Bind: Sweet Talk

328 11 3
                                    

Christian's POV.

Hindi na ako nagtagal sa office. Nalaman ko kasing pupunta si Erin sa MoonBen's ngayon. Kailangan kong pumunta doon para malaman ko kung sino yung taong sinasabi niya sa akin kanina.

Nandito na ako sa MoonBen's. Pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko agad kong inikot yung paningin ko sa paligid ko. Asaan na kaya si Erin?

Bigla na lang akong napangiti nung makita ko si Erin. Sa wakas, nakita ko na rin siya. Naglakad na ako palapit sa kanya pero nung papalapit ako sa kanya, nakita ko na may katabi niyang lalaki. S-siya yung nagmamay-ari ng restaurant na 'to ah.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad akong nagpakita kay Erin.

"Chan?", Sabi ni Erin.

Nakita ko na kasama rin ni Erin si Shin.

"Sorry. Nakaisturbo ba ako?", Tanong ko.

"No no no. Come here, Chan. Sabayan mo na lang kaming kumain.", Sagot naman ni Erin.

"Thank you.", Sabi ko naman.

Umupo ako sa tabi ni Shin.

Lumipas na ang ilang oras. Parang sina Erin lang at Shin yung nag-uusap. Kaming dalawang lalaki, walang imikan. Seryoso lang akong nakatingin kay Ben Moon, ang lalaking nagmamay-ari ng MoonBen's.

Nakikita ko na parati niyang tinititigan si Erin kapag nagsasalita siya. Ano bang ginagawa niya? Wag mong sabihing may gusto siya kay Erin?

"Uhm excuse me. Pupunta lang ako sa restroom.", Sabi ni Shin.

"Pwede kitang samahan?", Sabi naman ni Erin.

"No. Just stay here. Mabilis lang naman ako.", Sabi naman ni Shin.

"O-ok.", Sabi ni Erin.

Pagkatapos nun, nginitian nila ang isa't isa. Naglakad na papunta si Shin sa girl's restroom. Pag-alis ni Shin bigla namang tumayo si Ben Moon.

"Excuse me.", Seryoso niyang sinabi sa amin ni Erin.

Pagkatapos dali-dali na lang siyang naglakad palayo. What wrong with him?

Pag-alis ni Ben Moon. Dahan-dahan akong tumingin kay Erin at tumingin rin siya sa akin tapos sabay naming nginitian ang isa't isa.

"What's up?", Tanong ko.

"Nothing much. Tsk, ano bang klaseng tanong yan? Parang ngayon lang tayo nagkita ah. Bat hindi mo tinanong sa akin yan kanina na nakaupo ka jan?", Sabi naman ni Erin.

"Nakikipag-usap ka kay Shin. Ang bastos ko naman kung bigla na lang akong sisingit sa usapan niyo, diba?", Sabi ko naman.

"Oh. I-I'm sorry about that.", Sabi naman ni Erin.

"No. It's ok, Erin. She's your friend so it's ok for me.", Nakangiti kong sinabi kay Erin.

Pagkatapos kong magsalita, nginitian ulit ako ni Erin. Naisipan kong mas lumapit kay Erin kaya umupo ako sa upuang inupuan ni Ben Moon para tumabi kay Erin.

"So... si Ben Moon ba yung sinasabi mong special person in your life sa akin kanina?", Tanong ko kay Erin.

Nagulat si Erin sa tanong ko.

"No! I-it's not Mr. Ben Moon. It's not him. Actually, kakakilala ko pa lang sa kanya ngayon. Kaibigan siya ni Shin.", Sagot ni Erin.

"It's not him? Then who? Wala pa ba siya dito? My goodness, hindi ka dapat niya pinaghahantay nang ganito katagal. Don't worry pagsasabihan ko yung lalaking yun kapag dumating na siya.", Sabi ko.

Bind | SinRinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon