Erin's POV.
1st day here in Japan. Paglabas na paglabas ko pa lang sa airport agad kong inistretch ang dalawang kamay ko. Aahh! I'm HERE!
Syempre hinding-hindi ko makakalimutang magselfie.
"Erin!", May tumawag sa akin.
Agad akong napalingon sa likod ko nung marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Agad akong napangiti nung makita ko si Christian.
Pagkakita ko sa kanya dali-dali naman akong tumakbo palapit sa kanya at paglapit ko sa kanya agad ko siyang niyakap nang mahigpit na mahigpit.
"Waahh! Hindi ako makapaniwala dito Chan, andito na ako sa Japan! Tapos hindi rin ako makapaniwalang kasama kita ngayon!", Nakangiti kong sinabi kay Christian habang yakap-yakap ko siya nang mahigpit.
"Erin. Alam mo namang hindi kita matitiis diba? Gusto mo akong samahan ka dito kaya bat maghi-hindi pa ako diba? Tsaka mas mabuti na rin 'to yung makapagvacation ako kasi masyadong akong naiistress sa mga trabaho ko ngayon. So saan mo unang gustong pumunta?", Nakangiti namang sinabi sa akin ni Christian.
Hindi ko na sinagot yung tanong sa akin ni Christian at dali-dali ko na lang siyang hinatak pasunod sa akin.
"We're going to ride a bus!", Sabi ko kay Christian habang hatak-hatak ko siya.
Andito na kami ni Christian sa bus stop. Wala pang dumadating na bus eh kaya magkatabi muna kaming naupo habang naghahantay.
Shin's POV.
Nandito na ako sa labas ng airport dito sa Japan. Inikot ko nang inikot yung paningin ko sa paligid pero hindi ko makita-kita ang manager kong si Jiya. Asaan na ba yung babaeng yun?
Dali-dali kong kinuha yung cellphone ko para tawagan si Manager Jiya.
"Hello Manager, asaan ka na?".
"Hello. Anjan ka na ba sa airport?". - Manager Jiya.
"Yes, kararating ko lang. Andito na ako sa labas. Ikaw?".
BINABASA MO ANG
Bind | SinRin
Fanfiction[COMPLETED] !taglish story! started: 04/24/18 *new story by hwangeunbb, hope you'll like it!* CALLING OUT ALL THE PH SINRIN SHIPPERS/STANS! highest ranking: #1 in sinrin #4 in gfriend #1 in astro