Bind: See You Again

342 13 0
                                    

Shin's POV.

Lumabas na ako sa dressing room para puntahan ang mga fans ko na naghahantay sa akin dito sa labas. Paglabas na paglabas ko pa lang, nasigawan na ang mga fans ko nung nakita nila ako.

Masayang-masaya akong nakipagkwentuhan sa kanila. Nagbigay rin ako sa kanila ng mga libro ko with my signature on it. Nagpakain rin ako. Nagpafood-truck ako para sa mga fans kong nagtiyagang maghantay sa akin dito.

Bigla akong napalingon sa gilid ko nung may narinig akong sumigaw. Agad akong napangiti nung makita ko si Erin.

"Shin Hwang FIGHTING!", Nakangiting pasigaw na sinabi ni Erin sa akin.

Kinindatan ko siya to be my feedback at nakita kong mas lalo siyang napangiti nang dahil sa pagkindat ko sa kanya. Erin is so cute.

Erin's POV.

Habang nakangiti at tahimik ko lang na pinagmamasdan si Shin sa gilid. Bigla namang tumunog yung cellphone ko kaya dali-dali ko yung kinuha sa loob ng bulsa ko. Tumatawag si Christian.

Nagmamadali akong lumapit kay Wish.

"Wish. Teka lang ah, sasagutin ko lang tong tawag ni Christian. Pahawak muna nitong smoothie ko. Salamat, promise saglit lang ako. Excuse me.", Pagpapaalam ko kay Wish.

Pagkatapos kong magpaalam kay Wish, dali-dali na akong naglakad nang mabilis papunta sa lugar na walang gaanong tao para naman magkaintindihan kami ni Christian.

Anna's POV.

Nakita ko na biglang nagmamadaling naglakad si Erin palayo sa amin. San pupunta yun? Dahan-dahan naman akong lumapit kay Wish para magtanong.

"Sweetheart. San pupunta si Erin?", Tanong ko.

"Jan lang yan sa walang gaanong tao pupunta. Bigla daw kasing tumawag sa kanya si Christian. Sabi niya baka kapag dito niya sinagot yung tawag ni Christian hindi sila magkarinigan kaya yun... pumunta siya dun.", Sagot naman ni Wish.

"Grabe. Kamusta na kaya si Christian ngayon? Balita ko, bumaba yung ratings ng business niya ngayon eh. Kamusta na kaya siya no?", Sabi ko naman.

Inakbayan ako ni Wish.

"Sweetheart. Matagal mo na ring kilala si Christian. Alam mo namang hinding-hindi niya hahayaang matalo siya kaya for sure gagawa yun ng paraan para lang tumaas ulit yung ratings ng business niya. Tsaka bakit mo ba siya inaalala jan? Hello? I'm you're girl right? Just focus on me. Only me, Anna.", Sabi naman sa akin ni Wish.

Napangiti naman ako nang dahil sa sinabi sa akin ni Wish. My girlfriend is so sweet! Dahan-dahan kong niyakap yung kanang braso ni Wish nang mahigpit na mahigpit.

"Alright. Titigil na ako. Kinilig ako sa sinabi mo kaya... may price ka sa akin mamayang gabi.", Pabulong kong sinabi kay Wish.

Nabigla naman ako nung biglang pinalo ni Wish yung butt ko. Hey!

"Guys!", Sabay kaming napalingon ni Wish sa likuran namin nung marinig naming may tumawag sa aming dalawa.

Oh, it's Yuji.

"Smoothies?", Aww.. para sa amin ba yan?

Lumapit si Yuji kay Wish at binigay niya yung isang smoothie na hawak-hawak niya kay Wish. Tapos bigla akong nagtaka nung ininuman na niya yung isa pang hawak-hawak niyang smoothie. W-wala ako?

Bind | SinRinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon