sila so normal lang na nginitian ni Erin si Shin nang ganyan.

Bind | SinRinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon