Kinabukasan.
Christian's POV.
Sinubukan ko munang kalimutan yung mga problemang hinaharap ko ngayon. Makakasama ko ngayong araw si Erin. Hindi niya dapat makita na nahihirapan ako. Kailangan nakangiti lang ako parati kapag kasama ko siya.
Ayaw kong mag-alala siya nang dahil sa akin.
Dito sa MoonBen's kong naisipang pakainin si Erin. For sure, magugustuhan ni Erin yung mga pagkaing sineserve nila dito.
Nagkapag-order na ako, si Erin na lang yung kulang kaya sinubukan ko na siyang tawagan at sumagot naman kaagad siya.
"Hello Erin?".
"Hello Chan! Chan, nanjan ka na ba sa restaurant? Pasensya na ah. Mukhang matatagalan pa ako eh. Sobrang traffic dito. Pasensya na talaga.". - Erin.
"No. It's ok. Wag kang mag-alala, maghahantay naman ako dito hanggang sa makarating ka na.".
"Thank you Chan! Sige, kung nagugutom ka na mauna ka na wag mo na akong hantayin pa. Tingin ko talaga matatagalan pa ako eh. Sorry talaga.". - Erin.
"No. Ok lang talaga ako Erin. Wag kang mag-alala sa akin dito. Sige, magtext ka na lang sa akin kapag malapit-lapit ka na ah.".
"Hmm. Sige Chan. Thank you ulit.". - Erin.
Pagkatapos nun, binaba na ni Erin yung cellphone niya. Hay~ saan ba kasi siya dumaan?
Bigla akong napalingon sa gilid ko nung marinig kong may nagsalita. Oh, it's Ben Moon the owner of this restaurant.
"Sir. Hindi niyo po ba nagustuhan yung mga foods namin kaya kayo hindi kumakain?", Tanong sa akin ni Ben.
"No. I-it's not like that. Ilang beses mo na rin akong nakitang kumakain dito at ngayon ko pa lang masasabi sayo na lahat ng mga foods na sineserve niyo dito ay sobrang sarap. Hindi pa ako kumakain dahil... may hinahantay pa ako at mukhang matatagalan pa ang pagdating niya dito.", Sagot ko naman.
"Ah ganun po ba? Girlfriend niyo po ba yung hinahantay niyo?", Nagtanong ulit si Ben.
Saglit akong natahimik nang dahil sa pangalawang tanong ni Ben.
"No. She's not my girlfriend... yet.", Sagot ko naman ulit.
"Nililigawan niyo Sir? Siguro mahal na mahal niyo siya. Grabe, yung mga inorder niyong foods kasi yan yung mga mahal namin dito eh.", Nakangiting sinabi sa akin ni Ben.
"Yes. You're right. I love her... so much.", Nakangiti ko namang sinabi kay Ben.
Pagkatapos kong magsalita bigla namang tumunog yung cellphone ni Ben. Looks like may tumatawag sa kanya.
"Sir, uhm excuse me. Kailangan ko lang po tong sagutin. Sige po, enjoy the food with your future girlfriend.", Nakangiti niya ulit sinabi sa akin.
Hindi na ako nakasagot pa dahil dali-dali na siyang naglakad palayo sa akin. Mukhang napakaimportante ng tawag na yun ah. Malayo pa ba si Erin? Asaan na kaya siya?
Ben's POV.
Nakita ko ulit si Mr. Dale dito sa loob ng restaurant ko kaya nilapitan ko siya para kamustahin at kausapin na rin pero biglang nahinto yung pag-uusap naming dalawa nung biglang tumunog yung cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Bind | SinRin
Fanfiction[COMPLETED] !taglish story! started: 04/24/18 *new story by hwangeunbb, hope you'll like it!* CALLING OUT ALL THE PH SINRIN SHIPPERS/STANS! highest ranking: #1 in sinrin #4 in gfriend #1 in astro