Bind: New Friends

356 13 2
                                    

Kinabukasan.

Erin's POV.

Umaga na. Oras na para gumising pero ayoko ko pa. Bigla akong napadilat nung marinig kong tumutunog yung cellphone ko. Argh, ang aga aga may tumatawag na kaagad sa akin.

Dahan-dahan kong kinuha yung cellphone ko. Tumatawag si Wish.

"H-Hello?".

"Wake up, sunshine. May pupuntahan tayong dalawa.". - Wish.

"Ang aga aga pa para gumala Wish. Si Anna na lang muna yung yayain mo.".

"Erin. Andito na ako sa labas ng room mo kaya lumabas ka na jan at buksan mo ako dito.". - Wish.

"Eeh. Tinatamad pa akong bumangon. Tsaka saan mo ba ako dadalhin kung sakaling buksan kita jan?".

"Well, hindi natin 'to napagkwentuhan kahapon. May recording si Anna ng bago niyang kanta ngayon and napag-isip-isip kong isama na ka rin para dalawa tayong sumusuporta sa kanya habang nasa recording studio siya.". - Wish.

"Tsk. Ikaw na lang pumunta. Sa fanmeeting na lang niya ako pupunta. Tsaka she knows that I love her so much kaya pass muna ako. Inaantok pa talaga ako, Wish.".

"May radio guesting si Shin malapit sa recording studio kung saan magrerecord ng bagong kanta si Anna baka sakaling makita mo rin si Shin kapag sumama ka sa akin.". - Wish.

Really?! 😨

Wish's POV.

Pagkatapos kong magsalita, nagtaka na lang ako nung biglang binaba na ni Erin yung cellphone niya. Oh, anong nangyari sa babaeng yun?

Baka nga ayaw niya talagang sumama sa akin. Edi aalis na lang ako.

Nung palakad na sana ako palayo bigla namang nagbukas yung pinto ng room ni Erin.

"Wish. Pumasok ka muna dito sa loob. Maliligo at mag-aayos pa kasi ako nang sarili ko. Dito mo na lang muna ako hintayin sa loob.", Nakangiting sinabi sa akin ni Erin.

What's wrong with her?

Hindi na ako nakaimik pa dahil dali-dali niya akong hinila papasok sa loob ng room niya. Pagpasok niya sa akin agad naman niya akong pinaupo sa may sofa.

"Jan ka lang, Wish. Promise, saglit lang kitang paghahantayin jan. Saglit lang.", Nagmamadali naman niyang sinabi sa akin.

"I-It's ok. Take your time.", Sabi ko naman.

Pagkatapos nun, dali-dali na siyang tumakbo papasok sa loob ng cr. Ang weird ni Erin. Malakas talaga yung paniniwala kong may crush 'to kay Author Shin Hwang 😏

Shin's POV.

Hay~ napahikab ako. Pano ba naman kasi ang aga aga ng radio guesting ko ngayon tapos pagkatapos pa nito may outdoor book signing event pa ako. Hay naku~ ang hirap maging sikat lol

Sa radio studio kung nasaan ako ngayon may malapit namang recording studio sa gilid at feeling ko may magrerecord ngayon doon.

Habang seryoso akong nakatingin sa may recording studio may bigla namang kumalabit sa akin.

"Hi!", Oh, I know her. She's Anna Jung.

"Hello.", Sabi ko.

"Grabe ang aga naman ng radio guesting mo ngayon. You're here ba para ipromote yung newest book mo?", Tanong naman niya sa akin.

Bind | SinRinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon